100 ) LOVE THIS WAY 💕

447 12 0
                                    

Chapter Eighteen ( Page 100 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Walangkiss?

JACKY POV

       Kakatapos lang ng klase namin sa morning..  Habang pababa kami ng hagdan.. May nakasabay kaming dalawang babae...

Girl1:  "Oi Vice?  Ina-upload ko na pala yung selfie natin kanina huh?  Pa-like naman tsaka pa-accept nalang din ng Friend request? Hehe.. Salamat? "

Girl2:   "ako rin huh?  Hehe.. Bye Vice? "

     Biglang nagpanting yung tenga ko dun ah? Hindi ba alam ng mga babaeng ito na girlfriend ako ng hinaharot nila?

Vice :  "Ha?  Ahhh..  OK... 👌 "

   Isa pa tong manhid kong boyfriend..?  Invisible ba ako sa paningin nila?  Harap-harapan din yun huh?

Jacky :  "Sino ang mga yun? " 

Vice :  "Ahm..  Hindi ko alam pangalan nila eh.  Basta nakasabay ko lang sila kanina.."

Jacky :  "Hindi mo kilala pero talagang nakipag-selfie ka kasama sila? Iba din? "

Launch:  "Oyyyy..  Nangangamoy selos? Haha 😂 "

Vice :  "Naks..  Ang Babe ko talaga napaghahalata..? " hehe

Jacky : "Ewan ko sa inyo.. Kainis... "

     Umuna na ako sa paglalakad.. 

Vice :  "Oh Babe?  Hintay naman..? "
 
   Nakakainis..  Yung alam nyang nagseselos ka na nga tapos aasarin at pagtatawanan kapa? Diba?  Sinong girlfriend ang hindi maiirita?

   Sabay kaming kumain sa Canteen..  Hindi ko nga sya pinansin..  Bala sya jan... 😒

Vice :  "Babe?  Oi? "

    Bala ka dyan.  

  Si Launch ngingiti-ngiti lang.

Vice :  "Grabe?  Hindi na nga lang ako kakain... 😑"

   Galit ko syang sinulyapan..

Jacky :  "Kahit kailan talaga..  Kumain Ka Nga?"

Vice :  "Ayuko na... "

Jacky :  "Bala ka nga.. "

     At talagang hindi nga ito sumubo ng pagkain.. 

   Kaya naman ang ginawa ko..  Pinisil ko yung legs nya dahil sa gigil ko.. Napaaray lang sya..

Jacky :  "Babe?  Anu ba?"

Vice :  "Di mo kasi ako pinapansin? "

Jacky :  "Hindi ba?  Magkausap na nga tayo oh?  Sige na kumain kana.. "

    Nagmatigas parin ito at hindi gumagalaw..

Jacky :  "Sige..  Pag Hindi ka kumain?  Wala kang kiss one week!!!  Ay mali?  Two weeks!!! "

Vice :  "Makakain na nga!!!  Haha 😂 "

    
     Natawa tuloy ako..  Haha..  Ganun din si Launch. 

Vice :  "hmmmp..  Sarap namang kumain..  Hehe 😀"

Launch:  " Yun oh?  Haha "

Jacky :  "Hmp.  Isa pa Jose Marie huh?  Wag na Wag mong ma-accept-accept yong mga babae na yun.. Pag nalaman-laman ko makikita mo talaga.... Nanggigil ako sa mga babaeng yun... "

Vice :  "Hehe..  Opo babe ko..  Masusunod po.  Sa takot ko lang sayo eh.  ?"

Jacky :   "Good..... "

VICE POV

      GRABE Talaga ang babe ko..  Takotin ba naman ako ng ganun?  Haha..  Nakaakbay ako sa Kanya habang pabalik kami sa room namin..

    Ng muli kaming sinalubong ng mga intriga... 

   Halos matunaw na kami ng mga tingin ng mga nakakarami...

    Lumapit ulit sa amin ang  mga grupo ni Cardo..  Talagang Hindi yata nila ako tatantanan.. 

Cardo:   "Oh..  Hi Jacky?  Grabe ang ganda mo talaga?  Alam mo bang masyado kang maganda para dito sa boyfriend mo?  Sakin ka nalang Jacky?  Sigurado liligaya ka?  Haha 😂 😂 😂 " Nagsitawanan ang mga kasamahan nya.

   Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Jacky sa bewang ko...  Na-truma na yata ito sa gulong sinapit namin noong nasaksak ako.. 

   Vice kalma..  Hindi ka pwedeng magpadala sa mga kulokoy na to..

Vice :  "Ayaw namin ng gulo... Pasalamat ka Hindi kita sinumbong kay Den kanina?  Gusto mo ba talagang dumating tayo sa ganun? "

Cardo :  "Tinatakot mo ba kami? "

Launch :  "Hoy!!!  Dapat lang kayo matakot.  Hindi nyo ba alam na retired military tong erpat ng binabangga ninyo?  Baka gusto nyong mapadala sa marawi ha? "

Cardo :  "Ahhh.  Retired na pala eh?  Haha 😂 "

Vice :  "Alam mo? Dahil Sa ubod ng kayabangan mo?  Hindi Kana tuloy lumaki.. Hindi bagay sayo yang kaangasan mo kasi ang pandak-pandak mo..Gusto mo pataasan tayo ng ihi huh? "

     Hindi nakapagsalita si Cardo sa tinuran ni Vice..  Marahil nanliit ito sa sarili dahil totoo naman kasing pandak sya.

Vice :  "Anu? Natameme ka?  Wala ka pala eh? Tabi nga? "

   Matapang kong hinila si Jacky at nagpatuloy sa paglalakad..

Launch:   "Grabe?  Hindi ko na-carry yun ah?  Haha..  Buti nga sa Kanya..  !!"

Jacky :  "Babe?  Sana hinayaan mo nalang sila?  Baka balikan ka nun?

Vice :  "Hindi na yun babalik..  Kakausapin ko si Den mamaya...  "

Launch:   "Tama mas mabuti nga yung ganun..  Naku.. Yung Cardo na yan!!  Gwapo pa naman sana kaya lang ubod naman ng yabang...  Grrrrr....

Jacky :  "Babe?  Ayuko ng pumasok kapa sa gulo OK?  Mahihimatay na ako talaga? "

Vice :  "Babe?  Relax...  ?"

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now