Chapter 14: Election

5 1 0
                                    

Chapter 14: Election

Ria's POV

"Good morning class"

"Good morning sir" tumayo kami at binati sya.

"Welcome back Ms. Ria"

"Thank you po sir"

"Ok kana ba talaga?"

"Yes po sir"

"Ok. Today ang gagawin natin ay mag e-election tayo para sa ating Homeroom Officers. Bago tayo magsimula. Gusto ko lang sabihin sainyo na piliin nyo kung sino yung deserving sa position na yun. Wag kayo basta basta magsha-shade ng names. Dapat yung karapat dapat talaga. Nasa akin yung sheets at ipapamigay sainyo ni Mr. Bon. But before that, sasabihin ko muna yung mga candidates para malaman nyo rin diba kung sino sino yung candidates natin. Unahin natin sa Muse, apat yung napili ko. Can you pls. stand up Ms. Sheena Miley Vertex, Ms. Ma. Krista Amada Vertex, Ms. Eugine Revilla and Ms. Ria Marie Siclot—"

Ha? Ako napasama sa muse? Totoo ba to?

"Can you pls stand up. Para makita ng mga classmates ninyo yung beauty nyo"

Bakit ako pa sir? Hindi ko to alam ha!

No choice ako, kaya tumayo na ko sa harapan. Nakakainis talaga. Mukhang minamalas na naman ako this time.

"Ok. Pwede na kayo maupo. Next ang ating mga candidates for escort. By the way, yung mananalong muse and escort today, sya yung magiging representative ng section natin ok?—"

"Yes sir" sagot nila

Sana talaga di ako manalo. Alam ko na naman kung sino yung mananalo eh.

"Next yung candidates ng escort ay actually apat sila, so kayo na lang bahala kung sino iboboto nyo. When I call your name pls. stand up and go in front Mr. Alexander Pacalso, Mr. Bon Adison Dela Cruz, Mr. Adrian Mophire Kim and Mr. Chritian Carl Angelo Martinez—"

Pumunta na yung apat na pakboy sa unahan. Sino naman kaya iboboto ko
sa kanila? Wala namang deserving sa kanilang apat.

"Ok. You may sit down.—"

At nagpatuloy pa si sir kakapakilala sa mga candidates ng iba't ibang positions hanggang sa makarating na sa Vice President at President.

"Candidates para posisyong Bise Presidente at Presidente ay sina Bon Adison Dela Cruz, Ria Marie Siclot at Adrian Mophire Kim—"

Napasama na naman ako. Ano ba to?!

"Tandaan class, pag naboto mo na na sya sa posisyong pagka presidente, hindi mo na syang maaaring iboto sa bise presidente. Maliwanag ba?"

"Yes sir"

"Ok. Mr. Bon you may now distributed this sheet and you may now start shading na class. Remember VOTE WISELY!"

Mga classmates ko magaganda at pogi pwera lang dun sa apat na pakboy, pls. wag na wag nyo ko iboboto dun sa muse. Maawa kayo sakin. Di naman kasi ako aattend sa SPN na yan kaya sayang lang yung boto nyo.

Fanboys And Me Where stories live. Discover now