HEPHAESTUS

3.1K 44 10
                                    

Si Hephaestus ay anak nina Zeus at Hera. Siya ay Diyos ng Apoy, Pagpapanday, at Mechanical Arts. Di katulad sa ibang diyos na perpekto at gwapo, siya ay pangit at pilay, na pa ika-ika sa tuwing siya ay naglalakad.

Siya ang gumawa ng magaganda at matitibay na mga palasyo sa Mount Olympus na gawa sa mga mamahaling metals.

Karaniwan siyang tinutulungan ng dalawang babaeng statwa na gawa sa purong ginto na siya mismo ang gumawa; tinutulungan din siya ng mga elder na Cyclopes sa paggagawa ng iba't ibang uri ng kagamitan.

Siya ay naging Diyos ng Apoy dahil ang apoy ang pinaka importanteng elemento sa tuwing siya ay nagpapanday.

Si Hephaestus ay hindi maaring mawala sa Olympic Assembly, dahil siya ang taga gawa ng makapangyarihang sandata at armas, tulad nalang ng armor, mga kalesa, espada at sibat.

Siya din ang gumawa ng aegis ni Zeus na binigay niya kay Athena. Siya din ang lumikha ng magic girdle ni Aphrodite, mga pana nina Artemis, Apollo, at Eros. Ang palasyo ni Helios ay siya rin ang nagtayo. Siya din ang umimbento sa fire breathing bulls ni Aeetes—ito ay gawa sa ginto na mahikal na humihinga ng apoy, na lumilikha ng usok sa kalangitan at napupuno ng hangin kapag ito ay sumisigaw.

Ang mga bantog niyang nilikhang mga gamit sa mortal ay ang armor ng mga bayaning sina Achilles at Aeneas, ang napakamagandang kwentas ni Harmonia, at ang kumikinang na korona ni Ariadne. Pero ang masterpiece ni Hephaestus ay si Pandora.

Si Hephaestus ay malakas, lubos na maskulado, at mukhang matanda na palaging naka bitbit ng kanyang martilyo na ginagamit niya sa pagpapanday.

◇◇◇◇◇

THE BIRTH OF HEPHAESTUS:

Walang ni sinoman ang nagdidiwang sa kapanganakan ni Hephaestus dahil sa mapait na ala-alang dulot nun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang ni sinoman ang nagdidiwang sa kapanganakan ni Hephaestus dahil sa mapait na ala-alang dulot nun.

Si Hera ay lubhang nasasabik na ipanganak ang kanyang anak na si Hephaestus. Umaasa siya na ang anak nila ni Zeus ang pinaka maganda, pinaka aya-aya, at pinaka makapangyarihang anak nila. Umaasa din siya na sa pagkapanganak niya kay Hephaestus ay makakalimutan ni Zeus ang kaniyang ibang babae at ang mga anak niya sa labas.

Ngunit sa kasawiang palad, ang inaasahang anak ni Hera ay kabaliktaran sa kanyang iniisip. Nakita niya ang kanyang anak na kahit sanggol pa lamang ay maskulado na ito, napakapangit, at garalgal na boses pag siya ay umiiyak. Tinapon niya ang sanggol na yun palabas sa Mount Olympus, dahil sa takot niya na baka kasuklaman siya ni Zeus pag nakita ang kanilang anak.

Si Hephaestus ay buong araw na nahulog galing sa Mount Olympus at malakas na bumagsak sa lupa na malapit sa dagat. Dahil sa lakas ng impact ang dalawa niyang paa ay nabali ang buto, dahilan kung bakit siya ay naging pilay. Nahiga doon ang sanggol na umiiyak, ka awa-awa, at walang kayang gumapang. Pero hindi siya namatay dahil siya ay imortal.

Nang dumating ang napakataas na tubig ay inanod si Hephaestus sa diwatang si Thetis. Inalagaan ng diwatang si Thetis at ng kanyang kapatid na si Eurynome si Hephaestus ng mahigit siyam na taon. Namangha si Thetis sa ginawang kwentas ni Hephaestus na gawa sa pearl at seashells, binigay iyon ni Hephaestus sa kanya.

Kaya nung may isang pagdiriwang ang mga diyos sa Olympus ay inembitahan si Thetis at sinuot ang kwentas na ginawa ni Hephaestus para sa kanya. Nang nakita ni Hera ang kwentas ay pinuri niya ito at tinanong kung saan niya iyon kinuha. Sinabi naman ni Thetis na ginawa iyon ng batang baluktot ang paa na nakita niya sa dagat. Matapos nun ay kinutuban si Hera na ang batang iyon ay ang anak niyang si Hephaestus.

Pinabalik ni Hera si Hephaestus at inanunsyo na anak nila iyon ni Zeus. Nang bumalik si Hephaestus ay pinagkalooban siya ni Hera ng isang bundok na bulkan at doon siya magpanday, sinabihan niya rin na ang mga Cyclopes ang magiging katulong niya, at pinangakuan na magiging asawa niya si Aphrodite basta gawan niya lang ng magagandang gamit si Hera.

Dahil dun naging God of Smith, mechanical, and the great-artificer si Hephaestus.

Matapos nun ay nag higangti si Hephaestus sa kanyang inang si Hera. Ginawan niya ito ng kabigha-bighaning trono, na kung saan pag inupuan ay napakahigpit kang magagapos.

Nung nangyari yun ay nagmakaawa si Hera kay Hephaestus na pakawalan niya ang kanyang ina. Pero si Hephaestus ay nag matigas at sinabing, wala siyang ina at lumisan siya sa Mount Olympus.

Si Dionysus -na Diyos ng Alak, ay pinuntahan si Hephaestus at nag inuman silang dalawa. Nang malasing si Hephaestus ay bumalik siya ng Mount Olympus at pinakawalan si Hera.

GREEK MYTHOLOGY: Major DeitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon