145) LOVE THIS WAY 💕

367 10 0
                                    

Chapter Twenty-four ( Page 145 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Naduduwal

BELLA POV

     Kumunot yung noo ko habang binabaybay namin ang daan patungo kina Cardo.  Para kasing pamilyar ang daan na to sa akin ah? 

Cardo :  "Sige bella dito nalang sa may tapat ng may eskinitang yan..

    Muka yata iisang Compound lang nakatira Sina Zanjo at Cardo ah?  Kaso nahihiya akong itanong Sa kanya Kung magkakilala sila..  Nahiya naman akong e-share na may nabundol ako kamakailan Lang..

Bella :  "Marami pa bang bahay dyan sa looban? "

Cardo:  "Ahh..  Oo..  Gusto mong magkape muna? "

Bella :  "Ahh..  Hindi na.   Next time nalang... Hinihintay kasi ako ni kuya eh..? "

Cardo :  "Ahh.  Sige ingat... "👋

Bella :  "Sige... Bye 👋 "

Cardo :  "Ahh Bella?  Pwede bang humingi ng number? "

Bella : "number? Ahh.  Sure...  "

    Kinuha ko ang cellphone nya at nag-type ng number..

CARDO POV

   YES!!!  SA Wakas!! Pwede ko na syang etext!!  Hehe..  Kinilig ako bigla..  Hindi maalis sa mukha ko habang naglalakad papasok ng bahay namin..

   Nadatnan kong naglalaro ng Tong-it's sina Zanjo at ang bunso Kong kapatid na si Cathy... Kasama ang Nanay.. Ito ang madalas katuwaan namin sa bahay.  Ang paglalaro ng baraha. 

Cardo :  "Naku?  Kapag nga naman sa Tong-it's walang pinipiling kalaban ah? Haha 😂 "

Cathy: "Kuya?  Talo na ako?  Pingeng bente Kuya?"

Cardo :  "Yan?  Lalaro-laro wala naman palang puhonan?  Naku kang bata ka.."

Nanay:  "Sadyang bihasa ang taga maynila anak.. "

Cardo :  " Tsk..  Alis nga dyan Cathy at babawiin natin ang talo nyo.. " haha 😂

Zanjo:  "Mukang ang ligaya natin ngayon insan ah? "

Cardo :  "May inspirasyon lang.. 😁"

Zanjo:  "Parang alam ko na yan ah? "

Cardo:  "Woo-hoo..  Ganda ng baraha ko ah?  Kasing ganda ng araw ko..  Hehe "

  Naalala ko tuloy ang Pagka-joker ni Bella.. 


     MABILIS LUMIPAS ANG ISANG LINGGO Kung kaya naman nagpaalam na ang dalawa upang bumalik ng Davao kahit tatlong araw lang upang e celebrate ang birthday ng kaibigan nilang si Launch..

     Outing ang napagkasundoang party ng magbabarkada..

   Kaya naman magiging magulo na naman ang araw ng lahat..

Dawn:  "Oi Mika?  Ikaw huh?  Wag na wag ka ng iinum?  Dyos ko maawa ka!! "

Launch:  "Oo nga Mika?  Ibalatu mo na sa akin ang araw na to!!  Haha "

Jacky :  "Oi..  Hehe..  Grabe kayo Kay Mika?  Iiyak na yan.. "

    Isang masayang selebrasyon ang ginawa nilang magkakaibigan..

   Si Vice ang nagpresentang mag-ihaw ng isda. Kasama si Jogs..

   Habang nagpapaypay lumapit Sa kanya si Jacky..

Jacky :  "hmmmmp..  Babe Ko? Ang bango.. ?"

Jogs : "Amoy ulam na ba Jacky? Hehe "

Vice :  "sino babe?  Ako o ang niluluto ko?  Hehe "

Jacky :  "Ikaw..  Amoy ulam na ikaw babe?  Hehe "

Vice : "Naku?  Ikaw babe ha?  May binabalak ka na naman sa akin?  Hmm? "

   Haha haha 😂 😂 😂

Jacky :  "Sira ka talaga..? "

VICE POV

  Nagulat ako ng bigla syang sumandal sa balikat ko habang hawak ang kanyang noo..

Vice :  "Babe OK ka Lang? "

Jacky :  "Bigla akong nahilo eh..  "

Vice :  "ha?  Lika?  Upo ka muna don? Pareng Jogs?  Pasuyo na muna ako ha? "

Jogs:  "Sige..  No problem! "

   Inalalayan kong maglakad at maupo si Jacky sa aming Cottage.. 

Dawn:  "Oh?  Nu nangyari? "

Vice :  "Biglang nahilo eh? "

Jacky :  "Babe water? "

Vice :  "Water? "

    Bigla akong nataranta.. Putlang-putla kasi sya.. 

Vice :  "Ito na babe? "

    Dahan-dahan nitong ininum ang isang basong tubig ..

   Lumuhod ako sa kanyang harapan habang pinipisil-pisil ang kanyang kaliwang kamay. 

Bea: "Ito oh? May white flower ako? Pasinghot mo Kay Jacky Vice? "

Vice : "OK.  Thanks Bea. "

    Sinunod ko ang utos ni Bea. 

Jacky :  "Babe?  Dito ka lang Sa tabi ko? "

Vice : "Oo dito lang ako..  Anu ? Medyo ok na ba pakiramdam mo? "

  Tumango lang sya.

Bea:  "Baka naman nausog ka Jacky? "

Mika :  "Hoy Guys? Lawayan nyo nga si Jacky?!  Baka isa Sa inyo nakausog..!"  sigaw nito sa mga kasamang naliligo sa pool..

Jacky : "Oi..  Grabe .. Laway talaga? "

Mika:  "Ganun daw yun sabi ng Lola? "

   Ilang sandali pa ay naging OK na ang pakiramdam ni Jacky..

   Kasalukoyan syang nakasandal saking mga balikat upang e-conquer sya. 

Vice :  "Sige na?  Kain na tayo?  Para makainum ka ng gamot? "

Jacky :  "Wala akong gana babe? "

Vice :  "Sige na?  Kahit kunti lang? "

Launch: "Jacky?  Anu?  OK na ba ikaw?  Wag ka maliligo huh?  Baka napasokan ka lang ng malamig na hangin girl.? Sige na kain na at ng malagyan ng laman yang tyan mo.. "

      Nagsalo lang kami ng plato ni Jacky at pilit kong sinusuboan..  Nakaka-tatlong subo palang ito ng biglang tumakbo kasi naduduwal...

  Agad ko syang sinundan sa malayo at hinimas-himas ang kanyang likoran..

Vice :  "Babe?  Water oh? Water?  "

   Natataranta na ako dahil sa nangyayari Sa girlfriend ko.. 

To be continued

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now