Chapter 1: Meet the fanboys

32 4 0
                                    

Chapter 1: Meet the fanboys

2am; Monday

Aga ko magising. Hindi dahil excited ako bumalik sa school kundi kailangan ko muna mag spazz. Huhu nakaka lungkot. Last day of spazzing ko na lang. May pasok na ulit eh. Di na ko medyo updated sa kanila. Pero pipilitin ko parin mag spazz while study. Kaya ko naman yon. Ako paba?At saka gusto ko before ako pumasok, nakapag spazz nako. Kaya eto na nga ginagawa ng lola nyo.
Spazzing while playing EXO The Eve ^_^
Oyeah! Napapasayaw talaga ako sa kantang to! Aminin nyo rin napapasayaw din kayo sa kantang to? Haha! Yung dance practice talaga eh! Nakaka buntis lmao.

"Oyyy!"

"Kalapating mababa ang lipad" pota naman to si kuya oh! Aga aga ginugulat ako-_-

"Hanudaw? Hahaha hanggang ngayon magugulatin ka parin"  ge tawa ka lang. Muntanga eh. Nakakatawa ka sobra. Alam mo naman na magugulatin ako ginulat mo parin ako. Anong klase kang kuya? -_-

"Tawa pa" pataray kong sabi sa kanya.

"Aba! Tumataray kana ha! Ano ba kasi yang ginagawa mo?"

"It's not your business. So shut up or else..."

"Ano? Sabi agad?" Tumingin agad ako kay kuya. Mukhang seryoso na yung mukha nya.

"Nevermind!" Bumangon na ko at lumabas ng kwarto.

"Loko to! Di pa tayo tapos mag-usap. Hoy bumalik ka dito " sige lang sumigaw kapa jan. Lakong pake. Insert my  earphone para magpe pretend na di ko sya naririnig bwhahaha!

Meet my kuya! He's
Ricci Gabriel Maligaya ( Ricci )
Isa sa mga ka close ko sa magkakapatid but isa din sya sa mga nang aasar sakin. Hilig ako nan tawaging yobab, gasul at gamay. Palibhasa kasi sya payatot at kalansay. Buto buto na lang. Yung tipong isang ubo na lang haha. Actually pangalawa ko syang kuya. May mas matanda pa sa kanya. Yung isa ko kasing kuya, minsan na lang umuwi dito samin. Lagi nasa barkada. Bahala sya buhay nya. Tutal malaki na naman sya. Correction dun sa malaki. Not totally lumaki, tumanda lang pala haha. Di ko alam bakit naging close ko yan si kuya reke. Siguro dahil lagi nya ko inuutusan. Kapal ng mukha nan eh. Utos nang utos. Akala mo ako yung yaya nya. Akala mo naman sinu- swelduhan ako buwan buwan? Pag diko kasi sinunod mga utos nan. Nagwa- wild. Nagsu super zian. Yah! Ganun sya. Parang dragon na nakawala sa kulungan nito. Tas nambubuga pa ng apoy. Grrr.. Kata-kyut diba? Hahalol. Mabait naman sya, maka-diyos din. Walang linggo di yan nagsisimba. Medyo masipag syang mag-aral. Simula nung trinansfer sya sa province namin. Tumino na sya pag-aaral. Mabuti nga yon eh. Kaya lang di parin talaga sya nagbabago. Sobrang adik parin sa Computer games tulad na lang ng DOTA. Walang araw o gabi yan di maglalaro ng DOTA. Dumadayo pa yan kung saan saan. Minsan nga dun na sya nakakatulog sa Computer shop na pinaglalaruan nya. Adik talaga. Kinu-kwento pa nga nya yung nangyari sa laro nya. As if naman naiintindihan ko sya. Eh wala nga ko kaalam alam sa DOTA na yan. Nakakain ba yan? Choss. Di ko naman sya masisisi kung bat sya adik sa DOTA. Ako nga adik sa KPOP eh haha. Swerte ng parents namin. Kasi adik lang kami sa DOTA/ KPOP not DRUGS bars haha! 

Pumunta ako sa labas ng bahay namin. Umupo sa labas ng gate and then nag spazz ulit. Epal talaga kahit kelan yon eh.

5am; Monday

Bat ganun. Ambilis ng oras. Alas-singko na agad? Huhu. Kailangan kona maligo. May pasok na ulit kami eh. Kaya naman bumalik na agad ako sa loob at tamang tama gising na si mader kaya naman tumungo muna ako sa kusina kung nasaan si mama.

"Morning mama ko"

"Morning din nak! Aga mo ata magising. Excited lang?" Hays! Di nga po ko excited mama eh. Kasi naman ambilis mag end ng vacation. Di ko man lang na-sulit.

Fanboys And Me Where stories live. Discover now