Chapter 13: Back To School

5 2 0
                                    

Chapter 13: Back To School

Ria's POV

Supah dupah excited na ko bumalik sa school. Namiss ko na mag-aral. Malapit pa naman yung 1st sem examination namin. Kailangan ko na talaga humabol sa lessons baka kasi sa darating na exam, nga-nga ako dun. Mapahiya pako. Wala ng medals at awards. Ayoko madisappoint sila sakin. Kaya lalaban lang ako habang may buhay!

Binilisan ko na ang kilos ko at agad na pumasok sa school. Hinatid ako ni kuya sa school. Simula daw ngayon lagi na nya ko ihahatid. Ang sweet naman talaga ng kuya ko.

Nang nasa school na ko, agad ako bumaba sa kotse.

"Susunduin ulit kita ha!"

"Oo na. Ingat ka kuya"

"Ikaw ang mag-iingat. Ge na pasok kana"

"Bye kuya. Ingat sila sayo"

Nagtungo na agad ako sa room namin. Mas pinili ko maglakad papuntang room kaysa gumamit ng elevator. Na trauma na kasi ako nung nangyari samin ni Xander, baka mangyari na naman sakin yun. Ayoko na mangyari pa ulit yun. Inisip ko na lang yun na isang malaking bangungot lang lahat ng yun.

Habang naglalakad ako, may pumukaw sakin ang naka paskil sa bulletim board ng senior high, kaya agad ko yun tiningnan.

Nang basahin ko yung mga activities na gagawin namin. Na excite na agad ako kasi ang dami pala namin gagawin this month. Buti na lang talaga nagising na ko.

Nabasa ko rin na next week na pala yung Senior Prom Night namin. Wow! May pa SPN si mayor ha! Kaya lang di ko naman hilig pumunta sa mga ganan eh. Never pa talaga ako pumunta. Ayoko lang kasi. Wala naman kasi ginagawa. Nakaupo ka lang. Pinapanood yung mga sumasayaw.

Aba! May search for Mr. and Ms. Senior High Students pa ha! Sino kaya pambato naming section 1. Lalo na ko nae excite. Makapunta na nga sa room.

Carl's POV

"Mga pre, may ka partner na ba kayo sa SPN?" tanong samin ni Adrian

"May balak pa talaga kayong umattend?" Tanong ko naman sa kanila.

"Bakit ikaw wala?" Sabay nilang tanong

"Wala" sagot ko

"Bakit wala? Siguro wala kang partner noh!"

"Hindi ah. Ang dami nga nangyayaya sakin, tinatanggihan ko lang. Ayoko lang. Ang boring kasi"

"Wow. Yabang ha! Madami ba talaga nangyaya o baka si Jerlene lang yung nangyaya sayo?"

"Gago. Kung gusto mo edi sayo na sya. Wala akong pake sa kanila. Bahala sila maghanap ng magiging partner nila." 

"Ikaw bahala. Pagsisisihan mo rin yang decision mo. Masaya kaya yun. Daming chicks nun"

Ayy naku! Bahala kayo basta ako di ako aattend.

"Eh ikaw Xander, pupunta ka ba?"

"Hindi"

Hindi rin pupunta ang pakboy nato? Bakit naman kaya?

"Eh wala yung Prinsesa ko dun eh. Sino magiging partner ko?" .

"Gisingin mo kaya yung sinasabi mong Prinsesa, Xander. Para may ka date kana"

"Loko ka Adrian. Kung pwede nga ganun ganun na lang yun eh!"

"Eh ikaw Bon, ay alam ko na isasagot mo, hindi karin aattend kasi wala karing ka partner. Di ka naman talaga na-attend. Kelan ka ba umattend?"

Pakilamero talaga to si Adrian. Sino kaya ka-partner nito? Parang gusto ko ng umattend ha!

Fanboys And Me Where stories live. Discover now