4. Iba

18 1 0
                                    

Ang sakit sa damdamin na ikaw ay nasa piling ng iba

Lagi mong kasama at kayo'y magkahawak kamay pa

Ang inyong pagtitinginan ay parang may ibig sabihing salita.

Maalaga at malambing pa kayo sa isa't isa



Sa tuwing kayo'y tinutukso ng iba

Ako na lamang ay nakikisali at di nagpapahalata

Kahit akoy sobrang nasasaktan na

Pilit pa ring tumatawa kahit di natutuwa




Pagmamasdan ka na lamang mula sa abot ng makakaya

Alalahanin ang mga pagkakataong tayo'y magkasama pa

Ngunit bakit ka lumalapit sa akin at parang may pinapadama

Tulad ng papel na blangko, walang sulat at tinta.






Kaya sana naman sabihin mo sa akin kung may ibig sabihin ba

Ang iyong mga yakap sa akin at pag-aalala

Nang ako'y di na umaasa at nagpapakatanga

Sa taong may minamahal na pa lang iba

Sa Tula Na Lang✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon