Chapter 10: Leukemia

5 0 0
                                    

Chapter 10: Leukemia

Xander's POV

Nagising ako dinadaing ang sakit ng ulo ko. Mukhang naparami ako ng inom. Si Adrian kasi eh. Pinilit pa ko.

Sa sobrang sakit ng ulo ko, feeling ko hindi to hangover eh! Siguro sumusumpong na naman yung sakit ko. Traydor talaga yung sakit ko kahit kelan.

Nakita ko gising na silang dalawa. Naglalaro ng computer games. Kaya naman agad ko silang pinuntahan.

"Anong oras na mga pakboy?"

"Wag ka nga dyan magulo Xander. Naglalaban kami ni Bon. Malapit ko na sya matalo"

Ang kakapal din ng mga mukhang to ah! Dito pa talaga dumayo sa bahay namin para maglaro ng LOL games. Mga uLOL! Di nyo to bahay. Ang kakapal ng mga mukha nyo. Feel at home ha!

At dahil di nila ako pinapansin at nakatutok lang sila sa ginagawa nila, binunot ko ang saksakan para di sila makalaro.

Sumigaw ng malakas si Adrian. "Bat mo binunot? Patay na sana si Bon eh!"

"Baka nakakalimutan nyo hindi to Comshop. Bahay ko to"

"Pasensya na Xander"

"Ok lang Bon"

"Gising na pala kayo. Wala ba kayong balak pumasok?"

Nakita ko si ate. Gising narin pala sya.

"At ikaw Xander, pumasok ka ha! Wag kang magpasaway. Umayos ka sa study mo. Ga-graduate ka na!"

Eto na naman sya. Keaga aga puro na naman sermon ang naririnig ko sa kanya. Feeling ko tuloy sya yung nanay ko. Nakaka bwiset magkaroon ng ateng bungangera!

Di ko na lang sya pinansin. Sasakit lang ulo ko sa kanya.

Speaking of sakit ng ulo kanina pa talaga hindi tumitigil sa sakit yung ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at napaupo na lang ako bigla sa sofa.

"Ok ka lang ba pre?"

"Oo ok lang ako"

"Xander, hangover lang yan. Walwal pa"

Sige, asar pa Adrian. Kung alam mo lang talaga pinagdadaanan ko eh!

Nagpretend na lang ako na wala akong nararamdamang masama at tumayo ulit.

Napansin ko wala si Carl. Asan na sya? Nauna na ba sya?

"Asan nga pala si Carl?" Tanong ko sa kanila

"Kanina pa umalis. May pupuntahan pa daw kasi sya" sagot sakin ni Bon

"Kahit kelan talaga yung Carl na yun, nangunguna." Dagdag pa ni Adrian

"Hayaan mo na! Nagmamadali lang siguro yon" sumbat ko naman kay Adrian

At dahil nakaayos na sila Bon at Adrian pinauna ko na lang silang pumuntang school.

"Mauuna na ba kami o aantayin ka pa namin?" Tanong ni Bon

"Mauna na kayo mga pre sa school, mag-aayos pa ko. Susunod na lang ako"

"Sige una na kami Xander"

"Sumunod ka agad ha!"

"Oo. Ingat sila sainyo"

Nagpakboy sign kaming tatlo.

"Ang jo-jologs nyo"

Nakikisawsaw na naman ang magaling kong ateng pabebe!

"Wag kana nga mangialam. Inggit ka lang eh. Wala kasing tropa. E kasi naman yang ugali mo baguhin mo. Wag mataray ate"

"Che! Dyan ka na nga" sabay walkout si ate ko gurl.

Umalis na sila Bon kaya naman ako na lang natira. Pumunta agad ako sa CR at naligo.

Buti na lang wala na ko hangover. Binilisan ko na lang ang pagligo ko, at agad nagbihis.

Paalis na sana ako nang biglang sumakit na naman ulit ang ulo ko. Bwiset na ulo to oh! Bakit kasi ngayon ka pa sumusumpong. Wag ngayon jebal?!

Tiniis ko ang pananakit ng ulo ko at nagpatuloy lumabas ng bahay at nagtungo sa campus.

Nang makarating na ko sa campus as always ang dami agad nag-aabang sa labas ng gate. Andyan na naman ang mga fans ko. Hay naku! Nakakarindi talaga sila. Pinapasakit lang din nila ulo ko eh. Pwede naman hindi sila humiyaw at sumigaw eh. Bakit pa nila yun ginagawa? Mga pinoy talaga nagpauso nan. Daming alam talaga ng mga pinoy. Grabe grabe!

Nang bumaba na ko sa kotse ko sinuot ko ang headset ko at naglakad papuntang room. Di ko na lang pinansin yung mga babaeng humihiyaw ng pangalan ko. Bahala kayo humiyaw dyan. Bunganga nyo naman ang sasakit at mapapaos hindi yung akin. At saka ginusto nyo yan edi go lang kayo dyan. Baka ikaunlad yan ng Pilipinas.




Fanboys And Me Where stories live. Discover now