HERMES

3.9K 51 4
                                    

Si Hermes ay anak ni Zeus at ng pinakamaganda at ng pinakamatanda sa pitong Pleiades –mga anak ng titanong Atlas, siya si Maia. Ang mga Pleiades ay hindi masyadong binabati ang mga diyos at diyosa ng Olympus dahil sa pag parusa sa kanilang amang si Atlas. Ngunit si Zeus ay inakit si Maia at inanakan ito.

Si Hermes ang pangalawa sa pinaka batang Olympian Gods. Siya ay Mensahero ng mga diyos at diyosa; siya din ang Diyos ng Retorika; Diyos ng Pastulan; Diyos ng Paglalakbay; Diyos ng Pagnanakaw; Diyos ng Pagpapatawa at Kalokohan.

Siya din ang taga hatid ng mga namatay na espiritu sa Underworld o Erebus. Siya lang ang nag iisang diyos na palaging naglalakbay sa Underworld, Lupa ng mga mortal, at sa Olympus.

Bilang Diyos ng Retorika, ay mahusay siyang manghimok at manalita. Dahil sa pagiging mensahero niya ay may kakayahan siyang magsalita ng lahat ng lenggwahe. Dahil dito siya ay karaniwang sinasama ni Zeus sa tuwing siya ay bumibisita sa mortal world. Siya din ang Ambassador ng mga diyos at diyosa.

Siya din ay Diyos ng Pastulan, karaniwan siyang sinasamba ng mga taong taga pastol lalong lalo na sa pagbebenta ng kanilang mga baka. Dahil mahusay siyang manghimok at sanay na sanay manalita. Ito kasi ang karaniwang katangian ng magbebenta.

Bilang Diyos ng Paglalakbay, ay siya ang nangangasiwa sa kaligtasang paglalakbay ng mga mortal. Siya din ang nagbibigay ng parusa sa mga mortal na tumatangging tulungan ang mga nawawala at mga napapagod na manlalakbay. Siya din ang taga pag-alaga ng lansangan at kalsada. Ang kanyang statwa na tinatawag na Hermae –poste na yari sa bato na nakapatong sa itaas ang kanyang ulo, ay karaniwang pinu-pwesto sa cross-roads, sa lansangan at pampublikong lugar.

Tinagurian din siyang Diyos ng Kalokohan at Pagpapatawa dahil sa iba’t ibang kalokohang ginagawa niya sa iba’t ibang diyos. Katulad nalang dito ng pagkuha niya ng ulo ni Medusa sa aegis ni Athena at sekretong nilagay ito sa likod ni Hephaestus; ang pagnakaw niya ng magic girdle ni Aphrodite; at ang pagtago niya ng arrows ni Artemis at spear ni Ares. Ngunit ito ay ginagawa niya ng may kaaya-ayang kabutihang isip at pinagsamang angkop na pagpapatawa. Kaya imbes na magalit ang mga diyos at diyosa sa kanya ay natatawa na lamang ang mga ito. Dahilan din nito kung bakit siya ang naging paborito ng mga diyos at diyosa.

Ang batang diyos na ito ay binigyan siya ni Zeus ng helmet na may pakpak na tinatawag itong, Petasus. Binigyan din siya ng silver na sandals na may pakpak din ang tawag nito ay, Talaria. Ito ay para mas madali siyang makalipad at makarating sa mga dapat niyang puntahan at para mas madali ring maipapadala ang iba’t ibang mensahe sa mga diyos at diyosa.

Si Hermes ay batang tignan at walang balbas. Siya ay may malapad na dibdib pero ka aya-ayang tignan. Ang kanyang mga hita at braso ay medyo malaman at matipuno. Ang mukha niya ay gwapo at makisig, na may magiliw na ngiti ang gumuguhit sa maselan na tabas ng kanyang labi.

Siya ay karaniwang nakasuot ng kanyang Petasus at Talaria. Lagi niya namang hawak hawak ang kanyang Caduceus o herald’s staff.

Ang mga karaniwang inaalay sa kanya ay ang mga insenso, honey, cakes, mga baboy, mga tupa, at mga batang kambing.

Ang inaalay naman sa kanya bilang Diyos ng Retorika ay ang dila ng anumang hayop.

◇◇◇◇◇

HOW APOLLO GOT HIS LYRE:

HOW APOLLO GOT HIS LYRE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
GREEK MYTHOLOGY: Major DeitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon