Chapter 6: Trapped

4 2 0
                                    

Chapter 6: Trapped

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Umaga na ba? Kaya naman bumangon agad ako at tiningnan kung bukas na ba yung pintuan ng room namin. Mabuti naman at bukas narin yung pintuan. Makakalabas narin ako sa room nato. Tiningnan ko si Xander sa pwesto nya, tulog parin sya hanggang ngayon. Tulog mantika talaga sya. Ang lakas humilik ha! Grabe grabe. Dinaig pa yung tatay ko kung humilik. Di ko na sya ginising at lumabas nako sa room at nagtungo sa locker ko para magpalit ng damit.

Habang naglalakad ako feeling ko na parang ako yung tinitingnan ng mga estudyante dito. Problema ba nila? May dumi ba ko sa mukha? Kaya naman binilisan ko na lang ang aking paglalakad para matingnan ko na ang sarili ko kung bakit ba nila ako tinitingnan. Pagkatapos ko kumuha ng damit sa locker, agad naman ako nagtungo sa C.R ng mga babae. Hanggang sa C.R ng mga babae ay pinagtitinginan parin ako. Kaya naman agad akong pumasok sa loob at tiningnan agad ang aking mukha. Humarap ako sa salamin. Wala naman ako dumi sa mukha. Pero bakit ganun sila makatitig sakin? Hindi naman ako transferee para titigan nila noh! Matagal na kaya ako dito. Since Grade 7. Grabe sila makatitig sakin. Wala naman pala akong dumi sa mukha. Anong mga problema nun? Baka naman kasi hindi naman talaga nila ako tinititigan. Feeling ko lang talaga ata yun. Ayy ewan koba!

Nagsimula na ko magbihis. Napatigil ako nang naalala ko na may suot pala ako na jogging pants! Omg! Nakasuot ako ng jogging pants while nakasout ng school uniform? Kaya ba ako tinitingnan ng mga students dito dahil sa suot ko? Mayghad! Nakakahiya talaga! Anong gagawin ko nito? Paniguarado ako pag-uusapan nila ako na nababaliw na ako? Bakit kasi di ko naramdaman na naka jogging pants pa pala ako. Bat kasi ngayon ko lang naalala. Kagagawan lahat to ni Xanderford. Siguro pinlano nya talaga to! Na pahiyain ako sa harap ng maraming tao. Grabe ang galing nya talaga magisip basta sa kalokohan asahan mo no.1 yan!

Ang tanga tanga ko talaga. Sabi na nga ba, hindi talaga mabait yung pakboy na yun eh. Bakit kasi di ako nagisip nung pinahiram nya sakin jogging pants nya eh. Ayan tuloy nangyari sakin. Pahiyang pahiya ako sa buong campus nito. Sigurado ako nagpapa party na yun dahil napahiya ako. Napaka sama nya talaga wala syang kasing sama!

Pagkatapos ko magbihis, nagsuot ako ng black mask at nag cap din ako para di nila ako mamukhaan. Sa totoo lang, parang ayoko na nga lumabas dito sa rest room sa sobrang kahihiyan. Humanda ka sakin Xanderford. Gagantihan kita! Magintay ka lang.

Lumabas ako ng campus at nagtungo sa malapit na laundry shop. Pinalabhan ko yung uniform at sinama ko narin yung jogging pants na pakboy na yun. Pasalamat sya mabait talaga ako. Pero hindi naman pwede na hindi ako makakaganti sa kanya. Maghanda ka lang Pakboy ka!

Pagkatapos ko pumuntang Laundry shop, pumunta na ko Cafeteria. Kagabi pa kasi ako walang kain. Nagugutom na ko. Kaya naman umorder agad ako at pumunta sa vacant seat. Wala parin kaya si Jerlene? Nami-miss ko na sya. Sana ok na sya ngayon. Para katabi ko na sya. Hindi na yung mga pakboy na yun.

Habang ako'y kumakain nakarinig na naman ako ng mga babaeng haliparot. Panigurado ako papunta na naman dito yung mga pakboy na yun. Sana nandun si Xanderford para makapaghiganti ako sa kanya. Para makita rin ng kabarkada nya kung anong gagawin ko sa kanya.

Pagpasok nila dito sa Cafeteria, mas lalo lumakas yung hiyawan ng mga babae dito. Grabe. Ang sakit talaga nila sa tenga. Feeling ko mabibingi na ako eh!

Nakita ko tatlo lang sila. Bat di nila kasama si Xanderford? Hindi kaya tulog pa yun hanggang ngayon? Kaya naman tumayo agad ako at tumakbo palabas ng cafeteria. Sa hindi inaasahan nakabanggaan ko isa sa mga pakboy kaya naman nawalan ako ng balanse at mukhang matutumba na ko. Buti na lang nasalo ako ni... Watdapak si kotseng pakboy?! Sya yung nakasalo sakin. Nakatitigan kaming dalawa. Siguro naman di nya ko nakikilala dahil sa itsura ko ngayon. Naka mask ako tapos naka cap pa. Diba ang cool. Tinayo nya narin ako.

Fanboys And Me Where stories live. Discover now