Key-Ey POV.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nag confessed ng feelings sakin kanina si Ash. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kung sasaya ba ako na mayroong may gusto sa akin o malulungkot dahil alam kung hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sa kanya.
(FLASHBACK)
"Key-Ey gusto kita" pag-amin ni Ash.
ANO!!!!!
"Ai hindi pala!!! Mahal na yata kita Key-Ey." Huwaaat??!! Kanina gusto palang ngayon mahal na?? "Unang beses palang kitang makita tinamaan na ako sayo. Masyadong corny pero totoo.Sorry Key-Ey pero hindi ko talaga kayang iwasan at layuan ka."
Shocks!! Di ko alam ang kung anong sasabihin ko.
"A-ano bang pinagsasabi mo Ash?" Nagugulumihanang tanong ko. Hindi parin kasi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nitong si Ash.
"Key-Ey just give me a chance to prove na totoo talaga ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo." Luhhhhh pano ba to?? Help meee!! Anong sasabihin ko?? Paano ba ako dapat mag react?? Should I give him a chance?? Pero.
"Pasensya na Ash"- ang tangi ko na lamang nasabi.
" A-anong pasensya na Key-Ey?" Nanlulumong tanong niya.
" Ash pasensya na pero I can't give you a chance" sabi ko.
"Hindi naman ako nagmamadali ehh. Key-Ey I can wait. I can wait for you. I can wait to the time na you will love me the way I do." Pangungumbinsing sabi niya.
"Ash I can't give you chance kasi ayokong paasahin ka. Dahil wala ka talagang pag-asa kasi may mahal na akong iba."-sabi ko na siyang kinibigla niya.
"I-i can prove to you that I am deserving for your love . Key-Ay ngayon lang ako nagmahal ng ganito kaya please." Waaaaaa umiiyak na siya. Huhuhuhu
"Mahal kita Ash pero hanggang kaibigan lang talaga. Wala ng mas hihigit pa don. Sorry pero wala talaga." Mahirap sabihin ang mga katagang iyan ngunit dapat kailangan. Kailangang sabihin ko sa kanya ng deretsuhan. "Mawawala rin ang nararamdaman mo para sakin Ash at simulan mo na sa paglayo mo sa akin." Parang gusto kong umiyak dahil sa nasasaktan ko si Ash. Si Ash na walang ginawa kundi ipiramdam ang halaga ko. At si Ash na Minahal ako na hindi ko masusuklian ang pag-ibig na ibinibigay nito.
"Kung yun ang gusto mo, SIGE!! LALAYO na ako sayo , pero itong tatandaan mo Key-Ey, Ika'y mahal na mahal ko at pinapangako kong BABALIKAN kita."
.
.
.
.
.
.
.
.(End Of Flashback)
Nanghihinayang ako sa ibinibigay na pagmamahal ni Ash sa akin pero anong magagawa ko? Oo! Alam kong nasaktan ko siya PERO sa tingin ko ay mas masasaktan ko siya kung bibigyan ko siya ng pagkakataon na alam ko namang wala siyang pag-asa dahil nailaan ko na ang puso ko sa IBA.
Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa akin ni Ash kung kaya't minahal niya ako pero satingin ko ay mayroon pang hihigit sa akin na nakalaan sa kanya at hindi siya sasaktan tulad ng ginawa ko.
Mahal ako ni Ash pero may mahal naman akong iba . Ngunit ang taong mahal ko ay may minamahal ng iba.
OO!! si Zian nga ang tinutukoy ko . Hindi ko alam kung bakit, kung paaano, at kailan ko siya minahal dahil kusa ko itong naramdaman. Sa sandaling panahon na kasama ko siya , IBA EH!! IBA yung saya na nararamdaman ko . Pero sa tingin ko ay kaibigan lang ang turing niya sa akin. Isang kaibigan na kaylan niya lang nakilala. :(
........................
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng magtapat si Ash sa akin at mula noon ay hindi ko na siya nakita pang muli. Hindi na rin siya pumapasok .
Oo!! Sinabi kong layuan niya na ako pero hindi naman ganito ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin na paglayo ay parang pag-iwas lang na sa tuwing makikita namin ang isa't isa ay hindi magpapansinan. More like we're strangers. Hindi yung ganito na bigla bigla nalang siyang umalis at tuluyan ng hindi nagpakita .
Nagi guilty ako dahil sa tingin ko ay ako ang dahilan kung bakit hindi na siya pumapasok. Wala naring nakakakita sa kanya.
"Nasan na kaya si Ash Vanner nohh??" Tanong ni Ella habang tumititig sa kawalan. Nandito kami ngayon sa cafeteria at nag la lunch.
"Oo nga bakla. Apat na linggo na siyang hindi pumapasok."-malungkot na sabi naman ni Neth
"Nami miss ko na si papa Ash mga bakla"- sabi ni naman ni Shan sabay punas ng pisngi niyang wala namang luha.
......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dalawang linggo pa ang lumipas at wala paring Ash na nagpakita..
.
.
.
.
.
Halos araw-araw naman kaming lumalabas ni Zian at habang tumatagal ay mas nahuhulog ako sa kanya.When I'm with him, I feel that I am the only girl seen by his eyes, and when I'm with him, I think I am like a Vase that can be broken once it fell and because of him why I am still complete, no cracks because of his greatest care.
BINABASA MO ANG
Playful Destiny Of Love (On Going)
Teen FictionPaano kung ma-inlove ka sa taong di mo alam ang tunay na pagkatao?? Mamahalin mo pa rin ba hanggang sa dulo? Kahit na hindi na TAMA, ipaglalaban niyo pa rin ba ang pag-iibigang nabuo?? Paano kaya magtatapos ng HAPPY ENDING ang LOVE STORY KO??