Si Zeus ay anak ng mga titanong Cronus at Rhea. Siya ang pinaka dakilang namumuno sa lahat ng diyos sa buong daigdig. Siya ang Diyos ng Kalangitan, hari ng lahat ng diyos, at ama ng sangkatauhan.
Bilang Diyos ng Kalangitan ay kaya niyang gumawa ng bagyo, unos, at napakatinding kadiliman sa mundo, ito ay sa pamamagitan ng pag-alog ng kanyang aegis. Ang aegis ay ang sagradong shield na ginawa ni Hephaestus na galing sa balat ng imortal na kambing na si Amalthea.
Sa kanyang atas ay ang mga kulog ay bumabalot, ang kidlat ay sumisiklab, ang mga ulap ay bumubukas upang mag buhos at pagbungahin ng ulan sa mundo.
Bilang hari ng diyos, ay kailangang nasisiguro niyang lahat ng diyos ay tumutupad sa lahat nilang gampanin, pinaparusahan niya ang lahat ng sinumang gumagawa ng krimen, lumulutas sa lahat ng mga alitan, at sa lahat ng okasyon at organisasyon ay kailangang ipaalam at humingi muna ng permiso sa kanya.
Bilang ama ng sangkatauhan, siya ang gumagabay, tumutulong, at nagbabantay sa lahat ng kilos ng mga mortal. Ngunit mahigpit siyang nagbibigay ng kaparusahan, at malupit kung alam niyang nararapat iyon sa mortal.
Ang eagle o agila ay ang sagradong ibon kay Zeus, sapagkat ang agila ang nag iisang nilalang na kayang tumitig sa araw na hindi nasisilawan. Ang oak-tree naman ay ang sagradong puno kay Zeus. Kabilang ang puting toro, baka, at kambing sa mga sagradong offerings kay Zeus.
Si Zeus ay nagkaroon ng pitong imortal na asawa ito ay sina: Metis, Themis, Eurynome, Demeter, Mnemosyne, Leto, at Hera.
METIS
Si Metis ay ang unang asawa ni Zeus. Ang Titana ng Karanungan na tumulong sa kaniya upang mailuwa ni Cronus ang mga kapatid niyang nasa sikmura nito. Si Metis din ang utak at ang nagsilbing taga payo ni Zeus nung panahon ng digmaang titanomakya. Si Metis ay hinulaan na kung saka-sakaling ang magiging anak nila ay lalaki, si Zeus ay maaring mapatalsik sa trono ng kanilang anak. Ngunit kapag ito naman ay babae ay magiging katuwang ito ni Zeus sa lahat ng bagay. Upang maiwasan ang hula ay linamon ni Zeus si Metis ngunit ang di alam ni Zeus ay buntis si Metis at ang kanilang naging anak ay si Pallas-Athene na mas kilalang si:
Athena, ang Diyosa ng Karunungan.THEMIS
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Major Deities
Non-FictionAno nga ba ang Greek Mythology? Sino nga ba ang sinaunang sinasambang diyos ng mga Griyego? Saan ba nagsimula ang mundo ayon sa Mitolohiyang Griyego? Tuklasin at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book 1 of 3