Si Ares ay anak nina Zeus at Hera. Siya ay ang Diyos ng Digmaan, kung saan niluluwalhati niya ang awayan para sa sarili niyang kapakanan. Gustong gusto niya ang pagkakagulo at ang pagpapatayan sa larangan ng digmaan.
Si Ares ay mabangis at hindi pasusupil na mandirigma, kung saan pag siya ay dumadaan sa kanyang hukbo ay parang isang ipo-ipo na sumisira sa kalesa at helmet gayundin pag siya ay nananalo sa sa isang labanan.
Ang half-sister ni Ares na si Athena ay ang lagi niyang nakakalaban. Ngunit pag sila ay nag tutunggali ay palagi siyang natatalo ni Athena.
Sinasabi ni Zeus na si Ares ay ang pinaka kinanasuklamang diyos ng lahat ng diyos at diyosa. Dahil siya ay mapusok at gustong gusto ang pag aawayan ng kanyang pamilya.
Sa tuwing sumasabak si Ares sa labanan ay lagi niyang kasama ang dalawa niyang anak kay Aphrodite na sina: Deimos -na Diyos ng Pagpapanik; at si Phobos -na Diyos ng Pagkatakot. Kasama niya din sina Enyo -na Diyosa ng Digmaan; si Eris -na Diyosa ng Alitan; at ang Keidomos -na demonyo na boses ng digmaan.
Si Ares ay may batang mukha. Ang kanyang katangkaran at maskulado na porma ay pinagsama ng kahanga-hangang lakas at liksi. Sa kanyang kanang kamay ay lagi niyang dala dala ang kanyang espada o di kaya ang kanyang dakilang sibat; samantalang sa kaliwang kamay niya naman ay hawak hawak niya ang mabilog niyang kalasag.
Ang sagradong hayop ni Ares ay ang Wild Boar, vultures at ang mga makamandag na ahas.
◇◇◇◇◇
HEPHAESTUS'S NET:
Si Ares ay kilalang kasintahan ni Aphrodite -Diyosa ng Pag-Ibig at Kagandahan. Si Aphrodite ay hindi gusto ang ideya ng pagpapakasal sa pilay na diyos na si Hephaestus -Diyos ng Blacksmith, kaya nagsimula siyang magkaroon ng affair kay Ares.
Si Helios -ang Titano ng Araw, kung saan ay tinagurian din siyang 'All seeing Sun' dahil lahat ng pangyayari ay nakikita niya. Sinumbong ni Helios kay Hephaestus ang ginagawang pangloloko ni Aphrodite sa kanya. Nagalit si Hephaestus at nakaisip ng magandang plano.
Si Hephaestus ay gumawa ng unbreakable chain-net, na gawa sa bakal, ginto, aluminum at unununium, kung saan ang net ay nagiging invisible maski sa mata ng mga diyos. Dahan dahan niyang pinuwesto ang net sa higaan nila ni Aphrodite sa kanilang palasyo at sinabihan si Aphrodite na aalis muna siya.
Matapos umalis si Hephaestus ay kaagad pinadala ni Aphrodite ang kanyang ibong mensahero kay Ares. Matapos masabihan ng ibon si Ares ay agad itong pumunta sa palasyo ni Aphrodite. Pagdating ni Ares doon ay kaagad siyang niyakap ng diyosa at naghubad. Agad naman silang humiga sa kama kung saan naghihintay ang bitag ni Hephaestus.
Sa gitna ng kanilang pagtatalik ay bigla silang nahuli ng gintong net ni Hephaestus. Dahil dito ay pinalawit sila nito pataas ng kama. Ang diyos at diyosa ay hindi makakilos ng maayos at pawang nagsisigawan lamang ang dalawa at humihingi ng tulong. Narinig ito ni Helios at agad na binalitaan si Hephaestus.
Bumalik si Hephaestus sa palasyo at kaagad na dinala ang dalawang diyos at diyosa na nakahubad sa Mount Olympus upang ipahiya ang dalawa.
Ang mga diyosa ng Olympus ay lubos na nahiya sa ginawa ng dalawa at nagtago sa kani-kanilang kwarto. Pero ang mga diyos ay agad na lumabas ng mabalitaang si Ares at Aphrodite na hubo't hubad na pawang naka pulupot sa net. Nang makita ito ng diyos na dinala ito ni Hephastus ay tawa sila ng tawa, maliban kay Poseidon na pinakalma ang diyos na si Hephaestus.
Nang kumalma si Hephaestus ay pinayuhan siya ni Poseidon na pakawalan ang dalawa upang bayaran ang kanilang pagkakasala. Nang nakalaya sila ay namumula sina Ares at Aphrodite sa kahihiyan. Dahil sa kahihiyan, si Ares ay pumuntang sa kanyang birthplace, ang Thrace; at si Aphrodite naman ay nagtungong Paphos. Ang ibang diyos naman ay isa isang umalis na tumatawa pa rin. Naiwan doon mag isa si Hephastus na may tumutulong luha mula sa kanyang mata, dahil sa galit at pighati.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Major Deities
Non-FictionAno nga ba ang Greek Mythology? Sino nga ba ang sinaunang sinasambang diyos ng mga Griyego? Saan ba nagsimula ang mundo ayon sa Mitolohiyang Griyego? Tuklasin at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book 1 of 3