Chapter 5: Xander's Secret

7 2 0
                                    

Chapter 5: Xander's Secret

Sa mga oras na ito, hindi parin sya nagsasalita matapos nyang uminom ng gamot. Ok na kaya sya? Grabe! Kinabahan talaga ako dun ha! Pano kaya kapag may nangyari talaga sa kanyang di maganda, baka ako pa sisihin nila. Kasi ako lang naman ang kasama nya. Buti na lang talaga walang nangyaring masama sa kanya.

At dahil di ko mapigilang di magsalita ang aking mga bibig, inunahan ko na syang magsalita.

"Ok kana ba?" Nakatingin ako sa kanya. Nag-aantay kung ano isasagot nya. Ang tanong, sasagot kaya sya? Sana! Oyy sumagot ka! Wag moko dedmahin. Grabe grabe! Dedmahan lang ganern? Pagkatapos kitang tulungan. Walang utang na loob ha!

Unti unti na syang bumabangon. Pero hawak nya parin yung ulo nya. Tumingin naman sya sakin. Nabigla naman ako dun ha! Ano na naman kaya iniisip nya?

Lumapit sya sakin at muli na naman nya ko niyakap. Napatulala lang ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Para akong statua. Di ako makagalaw nang bigla nya ko niyakap.

May binubulong sya sakin na hindi ko naman maintindihan. Ang hina kasi ng boses nya. Siguro mahina pa sya. Wala pa syang sapat na lakas.

Ilang minuto rin kami nagyakapan. Hanggang sa naisipan nya naring pumiglas. Akala ko hindi na sya pipiglas eh.

"S-Salamat dahil n-nandito ka" mahina nya parin yun nasabi sakin. Pero buti na lang naintindihan ko na sya.

"W-Walang a-anuman" ano ba yan. Pati ako, nauutal na! Ano bang nangyayari sakin. Nahahawa nya ko ng kautalan.

"Ano pala nangyari sayo? Grabe kinabahan talaga ako dun ha!" Totoo yan. Kinabahan talaga ako sa kanya kanina.

"I have a sick" matamlay nyang tugon sakin.

Totoo ba yan? May sakit sya? Ano naman sakit nya? Malala ba yan? Feeling ko malala na nga yung sakit nya. Hindi naman kasi sya magkakaganyan kung hindi talaga masakit diba? Napapaisip tuloy ako kung ano ba talaga sakit nya.

"Ano ba sakit mo? Headache? Migraine? Ubo? Sipon?–—"

"T-Tumor"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil gulat na gulat ako sa sinabi nya. Tama ba yung pagkakarinig ko? Di ba sya nagbibiro? Seryoso ba sya dun sa sinabi nya?

"Grabe ka! Natawa ako sa joke mo ha! Alam mo pwede ka sa Showtime. Havey na havey yung joke mo eh. Nadala aketch"

Wala man lang syang kibo sa sinabi ko? First time nya ko di inaway ha! Nakakapanibago tuloy. Ngayon, naniniwala na ko may sakit nga talaga sya. Pero hindi tumor. Parang di talaga kapani-paniwala eh!

"S-so-rr-y" pati paghingi ko ng sorry nautal ako. Ano ba tong nangyayari sakin. Ang awkward na talaga!

"Bat ka nagso-sorry?"

"E k-kasi—" ano ba sasabihin ko? "Dahil dun sa sinabi ko kanina. Sorry talaga" napayuko na lang ako sa sobrang hiya.

Nagaantay ako kung ano isasagot nya kaya lang wala parin ako naririnig na boses nya kaya naman tumingala na ko at tiningnan sya. Hanggang ngayon yung mukha nya matamlay parin. Walang kaekspre-ekspresyon. Yung mukha nya parang nalugi.

At dahil di parin mapanatag ang aking isipan, gusto ko masagot ang aking mga katanungan. Dahil maski ako naguhuluhan narin talaga.

"So totoo nga yung sinabi mo?" Gusto ko lang malaman kung may tumor nga ba talaga sya.

Tahimik parin sya. Silent means yes. So tama nga?

"Mukha ba ko nagsisinungaling?"

Nagsalita narin sya. Mukhang bumalik na sya sa katinuan. Hambog na kasi ulit eh. Sana pala talaga di ko na lang sya kinulit. Ang kulit ko kasi eh. Yan tuloy bumalik na naman yung ugali nya. Ok na yung kanina eh, tahimik lang tas mukhang mabait. Ngayon, mukha na ulit syang demonyo.

Fanboys And Me Where stories live. Discover now