Chapter 7: Boyfriend

9 3 0
                                    

Chapter 7: Boyfriend

Xander's POV

Lumipas pa ang ilang oras, di parin naayos ang elevator. Naiinip na ko dito. Hanggang kelan ba kami dito. Tiningnan ko si Maria Labo mula sa pwesto nya. Pareho kaming nakaupo sa 4na sulok ng elevator. Mukhang di ok si Maria Labo ah! Anong problema nun?

"H-hanggang kelan ba tayo mae-stay dito? W-wala na ko m-malangh-hap na h-hangin. N-nahihirapan na k-ko h-hum-minga" pautal utal syang nagsalita. Halos di ko na nga maintindihan sinabi nya. Seryoso ba sya sinabi nya?

"Ok ka lang ba Maria Labo?"

Hindi na sya sumasagot.

"Hoy! Sumagot ka!"

Hindi parin sya sumasagot. Kaya naman pinuntahan ko na sya at tiningnan kung ok pa ba sya! Nakita ko wala na syang malay. Anong gagawin ko? Maria Labo ano bang nangyayari sayo? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam na may sakit din pala sya. Bakit di nya sinabi.

Kinuha ko ang ulo nya at nilagay sa hita ko. Tinitingnan ko mukha nya. Kapag tinitigan mo sya masasabi mong maganda nga talaga sya. Hindi Katangusan ang ilong nya. Malalaki nga lang mga mata at tenga nya.

Matagal tagal ko din  syang tinitigan. Bakit ko nga ba sya tinititigan?

Kaya naman nagisip ako ng idea kung paano kami makakalabas dito. Buti na lang mabilis magisip ang utak ko. Ganun talaga pag GWAPO!

Kinapkapan ko yung bulsa nya kung dala ba nya yung phone nya. Buti na lang dala nya. Pagbukas ko sa phone nya. May password na nakaabang. Bakit ba sya naglalagay ng password. Ano naman kaya PW nya. Nakita ko wallpaper nya si— sino ba to? Yung lagi nyang binabanggit na asawa kuno nya. Ang alam ko member to ng EXO. Si Baek.. Baekhyun. Tama si Baekhyun nga yung wallpaper nya. Si Sehun lang kasi kilala ko sa EXO eh! Kasing pogi ko kaya yun. Tapos pareho pa kaming BAKAT KING!

Pano ko nga pala bubuksan tong phone nya kung di ko alam kung ano password nya. Kaya naman nagtry ako. Una sinubukan ko name ko. Baka kasi mamaya crush pala ako nitong Maria Labo nato! Ayaw nya nga lang aminin sakin. Nung tinype ko na name ko, incorrect password sya. Ano kaya? Tinry ko naman name nya. Tinype ko name, ganun parin ang lumabas. Incorrect password parin. Ano ba kasi password nya. Hindi kaya Baekhyun password nya? Adik na adik kasi to sa Baekhyun na yun eh! Baka ayun ang password nya. Kaya naman tinype ko ang Baekhyun at sa wakas nabuksan ko narin sya. Ang galing galing ko talaga. Kinontact ko agad yung mga tropa ko para humingi ng tulong. Sana talaga makatulong sila.

"Hello pre"

"Sino to?"

"Bon. Si Xander to!"

"Xander?"

Narinig ko nag-uusap silang tatlo.

"Xander? Ikaw ba talaga yan" sabi ni Andrei

"Oo nga pre ako to si Xander"

"Nasan ka ngayon?"

"Nakulong ako dito mga pre"

"Saan?" Talagang sabay pa nila tinanong yun sakin ha! Halos mabingi ako sa sigaw nilang yon.

"Dito sa elevator ng building natin. Tulungan nyo ko mga pre. May kasama ako nahimatay dito. Di ko alam gagawin sa kanya"

"May kasama ka?"

"Sino kasama mo?"

"Basta malalaman nyo na lang. Pumunta na agad kayo dito. Bilisan nyo."

Sabay binabaan ko na sila. Sana talaga pumunta sila. Sana makalabas na kami dito.

Fanboys And Me Where stories live. Discover now