Sa bawat hampas ng alon sa karagatan
Dala nitoy pagkasira at kagandahan
Na nagbura sa ating matamis na pagmamahalan
Na nag-iwan ng dalamhatit kalungkutan
Di lubos maisip na ganun na lang kabilis
Ang paglisan mo sa ating alaalang kay tamis
Mga matay walang tigil sa pagtangis
Sakit ng puso ay pilit na tinitiis
tulad ng pagsibol ng araw sa kabundukan
Na naging isa lamang panandalian
Tulad ng ating pag-iibigang
Tinapos mo ng ganun ganun na lamang
Mahal kita, pero sumuko ka na
Nagpaalam at sinabing di mo na kaya
At sa paglipas ng dalamhati't saya
Nakita kitang kapiling na ng iba
--**---
This was an assignment I made for my friend... Sana po nagustuhan nyo..
#sinong malungkot dyan? 😢😢😢
Me😢
BINABASA MO ANG
Sa Tula Na Lang✔️
PoetryMga ala-alang iniwan ng nakaraan, Sa tula na lang pwedeng balikan. Pag-iibigang matagal nang nakalimutan, Dito nyo lang muling masasaksihan. --**-- Mainspire at maaliw ----**---- *My tagalog poems*