Ang Gigantomakya ay ang digmaan ng mga Olympian Gods laban sa mga higante.
Nung natalo at napatalsik ng mga Olympian Gods ang Titan Gods ay lubos na nagalit si Gaea. Hindi niya matanggap na ang paborito niyang mga anak (Titan Gods) ay ikinulong sa Tartarus. Kaya nakaisip siya ng paraan, ang kanyang mga bunsong anak kay Uranus ay pinanganak niya at inutusang patalsikin sa pwesto ang mga Olympians, ang mga anak niyang ito ay ang mga higante.
Sinasabi na ang mga higante raw ay nabuo dahil sa pag tadtad ni Cronus kay Uranus, ang dugo ni Uranus ay nabahid kay Gaea. Dahilan nito nabuo ang mga higante.
Ang mga higanteng ito ay sina Alcyoneus, Porphyrion, Polybotes, Agrius, Thoon, Asterius, Enceladus, Clytius, Eurytus, Gration, Hippolytus, Mimas, ang kambal na sina Otus at Ephialtes –na mas kilalang The Aloadae.
Sinasabi na ang namuno sa pagrebelyo ay ang pinakamatanda sa mga higante na si Alcyoneus at ang hari ng higante na si Porphyrion. Sila ay naka full-armor at palaging bitbit ang kanilang matalim na spear.
◇◇◇◇◇
Ang kambal na higante na tinatawag na Aloadae ay ninais na mamuno sa daigdig. Kaya ang dalawang bundok ng Thessaly na Mount Pelion at Mount Ossa ay kanilang pinatong-patong. Nang muntik na nilang maabot ang Mount Olympus ay bigla silang inatake ng diyos na si Ares. Ngunit sa kasamaang palad ay dinakip ng kambal si Ares at kinulong ito sa jar.
Pinahayag ng dalawang higante sa mga diyos na palalayain lang nila si Ares kapalit ang pagpapakasal sa kanila sa diyosang sina Hera at Artemis. Dahil sa pandidiri ni Artemis sa narinig na gustong ikasal siya ng isa sa mga Aloadae ay pinatay nila ito ni Apollo. Sa galit naman ni Zeus, dahil sa sinabi na papakasalan ng isang kambal si Hera ay pinaslang niya ito. Nang natalo nila ang Aloadae ay pinakawalan nila si Ares at ang dalawang bundok ng Thessaly ay binalik nila sa dati. Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat.
◇◇◇◇◇
Matapos ang nangyari sa Aloadae ay kaagad nakakita sila ng Propesiya na iyon daw ay panimula sa digmaang Olympian at Higante. Sinabi ng propiseya na sa digmaang Gigantomakya ay kailangan nila ng tulong ng isang pinakamalakas na mortal.
Dahil nalaman din ni Gaea ang propesiya ay gumawa siya ng halaman. At kapag sumibol ang halamang iyon ay mamamatay ang mortal na magnais na tumulong sa Olympians.
Nalaman din ni Zeus ang pina-plano ni Gaea kaya inutusan niya ang mga titanong sina Helios (Sun), Selene (Moon), Eos (Dawn) na wag na wag silang tumupad sa kanilang gampanin hanggang hindi niya sinasabi. Matapos iyon ay huminto sa pag tirik ang tatlong titano at titana, iyon na rin ang pagkakataong pinutol at pinatay ni Zeus ang mga halamang ginawa ni Gaea.
Matapos iyon ay inutusan ni Zeus ang kanyang anak na si Athena na ipatawag ang anak niya sa mortal na si Heracles upang tulungan sila sa digmaan. Tinanggap ni Heracles ang inbetasyong iyon.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Major Deities
Non-FictionAno nga ba ang Greek Mythology? Sino nga ba ang sinaunang sinasambang diyos ng mga Griyego? Saan ba nagsimula ang mundo ayon sa Mitolohiyang Griyego? Tuklasin at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book 1 of 3