Kabanata 14

5.1K 105 12
                                    

Days passed and araw-araw na bumabalik sa'kin ang mga punit na annulment papers na ipinapadala ko kay Archer. He was firm with his decision that he won't sign it yet I know he will, sooner or later he will.

Today, I was busy for the opening of one of my newest restaurants. Hindi na ako masyadong nakakabisita sa mga bata dahil sa sobra kong pagka-busy sa trabaho. I need to do this because I don't want my businesses to suffer because of my lack sa pagpapatakbo ng mga ito. And it also benefits Archer, mas nakakasama niya ang mga bata. Unti-unti na rin naman silang nakaka adjust sa sitwasyon namin ng kanilang ama kahit pa alam kong hindi nila buong naiintindihan ang nangyari.

"Ayusin niyong mabuti ang mga lamesa. I want it all to be perfect. No mistakes." Ma-awtoridad kong sabi.

Sabay sabay namang tumango ang mga waiter and waitresses ko at kaagad na nagtrabaho. I'm wearing a formal woman suit for this evening then applied a light make up that compliments the features my face.

Naglibot-libot ako para tingnan kung may kulang pa ba or mali. I need to double check everything since this is like the first time that I'm appearing in front of other people after five years of disappearing.

"Diba si ma'am Alyanna talaga ang may-ari ng mga restaurant na ito? Ang sungit pala niya no?"

"Bumalik na nga talaga si ma'am Alyanna. Masungit talaga siya at seryoso kapag trabaho. Ganyan talaga siya kahit noon pa, dapat walang mali kaya dapat ay masanay ka na. Pero kapag hindi naman busy ay mabait siya at palangiti, mas masungit nga lang siya ngayon."

I overheard my waitresses talking pero binalewala ko lang iyon. I need to focus on my work tonight.

"Handa na ba ang lahat?" I ask them.

"Yes po, ma'am."

I heaved a sigh then prepared myself bago lumabas para harapin ang nga taong kanina pa naghihintay para sa pagbubukas ng bago kong restaurant.

"Open the door."

Kaagad naman nila akong sinunod at unti-unti nang binuksan ang pintuan. Flashes of cameras greeted me and high class people entered slowly as my lips formed into a smile.

"Good evening, ladies and gentlemen. I'm Alyanna Marie Sandoval and I'm a chef. I hope that you're stay in here would be wonderful. Enjoy!"

Lumipas ang sandali at napupuno na ang mga upuan sa restaurant ko. I greeted some of the guest on their tables. Lumapit naman ang nga tauhan ko sa bawat table para makuha ang mga pagkaing gusto nilang tikman.

Nilibot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang nga taong kumakain na. My forehead knotted when I noticed that the foods were getting out slowly from the kitchen. This service will fail if this slowness continues.

"Ma'am Yanna," tawag pansin sakin ng isa kong chef.

"Yes?"

"Absent po ang isang sous chef natin."

"What?!" The hell. I thought this was all fixed already. At ngayon pa talaga ito umabsent!

"Na-ospital daw po kasi ang anak ni Mary kaya hindi siya nakapasok ngayon." Paliwanag nito.

Kaagad namang lumambot ang eskpresyon ko at bumuntong hininga.

"Okay, bumalik ka na sa kusina. I'll help you with the cooking. I'll just change my clothes."

Nanlaki naman ang nga mata nito at tumango tango. "O-opo. Sige po, ma'am. Sasabihan ko na rin ang ibang chefs."

Tumalilis naman siya at ako naman sinabihan muna ang manager ko na siya muna ang bahala sa mga bisita at ako'y tutulong sa pagluluto.

The Chef | AlyannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon