Kasabay ng pagsisimula nitong aking tula
Ay ang paglisan ko sa ating mga ala-ala
Kung saan ang nakaraa'y nalimot na
Tila isang bulang bigla na lang naglaho't nawalaHindi ko sinasabing ako'y may mahal ng iba
Sadyang handa lang talaga akong palayain ka
At handa akong masaktan kahit paulit-ulit pa
Basta sa ikakasaya mo sintaHuwag kang mag-alala
Sapagkat tinatapos ko na
Ang pagmamahal na wala namang halaga
Kahit alam kong mahirap at ako'y masasaktan pa....Patuloy ka lang ngumiti at manatiling masaya
Sapagkat para sa akin yun lang ang mahalaga
Idadaan ko na lang ito sa tawa at tula
Kahit kailangang magpanggap paKaya naman dito sa aking huling
mga nalalabing kataga
Nais kong malaman mo sinta
Na kailan ma'y minahal kita
Kahit alam kung mali at di tama---***----
Its been a while guyzzz.. Vote and comment if you want to😉😊😊😊😊
BINABASA MO ANG
Sa Tula Na Lang✔️
PoetryMga ala-alang iniwan ng nakaraan, Sa tula na lang pwedeng balikan. Pag-iibigang matagal nang nakalimutan, Dito nyo lang muling masasaksihan. --**-- Mainspire at maaliw ----**---- *My tagalog poems*