"How's your room, ate?"
Napalingon naman ako kay Artemis ng bigla itong nagsalita mula sa bukana ng hapagkainan.
She brought me in here yesterday sa mansyon niya. Nahihiya man ako ay hindi niya ako hinayaang magpalaboylaboy, lalo na't wala na akong mga gamit o ni katiting na pera.
I don't know her but her presence gives comfort in me. She's so bubbly and sweet.
"O-oo. Salamat pala dito kahit nakakahiya na." I smiled shyly.
"It's nothing ate. Can I talk to you now?"
Kiming tumango naman ako at umayos ng upo sa kama. Lumapit naman siya sa kanaroroonan ko at umupo sa tabi ko.
"How are you?" She asked.
"Okay lang naman a-ako."
Rinig ko ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita ulit.
"Do you know me?"
Umiling naman ako habang nakayuko at nakatingin lang sa kamay ko na nasa kandungan ko.
"Then I'm Artemis Seraphine Lawrence. I-ikaw? Natatandaan may ba ang pangalan mo?"
Nagtataka man ako sa mga tanong niya ay sinagot ko na ito. She might know the girls in the pictures and might help me.
"Yes, Ako si Alyanna Loro." Dahil sa pagkalimot ko, dala dala ko na ang apelyido ni nanay Persey. Kahit na nabasa ko sa magazine na iyon na Sandoval ang nakadikit na pangalan sa'kin ay kailangan ko pa ring makasigurado at kailangan kong mag ingat sa mga taong nasa paligid ko.
Shock was evident in her face ng sinabi ko ang pangalan ko. She cleared her throat before smiling at me again.
"Bakit hindi mo ako matandaan..." anas nito.
I smiled weakly. "Pasensya na kung hindi kita matandaan, ha? May retrograde amnesia kasi ako. Naaksidente kasi ako noon ilang taon na ang nakalipas."
"Accident? Akala ko..." hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil mahina iyon at hindi abot ng aking pandinig.
Hinawakan niya ako sa braso at tiningnan ng seryoso.
"Do you know, Dra. Davids?"
Davids? Pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon nabasa o nakita.
"Pamilyar lang siya sa'kin pero hindi ko siya kilala."
"Ipapakilala kita sakaniya."
Pinagbihis niya ako ng mga damit na ipinahiram niya sa'kin. Isa pa ito sa ikinahihiya ko. Siya na ang nagpapakaon sa'kin tapos siya rin ang nagbibigay sa'kin ng mga damit na susuotin.
Nakarating na kami sa isang ospital. WD Hospital ang nakalagay. Isa yata itong private na ospital kaya mahal ang bayad dito.
Kinalabit ko si Artemis. Curiosity ate me dahil sa initials ng ospital.
"A-anong ibig sabihin ng WD?"
She just smiled at me and held my arms. "You'll find out when we enter."
The guards greeted Artemis at kilala na ata siya sa ospital na ito pero ng mapatingin sa'kin ang mga guards ay kaagad silang natulala at parang hindi makapaniwalang nasa harapan ako nila.
"Ma'am Yanna?!" Sabay sabay na bulalas ng mga ito.
Kumunot ang noo ko. Bakit Yanna ang tawag nila sa'kin? Is that my nickname'? Sa natatandaan ko ay ganoon rin ang tawag sa'kin ni Artemis noong una ko siyang nakita.
"Huwag mo na silang pansinin."
Hinila na ako papasok ni Art sa loob at bumungad sa'kin ang malinis na loob ng ospital. Hindi rin ito kagaya ng ibang ospital na kahit papasok ka pa lang ay amoy na amoy mo na ang mga gamot. Likas sa aircon ang loob at mukhang mababait ang mga nurses at doctors na nakikita ko.
Habang hinahatak niya ako sa hallway ay inilibot ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko talaga mapigilang mamangha. Napapansin ko rin na ilan sa mga stuffs sa loob ng ospital ay napapanganga kapag nakikita kami. Hindi ko na ito pinansin dahil siguro sa maganda si Artemis kaya napapatingin sila sa'min.
Habang pinagmamasdan ko ang paligid, biglang kay dumaan sa tabi namin ni Artemis na isang babaeng doktor. Hindi ko mapigilang mapalingon dito dahil sa dala ng kasungitan at kaistriktuhan ng maganda nitong mukha.
"That's Dra. Krezhia Waede. Isa sa mga may-ari ng ospital na ito." Ani ni Artemis sa tabi ko ng mapansin niya ang paglingon ko sa doktor na iyon.
"Saan mo ba ako dadalhin?"
"I told you, may ipapakilala ako sa'yo."
Sa wakay ay nakarating kami sa harapan ng isang opisina.
Hindi ko na nakita ang nakalagay na pangalan sa pintuan dahil bigla na lang itong binuksan ni Artemis na walang pahintulot ng nasa loob at hinatak ako papasok kasama niya.
Bumungad sa'min ang babaeng nakaponytail habang seryosong seryoso na nakafocus sa binabasa nito. Tiningnan ko naman ang nameplate nito sa mesa bago ako napasinghap.
Dr. Storm Nyx Night
NEUROSURGEONIyon ang nakalagay. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nakita ko na sa wakas ang isa sa mga taong hinahanap ko.
Magkasalubong naman ang mga kilay nito na binitawan ang mga papeles na hawak bago kami niya inangat ang tingin.
"What are you doing here, Artemis? Hindi ka ba marunong kumatok. You're disturbing me from my work at nagdala ka pa ng—"
Tumigil naman ito sa pagsasalita at laglag ang pangang tumingin sa'kin. Nawala na ang galit at pagkairita sa mukha niya at napalitan ito ng pagkabigla at pagkagalak.
"Alyanna..."
STONE MIKAELSON

BINABASA MO ANG
The Chef | Alyanna
General FictionAlyanna Marie Sandoval is a famous chef. She's very well known in the limelight, she has good friends and families and a husband pero isang trahedya ang nangyari na makakapagpabago sa kaniyang buhay. Without any reason, without telling anyone and le...