Kabanata 1

7.8K 119 5
                                        

"Aly! Kanina ka pa hinahanap nang kambal. Tsaka, pumasok ka na rito sa loob at baka malamugan ka pa diyan." Tawag sa'kin ni nanay Presey mula sa maliit na bakuran nang bahay niya.

"Opo, nay. Susunod na po ako!"

Nang maramdaman kong nag iisa nalang ako, tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ito. Tonight was calm and reassuring, hindi katulad nang ibang gabing nagdaan.

Bumuntong hininga muna ako bago iniwas ang tingin roon at tumayo. Pumasok na ako sa loob at tinungo kaagad ang kambal sa kusina.

Napangiti nalang ako dahil kinukulit nanaman nila si nanay. I don't know why this scene always looks familiar. Mabye, this is part of the memory that I lost...

Napalingon sa'kin ang kambal at kaagad na lumapit. "Mama!"

Napangiti nalang ako nang makita ko silang papalapit sa akin.

"Hey, babies!"

Ngumuso naman ang dalawa sa tawag ko sa kanila.

"Hindi na po kami mga babies, mama!" Ani ni Phoenix sa'kin habang naka ikis ang mga braso sa dibdib.

I just chuckled and messed with his hair. "Hmm... babies ko parin kayo. 'Wag nang umangal, okay?"

Tumango nalang si Phoenix at lumapit kay nanay Presey na nakangiti lang sa'min. Tiningnan ko naman ang little princess ko na hindi na nakanguso. Lumapit siya sa'kin at nag pabuhat.

"Mama, nagugutom na po ako..." Ani ni Phoebe at sumandal sa akin.

Humalakhak lang ako at tinungo na ang kusina habang buhat buhat siya.
Ibinaba ko siya sa isang silya at hinanda na ang lulutuan ko.

"Isda lang muna ang ulam natin anak ha. Wala pa kasing pera si mama. 'Di bale, babawi ako sa inyo sa susunod."

Ngumiti siya sa'kin at tumango.

"Paborito po namin iyan, mama. At okay lang po na wala kang perang pambili nang iba pang klaseng pagkain, mama. Alam po naming magaling ka pong magluto at gumawa nang sarili niyong klase nang pagkain, mapagulay man o karne. Kahit ano pa po ang lutuin niyo, masarap parin."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
Nagprito na ako ng isdang uulamin namin at sinaing ko na ang kanin. Maya maya pa'y sinabihan ko si Phoebe na tawagin na ang kakambal at si Nanay Presey.

"Hmm... mukhang masarap itong niluto mo mama ha!"

I just chuckled then gently pinched, Phoenix's cheek.

"Bolahin mo pa ang luto ko. Simpleng pritong isda lang naman iyan."

Tumawa lang siya at umupo na sa isang silya.

Tumabi na ako kay nanay presey at sinabihan si Phoenix na mag pray muna bago kumain. Nang matapos na siyang manalangin, kumain na kami habang masayang nag uusap.




"Alyanna, gabi na, bakit nandito ka nanaman sa labas? tulog na ang mga bata."

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni nanay. Nakangiting nilingon ko siya pero alam kong nakikita niya ang lungkot sa mga mata ko.

"Nagpapahangin lang po 'nay. Hindi parin po ako dinadalaw nang antok."

Narinig ko siyang napabuntong hininga. Naramdaman ko nalang na papalapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Anak, alam ko ang iniisip mo. 'Wag mo nang ituloy ang binabalak mo-"
Malungkot ko siyang tiningnan bago pinutol ang kaniyang sasabihin.

"Hindi po 'nay... Kailangan ko po itong gawin. At saka po, baka may makakilala sa'kin pag lumuwas na ako papunta sa siyudad."

The Chef | AlyannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon