Kita kita...
Kita kita, mula sa malayo, kumakaway
habang ang iyong mga mata'y sa aki'y nakapako
Kita kita,
Kung paano ka tumawa kasabay ng mga huni ng ibon sa itaas ng puno
Kita kita,
Kung paano mo isinasaayos ang bawat hibla ng iyong buhok sa likod ng iyong tainga
Kita kita,
Kung paano mo binihag ang puso kong kanina pa gustong kumawala
Kita kita,
Kung paano ka lumapit sa akin at niyakap ako bigla-bigla
Kita kita,
Kung paano pumula ang iyong pisngi nang sinabi kong mahal na mahal kita
Kita kita,
Habang yakap-yakap ka kasabay ng saliw ng mahinang musika
Kita kita...Kita kita, mula sa malayo...
habang ako'y unti unting nagigising sa sarili kong ilusyon, na ang lahat ng ito ay isa lamang imahinasyon, na hindi ako ang lalaking kayakap mo ngayon
Kita kita,
Habang pilit kong iniiba ang bersyon ng katotohanan, upang makasama ka kahit saglir man lang
Kita kita,
Kung paano ka niya hinalikan, habang ako'y pinipilit pigilan ang mga luhang ikaw lang ang dahilan.
Kita kita
Kung paano mo ako sinasaktan nang hindi mo nalalaman
Kita kita,
kung paano kayo magkayakap na sumasayaw sa saliw ng musika
Kita kita..
Masaya sa piling niya...
Habang ako, ni hindi mo man lang magawang makita kahit isa...
BINABASA MO ANG
Sa Tula Na Lang✔️
PuisiMga ala-alang iniwan ng nakaraan, Sa tula na lang pwedeng balikan. Pag-iibigang matagal nang nakalimutan, Dito nyo lang muling masasaksihan. --**-- Mainspire at maaliw ----**---- *My tagalog poems*