2

98 1 0
                                    

Kaye

"Please fasten your seatbelt we are going to land in Ninoy Aquino International Airport."

Napa mulat ako. Inayos ko yung upo ko at nag kabit ng seatbelt.. Maya maya ay naring ko na ulit ang tinig ng FA na nag sasabing naka land na kami sa NAIA.

"Welcome back to the Philippines Ms Princess Kaye Mendoza!" nginitian ko ang attendant. Tinatakan nito ang passport ko at i binalik sa akin..

Napatingin ako sa mga tao na kanya kanyang kaway sa mga sundo nila.. Nakadama ako ng inggit, siguro kung sa ibang pag kakataon baka sya ang sundo ko.. Kung... Bahagya kong ipinilig ang ulo ko..

"Ma'am are you okay?" nilingon ko ang lalaking attendant.. "May sundo po ba kayo?"

Wala naman akong sundo kaya mag tataxi na lang siguro ako..

"Ah could you please call a taxi for me?" sabi ko dito.

"Oh sure Ma'am let me help you with your things." anito na kinuha ang maleta ko. "this way ma'am."

Iginiya ako nito palabas

I inhaled the familiar air.. Its been four years..

"Thank you." sabi ko sa attendant.

"Its ok Ma'am" he smiled.

Pumasok na ako sa taxi,

"Juvillene Homes ." sabi ko sa driver.

Tinanaw ko ang labas ng bintana ng taxi.

Kumusta kana kaya? biglang pumasok sa utak ko ang tanong na iyon..

"M-mahal wag namang g-ganito.." parang na ririnig ko na naman ang boses na yun.. His pained voice..  Napailing ako..

"Ma'am gusto nyo po ng music?" napatingin ako sa driver.

"Ah sige po okey lang.."

  "if you just realize, what i just realize.. we could be perfect for each other and will never find another.. just realize what i just realize...

That song... Nag simulang mamasa ang mata ko..

Take time to realize that i .. im on your side.. Didnt i.. didnt i tell you... 

"Ah manong paki lipat na lang po ng station.."

Inilipat naman nito iyon.  Lalo ko syang naalala.

I miss you Lein..

Pinahinto ko ang taxi sa tapat ng bahay ni tita..

"Salamat po." sabi ko sa taxi driver matapos nitong ibaba ang gamit ko.

Natanaw ko si tita sa may garden. I smiled. I missed my cousins too mula ng umalis ako four years ago ay nawalan na rin ako ng komunikasyon sa mga ito.. Natakot kasi ako na baka di ko mapanindigan ang desisyon ko at bigla na lang akong bumalik.

Pinindot ko ang doorbell. Nakita ko ang pag lingon nito sa akin. Nakakunot ang noo nito na tila sinusuma kung sino ako.

"Tita. si Kaye po ito."

"Kaye iha!" dali dali nitong binuksan ang gate at pinapasok ako. "Naku kumusta kana? Nawalan na kami ng balita sa inyo.."

"Sorry po kung biglaan ang uwi ko tita."

"Nakung bata ito. para namang iba sa amin eh.." anito "Kumusta na ang Papa at Mama mo?"

"S-si Mama po okay lang.." napatungo ako.."Wala na po si Papa." tumulo ang luha ko..

Napatda din si tita. "Kumusta na ang kapatid ko?" anito na nag karoon ng lambog ang mata.

"Ayos naman po. Kaso naging tahimik na sya buhat ng mamatay si Papa."

"Halika na sa loob. Sakto kasal ng pinsan mo next week. Sanay sinama mo na sila mama at ate mo."

"May trabaho po si ate." sabi ko. "Sino po ang ikakasal?"

"Si Ian."

"Wow. talaga po.?"

"Ma sino ang--" natigilan ito ng makita ako. Nag dilim ang awra nito.

"C-congrats Couz.." sabi ko dito nag alangan akong batiin ito. Mukhang tampo sa akin.

"Mister what time ba yung stag party nyo?" nakatalikod sa direksyon ko ang babae.

"Justinne.. " tawag ni tita.

"Bakit po--Kaye?" tila nagulat ito. Mas nagulat ako ng hilahin ni Ian palabas ng bahay si Justinne.

"Pasensyahan mo na ang pinsan mo baka nag tatampo lang yan." ngumiti ito. "Halika na sa kwarto mo at mag pahinga ka na."

Si Justine at si Ian? Wow.. Ang dami na ngang pag babago..

My HeartLess ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon