Si Artemis ay anak nina Zeus at ng titanang si Leto. Siya rin ang nakakatandang kakambal ng diyos na si Apollo. Si Artemis ay kilala din sa pangalang Phoebe Artemis. Nanggaling ang 'Phoebe' sa ina ni Leto. Namana ni Artemis ang isang katangian kay Phoebe ang brightness at radiance, kung kaya't marami ang nagsasabing napakaliwanag at nag niningning daw ang diyosang si Artemis. Si Artemis ay Diyosa ng Kagubatan, Pangangaso, Chastity, Childbirth, Moon, at Protector of Newborn babies and Young Girls.
Nung tatlong taon pa lamang si Artemis ay humiling siya kay Zeus na tuparin ang anim niyang hiling. Ito ay:
Habang buhay siyang maging isang virgin goddess.
Maging taga bitbit ng liwanag sa sangkatauhan.
Magkaroon ng bow at maraming arrows.
Magsuot ng tunic na hanggang tuhod para mas maging komportable siya sa kanyang pangangaso
Magkaroon ng animnapung Oceanids, Dryads, Naiads at Nereids lahat ay siyam na taong gulang. Upang maging isa sa mga huntress niya.
Panghuli, ay humiling siya ng pitong babae at anim na lalaking aso upang bantayan sila sa kagubatan, sa tuwing sila ay nagpapahinga.
Tinupad ito ni Zeus, siya ay pinayagan na kailanman ay hindi siya mag-aasawa. Pinayagan din siya na maging tagadala ng ilaw sa buwan ng Titanang si Selene, kaya tinagurian din siyang Moon Goddess.
Binigyan din siya ng silver na bow at maraming silver arrows, na gawa ni Hephaestus at ng mga elder Cyclopes.
Pinayagan din siyang magsuot ng knee-length tunic.
Pinagkalooban din siya ng animnapung mga diwata ng karagatan, diwata ng puno, at diwata ng batis na magiging kasama niya sa tuwing siya ay mangangaso.
Pinuntahan niya rin si Pan, ang Diyos ng Kagubatan, para humingi ng labintatlong aso na magiging taga bantay niya.
Si Artemis ay naniniwala na pinili siya ng Fates na maging isang Goddess of Childbirth. Dahil na rin sa pagtulong niya sa kanyang inang si Leto na ipanganak ang kambal niyang si Apollo.
Si Artemis ang babaeng counterpart ni Apollo. Katulad ni Apollo ay may kakayahan din siyang gumamot ng sakit, pero ang kanyang kakayahan ay mas maliit kumpara kay Apollo. Kaya niya lamang pawalain ang maliliit na sugat, gasgas, at pasa ng isang mortal. Tulad din ni Apollo, pareho silang dalubhasang gumamit ng pana, subali't mas magaling at mas eksakto ang pagpapana ni Artemis kumpara sa kanyang kambal. Pareho din silang tagadala ng liwanag sa sangkatauhan. Kung si Artemis ay ang nagbibigay ng liwanag sa gabi, si Apollo naman ang nagbibigay ng liwanag sa umaga.
Bilang Goddess of Chastity ay siya ang patrona ng mga babaeng nangakong hindi mag-asawa. Pinaparusahan niya ang sino mang lumabag nito. Siya rin ang patrona at tagapanga-laga ng mga batang babae.
Ang kanyang paboritong gawin ay ang lumibot sa kagubatan kasama ang mga trained huntress niya, at ang pumatay ng mga mababangis na hayop. Ang kanyang huntress ay sumumpa kay Artemis na hindi mag-aasawa. Pagnatatapos silang mangaso kasama ang mga huntress niya ay nagpapahinga sila sa ilalim ng puno o di kaya sa gilid ng ilog at nagkakakasiyahang kumakanta at sumasayaw.
Si Artemis ay mas matangkad sa mga kasama niyang huntress. Karaniwan din siyang lumilitaw na mukhang bata at balingkinitang dalaga. Ang kanyang katangian ay napakaganda at napapansin ang malumanay niyang ekspresyon; ang kanyang buhok ay palaging nakatali sa likod ng kanyang ulo; at ang kanyang katawan ay medyo panlalaki pero ka aya-aya sa paningin. Ang kanyang pana ay laging naka kabit sa kanyang likod.
Ang kanyang simbolo ay ang silver bow at arrows, ang moon, at usa. Ang kanyang sagradong hayop naman ay usang babae, aso, at mababangis na wild boar. Ang sagradong lugar ni Artemis ay ang Delos, kung saang lugar silang pinanganak ni Leto.
◇◇◇◇◇
KING OENEUS AND THE CALYDONIAN BOAR:
Si Oeneus ay hari ng Calydon sa Aetolia. Bilang pasasalamat niya dahil sa masaganang ani ay hinandugan niya ang lahat ng diyos at diyosa, maliban kay Artemis. Dahil sa nakaligtaan niyang alay kay Artemis ay sobrang nagalit ang diyosa. At dahil dito ay pinadala ni Artemis ang pinaka mabangis na bulugan sa lugar ng Calydon, at binansagan ang bulugan na Calydonian Boar.
Ang Calydonian Boar ay may pambihirang laki at kahanga-hangang lakas na kumakain ang mga ani, sinisira ang bukirin, at binabantaan ng kamatayan ang mga tauhan ng Calydon.
Nung makauwi si Meleager, na anak ni haring Oeneus, galing sa paglalayag ng Argonauts. Napagdesisyunan niyang paslangin ang Calydonian Boar sa tulong ng mga magigiting at malalakas na bayani ng Greece.
Nagtagumpay siya sa pagpaslang sa bulugan subali't si Artemis ay hindi nakuntento at sinumpa niya ang pamilya ni Meleagar. Sa sumpang ito ay pinatay ni Meleagar ang kapatid niya at ang kapatid ng kanyang ina. Dahil sa depresyon ng ina niyang si Althea ay pinatay niya ang anak niyang si Meleager. Pagkatapos nun nagpakamatay si Althea.
Lahat ng ito ay nangyari dahilan lang sa paglimot ni haring Oeneus na handugan si Artemis.
◇◇◇◇◇
ACTAEON, THE HUNTER WHO SAW ARTEMIS BATHING:
Si Actaeon ay anak nina Aristaeus at Autonoe, mga namamastol sa Boeotia. Si Actaeon ay isang kilalang hunter at bayani. Isa din siya sa mga sinasanay na bayani ni Chiron, isang centaur (kalahating tao at kalahating kabayo).
Nung gabing lumilibot siya sa kagubatan kasama ang mga asong-pangaso niya ay aksidente niyang nakita si Artemis, kasama ang mga huntress niya, na naliligo sa batis. Manghang-mangha si Actaeon sa nakitang diyosa na hubo't hubad. Nang mapansin siya ni Artemis ay galit na galit ang diyosa. Sa galit niya ay ginawa niyang usa si Actaeon. Pagkatapos nun, dahil hindi kilala ng mga aso niya ang kanilang amo, ay linamon nila ng buhay si Actaeon.
Sa nangyaring iyon ay lubos na nalungkot ang mga aso ni Actaeon dahil hindi na nila nakikita at nakakasama ang amo. Sa awa ni Chiron ay gumawa siya ng manikin na may mga damit ni Actaeon, upang hindi na muling malumbay ang mga aso ni Actaeon.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Major Deities
Kurgu OlmayanAno nga ba ang Greek Mythology? Sino nga ba ang sinaunang sinasambang diyos ng mga Griyego? Saan ba nagsimula ang mundo ayon sa Mitolohiyang Griyego? Tuklasin at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book 1 of 3