16

76 1 0
                                    

Kaye POV

"Ano ba talagang gusto mong kaining bata ka?" Natatawang tanong ni manang.

"Gusto ko po ng.. mangga yung kulay green pa." Parang takam na takam ako sa maasim e. Naka pang opisina na ako. Hinihintay ko lang si Allein. Mula nung may mang yari ulit sa amin lagi na kaming sabay pumapasok. Di pa rin nag babago ang ugali nya. Pala sigaw at madalas mainit ang ulo.

"Ke aga aga mangga ang hinahanap mo? Para kang buntis."

B--Buntis? Di kaya?

"Bakit di ka pa kumakain?!" Ang taas agad ng boses!

Napa tingin ako dito. Bakit ba ang hot ng asawa kong ito?! Nakaabot sa ilong ko ang pabango nya at natuptop ko ang bibig ko. Napatakbo ako sa sink at halos iluwa ko na ang lahat.

"Are you okay?" Nahimigan ko ang pag aalala nito. Pero ang baho talaga ng gamit nitong perfume.

"Pwede bang lumayo ka ng konti?" Nag salubong ang mga kilay nito. "A-Ano kasi ang baho nung pabango mo." nauutal kong sabi sa kanya.

"What did you say?!" dumagundong ang boses nito.

"Allein kumalma ka ngang bata ka. Kaye hindi naman kaya buntis ka talaga?" ani manang. "Wag mo na munang papasukin to Allein sasamahan ko sa hospital mamaya. Napapadalas na ang pag susuka nya."

"Ah eh Manang wag--"

"Fine. Stay here." anito na hinugot ang wallet at kinuha ang ATM Card. "Yung huling anim na number ang Pin. Text me the result. I have to go."

"Kain ka muna."

"Sa office na lang."


-

Allein POV

Napapangiti ako habang nag da drive. Am i going to be a father? Oras na siguro na patawarin at tanggapin ko ulit sya. Nag tataka siguro sila na naka ngiti ako pag pasok.

"Fiona arrange my schedules today. May sakit ang sekretarya ko."

"O-Okay po sir" anito na nag mamadaling sumunod sa akin.


-

Kakatapos lang ng lunch meeting namin ng matanggap ko ang text ni Kaye.

Im pregnant.. parang gusto ko na mag tatalon sa tuwa. Tama oras na nga para patawarin sya.

I'll be home early.


Pag pasok ko sa may lobby ay mukhang nag kakagulo ang mga tao. Di ko na sana papansinin ng biglang may marinig ako.

"I need to see my daddy and mommy!"

Lumapit ako.

"Whats going on here?" Nakita ko na hawak hawak ng isang gwardia ang braso ng bata. May kung anong pakiramdam ang sumibol sa dibdib ko. "Let him go."

Binitiwan nito ang bata. Na this time ay titig na titig sa akin.

Lumuhod ako para mapantayan sya. Nang biglang.. "Papa?!" Anito na bigla akong niyakap. "Papa ko!" Nanlaki ang mata ko. Naka masid lang ang mga tao. Parang may nabuong kung ano ng bigla nya akong yakapin.

"H-hey kiddo.. im not you Papa." Parang kumokontra ang puso ko.

"But you are Mama said that. I have your picture." Anito na kinuha yung picture sa bulsa. I stunned. Kami ni Kaye nung college. I looked at him again. Madami kaming similarities.

"Whats your name?" Nanginginig na tanong ko dito.

"Ivan Gail Sebastian."

Narinig ko ang pag singhap ng mga tao sa paligid ko. Mag tutuos tayo Kaye.

Binuhat ko ang bata at binalingan ang acting secretary ko. "I cancel mo lahat ng appointments ko."


Biglang may humahangos na dumating ang isang pamilyar na babae.

"Oh God Gail i was so worried. Papatayin ako ng Mama mo." mukhang di ako napapansin.

"Its okay tita. i already found my Papa." nun ito biglang nawalan ng kulay ang mukha nito.

"A-Allein.. lets go na muna Ivan."

"No tita. i want my Papa."

"Ivan."

Ibinaon nito ang mukha sa leeg ko.

Gabi na ng maiuwi ko si Ivan. Pansamantala kong nakalimutan ang ginawa nya. Palakad lakad ito ng dumating kami.

"Allein.. I can explain." Di ko sya pinansin. Dineretcho ko si Ivan sa kwarto ko at inilapag ko sa kama. Tinanggal ko ang sapatos nya at kinumutan.

"why did you do this to me? Minahal naman kita diba? kahit iniwan mo lang ako. kahit pinag palit mo ako sa iba. pero ito? this is too much!" galit na galit talaga ako.

Sinuntok ko ang pader. Pag katapos ay lumabas ako.

"Allein please, let me explain."

di ko sya pinansin.. ang sakit sakit lang. mabilis kong pina harurot ang kotse ko.

My HeartLess ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon