Allein
Gumising ako ng maaga. Nag shower lang ako ng mabilis at bumaba na ako. Dumiretcho ako sa kusina.
"Manang ako na po ang mag luluto ng breakfast nung mag ina." sabi ko sa kasambahay ni Kim.
"Sigurado po kayo Sir? Kaya naman po namin eh."
"I insist manang ako na lang po."
-
Buhat buhat ni Kim si Sofie pa punta sa direksyon ko.
"Good Morning!" masiglang bati ko.
"Daddy!" ibinuka ni Sofie ang kamay at lumipat ng karga sa akin.
"Good Morning baby" pinupog ko ito ng halik sa pisngi at leeg. Sofie giggled
"Kiliti ako daddy."
"Kain na."
"ikaw ang nag luto?" tanong ni Kim.
i just smiled habang ibinababa si Sofie sa upuan.. Ipinag lagay ko ito ng fried rice at hotdog..
"eat na baby. then drink your milk." sabi ko kay Sofie.
"Nung oras tayo mag mall?" tanong ko habang kumakain.
"Uhmm... may mga appointments ka ngayon?"
"Pwede ko namang i cancel." sabi ko dito
"Nag cancel kana kahapon diba? Okey lang ba yun?"
"Oo naman. Besides sa saturday na ang wedding diba? Wala pa tayong gift. Sa palagay mo anong magandang gift? Kotse na lang kaya?"
"May kotse naman sila. Tig isa pa sila ni Just."
"Nga naman.. Ano kaya.. Ah Unit na lang kaya? Eh diba under construction pa naman yung bahay nila."
"Pwede naman. Kaso diba one month sila sa Spain for their honeymoon?" sabi nito.
Natampal ko ang noo ko.
"Ano ba kasi ang dapat na nireregalo sa mga kinakasal?"
"Hmm.. mga home decors na lang kaya?" suggestion nito.
" okay shoot sagot na natin ang interior design sa bahay nila." sabi ko.
"Well mga 1pm na lang tayo pumunta." sabi ni Kim.
"dad swimming?" napalingon ako kay Sofie.
"Uhm Ask youre mom baby." sabi ko habang pinupunasan ang ketchup sa bibig nito.
"Mommy please?"
"Fine. We'll go swimming. But first mag cancel muna tayo ng appointments." anito.
Kaye..
Nag papahangin ako sa may terace ng bahay nina Tita ng pumasok ang isang kotse sa gate.. Dumeretcho ito sa may grahe. Si Ian mukhang naka inom. We used to be so close before, Ang natatandaan ko nga lang na away namin ay nung pinagpustahan nila si Kim. Tumingin ako dito habang ito naman ay tumigil sa may garden. May kausap ata sa phone. Di ko talaga akalain na si Justinne pala ang mapapangasawa ni Ian. Di naman sila nag papansinan dati. Si Jerwin ang boyfriend nito nuon. Miss na miss ko ng ka bonding ang mga bestfriend ko. Si Kim may anak na siguro sila ni Pj. Kasal nya nung umalis ako eh..
"I-Ian.. Kamusta na?" tanong ko dito ng makita kong palapit na sya sa pwesto ko. Nakarting sa ilong ko ang matapang na amoy ng alkohol "G-gusto mo ng kape?" tanong ko. Tintingnan lang ako nito habang naka tiim ang labi.. "Im sorry kung di ako nakapag paalam--"
"Save it. I dont want to hear anything from you cousin. " malamig na sabi nito.
"Bakit ba parang ang laki ng galit mo?" tanong ko
