42) LOVE THIS WAY 💕

391 12 0
                                    

Chapter Eleven ( page 42 )
Title : LOVE THIS WAY💕
#messagesent

       BALISA SI VICE at hindi makatulog.. Nasanay kasi syang katabi si Jacky..  May nadadantayan sya..  Bulalikwas sya ng kama..  Para syang maloloka kapag Hindi nya nakita ang dalaga..  Minabuti nyang etxt ito..

Write message..

   "Hi Sis?  Kamusta?  Di ako makatulog.. "

    Send.........

After 5mins..  Walang reply.. 😐

After 10 mins...   Wala paring reply.... 😕

After 15mins..  Wala paring reply.... 😢

   Dahil nga walang reply..

   Tinawagan nya nalang ito. Pero wala naman sumasagot..   Baka tulog na sabi ng isip nya..  Pero kailangan nya maging makulit.. Kahit makausap man lang nya ito..  At ng gumaan naman kunti ang kanyang nararamdaman..

   Nakakailang dial na sya pero wala talagang Jacky na sumasagot..  Kaya nagpasya syang puntahan ang dalaga kina Mika..  Total naman malapit lang ito..  Naglalakad sya papalapit ng boarding house nila mika rinig na nya ang ingay na tugtog ng karaoke..

    Sa di kalayuan
Nakita nya sa labas ng bahay si Jacky napahinto sya ng paglalakad ng makita nyang kasama nito si Tom at ang dalawang sina mika at dawn..

    Nagpapraktis sila ng sayaw.  Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Vice..  Bakas nito Sa mukha ang lungkot dahil hindi  na nga Nya makakatabi si Jacky..  Nasa piling pa ito ni Tom..  

     Mas minabuti nalang nyang bumalik Sa kwarto nya at sisikaping matulog mag-isa😢

VICE POV

      JACKY.... JACKY...  JACKY....

LAGI  ka nalang tumatakbo Sa isip ko.  Hindi kaba napapagod?  Bakit mo to ginagawa sakin? Nahihirapan na ako Jacky..  

     Ang hirap ng pakiramdam na may taong gusto mong ipaglaban pero hindi mo alam kung san ka magsisimula..  Bakla kasi ako at alam kong pagtatawanan lang ako ng mga kaklase namin..  Paanu nila yun matatanggap? Pero tama yung sinabi ni Billy..  Life is too short para isipin ang sasabihin ng iba..  Kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko.. 

KINABUKASAN Nagkita sina Jacky at Vice  Sa class room..

Vice:   " Ahm..  Hi Sis?  Aga mo pumasok ah?  Dumaan ako dun sa nyo kanina pero nakaalis na kayo.. "

Jacky:  "Ay Oo.. Alam mo naman tong si mika laging nagmamadali.."

Vice:  "kaya pala. Hmm.. Sya nga pala.. Nabasa ko yung letter.."

Jacky:  "sorry about what happened Sis. Di ko na uulitin yun "

Vice:  "It's OK...  Move on na ako dun.. Bat pala hindi ka nagsabi sakin na lilipat kana? Eh di sana natulungan kita..

Jacky  "lagi ka kasing May lakad.. Tsaka busy ka pati..  OK lang yun Sis.. Nanjan naman si Tom.. "

Vice:  "Tom na naman.. " .sabi nitong pabulong..

Jacky: "Ha?  Anu yun sis? "

Vice:  "Ahh wala..  Sya nga pala Jacky..  Actually may sasabihin ako talaga sayo eh.. "

Jacky:  "Hmm?  Anu yun Vice? "

Vice :   "baka kasi magalit ka..? "

Jacky :  "huh?  Bat naman ako magagalit? "

Vice:  "Basta..  Promise mo wag kang magagalit huh? "

Jacky:  "Anu kasi yun? "

Vice :   "Promise muna? "

Jacky:  "OK promise.   "

Vice:   " Anu kasi eh..  Aaahmmmm...  "

GOOD MORNING CLASS.!!!

    Hindi na natapos ni Vice ang sasabihin Nya ng dumating ang professor nila..

After classes ...

Habang papunta sila sa canteen...

Jacky:  "Oi Sis?  Anu nga pala yung sasabihin mo sakin kanina? "

Vice:  "Aahhh.  Yun bah?  Anu kasi eh. "

Tom:  "Hi Jacky...."    bati ng binata Sa dalaga..

Jacky:  "Hello soyti.  Sabay Kana samin? "

Tom:  "Sure... "

Launch :  "hi papa Tom... "

   Umiling-iling nalang si Vice..

Habang kumakain...

Jacky:  "Anu nga pala yung sasabihin mo sakin ulit Sis? "

Vice :  "Etetext ko nalang mamaya sayo Jacky.. "

Jacky:  "Ok"

Lainch:  "Oy.. Anu yan ..anu yan? Anu to taguan?  "

Vice :  " Confidential to..  Anu kaba.. "

Launch:  "sige kayo na ang may pasecret jan"

Jacky:  "Vice?  Sama kaba samin Sa Friday?"

Vice :  "oh naman..  Cheer kaya kita.. Woo-hoo... "

Jacky:  "sabi mo yan huh? "

Vice:  "Oo naman!! I'm your number one fan kaya"

Launch:  "Bakit hindi ka sumali Sis?  Partner tayo? "

Vice : "Tapos anung sasayawin natin?  Crazy frog?  Ayuko nga!"

     Napahagikhik tuloy Sa tawa si Jacky..

Launch.. :  "Oy grabe ka sakin bah.  Haha"

VICE POV

     haaaay ang hirap naman pala magsabi ng nararamdaman..  Yun na yun eh pero parang lagi nalang sablay..  Haaay naku..

    Nakasakay kami ngayon ni Jacky sa isang jeep..  Kasabay namin sina dawn at mika..   Katabi ko si Jacky Habang nasa harapan naman namin ang dalawa...

   Anu kaya Kung e text ko nalang?

Nagsimula akong Mag type ng message...

"Jacky...  Sana Hindi ka magalit Sa mga sasabihin ko sayo..  Sana wag mo akong pandirihan o husgahan Sa nararamdaman ko.  Pero alam mo kasi nahihirapan na ako eh.. Bigat na bigat na ako sa nararamdaman ko..  I know that we are sisters but...   Jacky?  Gusto kita.     "

Message sent.....

😱😱😱😱😱



To be continued....

PATALASTAS..

    Gusto nyo ba Malaman?  Kung anu ang magiging reaksyon ni Jacky kapag nabasa nya ang mensaheng ipanadala ni Vice sa Kanya?  Aamin nadin kaya sya?  O Magiging sila na kaya? 

   Alamin Sa mga susunod na kabanata...

ABANGAN?!!!!

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now