12

73 1 0
                                    

Kaye POV

"Hija pag pasensyahan mo na si Allein." Hinging paumanhin ni Manang Lucia.

Napaiyak na lang ako ulit. Kitang kita ko yung mata nyang punong puno ng galit. Kulang na lang ay mag apoy iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan na sa akin nya ibunton ang lahat. Nakasalubong ko si Kim kanina. Nakita ko ang pag sasalubong ng kilay nito at pag tingala.

"O--Okay lang po. Naiintindihan ko po sya." Halos kinakapos na ako ng pag hinga habang kausap sya. Parang hindi ko na sya kilala. Parang nawala na yung lalaking minahal at patuloy na minamahal ko ng sobra sobra. Walang patid ang pag tulo ng mga luha ko. "A-akyat po muna ako sa kwarto ko." Paalam ko dito.

"Sige hija. Ipapasunod ko na lang ang agahan mo." Anito.

Halos takbuhin ko ang hagdan paakyat. Nang makarating ako sa kwarto ay ibinaon ko ang mukha ko sa unan. 'Hes not my Lein.. Lord please give back my Allein.' Mahinang usal ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Maya maya ay narinig akong pag bagsak ng pinto. Siguradong malakas yon kasi dinig na dinig ko yun. Napaiyak na lang ulit ako. Dadating naman siguro ang panahon na babalik sya sa dati. Gagawin ko ang lahat para mangyari yun.

Lumipas ang isang linggo pero di nag babago ang pakikitungo nya sa akin. Madalas mainit ang ulo nya mapa bahay o opisina man. Naawa nga ako dun sa ibang empleyado na sinisigaw sigawan nya. Walang pili, mas bata sa kanya, mas matanda o kahit kaedaran nya. Hindi ganyan si Allein. Maloko sya, pero alam nyang rumespeto. Yung routine ko ay opisina, bahay lang wala naman akong masasabing friends. Si Kim at Justinne they were my bestfriend before. Pero mukhang si Charisse na ang pumalit sa pwesto ko.

"Excuse me." Napaangat ang tingin ko sa dumating.

Maganda sya at sopistikada. Mukhang artista. Parang nakita ko na sya sa billboard

"Yes ma'am?" Magalang sabi dito.

May dala syang paper bag. Disente namang manamit unlike dun sa mga nababasa ko.

"Is Allein inside?" Tanong nito. Biglang sumikdo ang puso ko. But i manage to smile at her.

"May meeting po sya with the investors." Magalang na sagot ko dito. "If you want ma'am sa office na lang nya kayo mag hintay."

"Nah im fine here. I dont want the ambience of his office." She shyly smile. "Uhm.. where's Tiffany?" Anito na umupo sa upuan sa harap ng mesa ko.

"She been working for Ms Yap now ma'am."

"So youre the new secretary?"

"Yes ma'am."

"KATH?" Parehas kaming napalingon ng babae. "Oh God baby what a surprise." Ani Allein at walang sabi sabing hinalikan ang babae. So sya pala yung girlfriend nya.

"Lets eat. I brought something to eat."  Anito at itinaas ang paper bag.

He smiled. The way hes smiling to me before. Kung hindi ko kaya sya iniwan..

"Hi. You want to join us?" Anang babae.

Bago pa ako nakasagot ay sumagot na si Allein

"No baby wag na. Don't you miss me?" Malambing na tanong nito habang hinahalikhalikan sa leeg ang babae.

"No Thanks ma'am" pinilit ko na ngumiti.

Tumalikod na sila at dumeretcho sa pantry. I bit my lower lips. Naramdaman ko ang pag agos ng luha ko. He's looking at her the way she looks at me before. Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiiyak. Tumayo na ako at dumeretcho sa CR. Baka makita pa ni Allein na umiiyak ako. Iinit na naman ang ulo na para bang wala akong karapatang umiyak.

My HeartLess ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon