Sino ba ako sa buhay mo?
Sagutin mo sana ang katanungan kong ito
Sapagkat ako'y naguguluhan at nalilito
Kung may pag-asa pa ba ako sayo
Wag mo naman sana akong paasahin
Na ako ay iniibig mo rin
Kung ayaw mo sa akin, sana 'yong sabihin
Nang akoy di umasa sa taong, di naman ako iibigin
Masakit ang naghahangad sa wala
Lalo na sa buhay nya ikaw ay balewala
Kalimutan na lang lahat ng ala-ala
At hindi na muling umasa pa
BINABASA MO ANG
Sa Tula Na Lang✔️
PoetryMga ala-alang iniwan ng nakaraan, Sa tula na lang pwedeng balikan. Pag-iibigang matagal nang nakalimutan, Dito nyo lang muling masasaksihan. --**-- Mainspire at maaliw ----**---- *My tagalog poems*