8.Mahal Kita (Spoken)

20 1 0
                                    

:Unedited

Mahal kita,
Dalawang salitang bakit ang daming agpapakatanga.
Isa ka ba sa kanila?
Dahil ako oo, isa ako sa kanila
At hindi lang basta tanga kundi manhid pa.
Tanga dahil kahit mali pilit pa ring tinatama.
manhid dahil kahit nasasaktan na, lumalaban pa
Bata pa lang tayo nang unang magkakilala
Mahilig maglaro at ang dungis dungis pa
Naging malapit tayo sa isa't isa
At unti unting nabuo ang isang bagay na hindi ko inaakala
Isang bagay na hindi ko nakita
Isang bagay na aking binalewala
Lumipas ang panahon at tayo'y pinaghiwalay ni tadhana
Ilang taon din yun
At nang tayo ay muling nagkita
Nagulat ako dahil may kasama ka
kayo na pala
Sabi nila masarap daw ang magmahal
Tama sila,
Pero hindi masarap magmahal kung ang iyong minamahal ay iba rin ang mahal
Mahirap mang tanggapin pero iyon ang katotohanan
At kailangan kong gumising mula sa aking sariling kahibangan
Dahil sigurado ako na kung di ko ito wawakasan
sa huli ako rin ang masasaktan
Naalala ko pa isang araw masaya tayong nagtatawanan.
at biglang pumasok sa isip ko.
Tama ba itong ginagawa ko?
Tama ba ang sanayin ang sarili ko na kapiling ka
Kahit alam ko namang sa huli iiwan mo rin akong mag-isa.
Hindi kita pinipilit na mahalin rin ako
Hindi ako makasarili para ipagkait ang kaligayahan mo
Dahil alam ko namang hindi ko sya mapapalitan dyan sa puso mo
Pero ang problema'y hindi rin kita mapalitan dito sa puso ko. mahirap
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kailangang isa sa atin ang magparaya at mag let go
At magpanggap na lang na masaya sa kung anong meron tayo
kaya sige oo na,ako na lang
Ako na lang ang lalayo
Ako na ang Tanga
Ako na ang manhid
Ako na.
Pero sana tandaan mong ang tangang ito ay minsang nagmahal sayo
Ang manhid na ito ang unang nagparaya sa puso mo
Mahal kita
Pero alam kung hindi ito tama
Mahal kita pero hindi ito ang gusto ni tadhana
At wag oang mag-alala
Dahil tanggap ko na
Na hindi na magbabago pa
Ang salitang kaibigan lang kita

--**--

DareMe19

Sa Tula Na Lang✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon