Chapter 10. The Confession

1 0 0
                                    


Key-Ey POV.

Nagpapasalamat ako sa diyos na agad na dumating si Zian kanina kung hindi ay baka ano ng nangyari sa akin.

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa manyak na yun, sabi kasi ni Zian siya na daw ang bahala. Hindi na kami nagreklamo sa pulis dahil baka makarating pa kay mama at kuya ang nangyari sa akin, ayaw ko naman silang mag-alala pa. Lalo na at baka malaman ni kuya na si Zian ang kasama ko.

Heto ako ngayon sa kwarto ko habang nakahiga. Hindi na rin na masakit ang tiyan ko dulot ng pagsuntok ng walang hiyang pervert nayun.

...........................

*Woughstein University*

Naglalakad na ako ngayon sa hallway , natanaw ko si Ash na papalapit sa akin. Lumiko ako ng daan dahil nga sa iniiwasan ko siya.

"Key-Ey Sandali"- sigaw ni Ash, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad."Sandali lang" hawak niya sa kamay ko ng maabutan na niya ako.

"Key-Ey ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Bakit mo ba ako iniiwasan? Did I do something wrong to you?" Malungkot niyang tanong. Huhuhu sorry talaga Ash

"Sabihin mo sa akin kung anong ginawa ko at iniiwasan mo ako?" Pakiusap niya pa. Umiling lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko."Imposible namang wala Key-ey dahil anong rason mo para layuan ako".

"Sorry talaga Ash" gosh nahihiya ako sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama kaya siguro nagtataka siya kung bakit ko siya iniiwasan. "Ash wala kang ginawang masama o anumang ikakaiwas ko sayo pero kasi Ash si kuya ehh, ayaw niya akong naglalapit sa yo at ng may kinalaman sa T5G." Nasabi ko na sa kanya ang dahilan para naman di siya mag iisip ng kung ano ano.

"Pero bakit? Anong ginawa ko namin sa kuya mo para sabihin niyang lumayo ka sa amin?" Tanong niya pa.

Pero teka !! Ang OA naman nitong si Ash. Parang pag iwas ko lang ehh nagkakaganyan na siya. Ano bang problema niya.?

"Sorry Ash pero layuan mo na rin ako para walang gulo." Pakiusap ko sa kanya. Umiling iling naman siya.

"No. Hindi ko kayang layuan ka Key-Ey" matigas na tugon nito.

..............

Ash POV.

Sorry Key-Ey pero hindi ko kayang layuan ka ngayon pa't may malalim na pagtingin na ako sayo.

  Ngayon lang ako nagkagusto sa babae kaya gagawin ko ang lahat para sayo.

..........

  Inaabangan ko si Key-Ey dito sa locker room para sana yayain siyang lumabas.  Alam kong iniiwasan niya ako pero I will never give up on her. Kaya sana pumayag siya.

Ilang minuto pa ako naghintay dito hanggang sa makita  ko na siyang binuksan ang locker niya. Agad ko naman siyang pinuntahan na siyang ikinabigla niya.

"A-anong ginigawa mo dito Ash" -siya

"Ahm Key-Eyy nais ko sanang yayain kang mag dinner sa restaurant" sabi ko na siyang ikinabigla niya.

"Ash diba sabi ko layuan mo na ako para walang gulo." -siya

  Pipilitin ko siyang sumama dahil I think dapat ko na talagang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdamam.

"Key-Ey please pagbigyan mo na ako. Promise last na talaga to at lalayuan na kita kung yun ang gusto mo" sabi ko sa kanya. Pero syempre hindi ko gagawin yon. Sinabi ko lang yon para mapapayag ko siya.

Nag-isip pa muna siya bago tumango. YES!!

"Thanks Key-Ey. I'll fetch you later, seyah" masayang sabi ko at umalis na.

.
.
.
.
.
.
.

Key-Ey POV.

Naglalakad na ako papuntang next subject ko . Habang nasa daan ay may narinig akong magkausap. Magpapatuloy na sana ako ng mapagtanto kong boses ni Zian yung isa.
   Hinanap ko kung saan nanggagaling amg tinig at nakita kong nasa likod ito ng isang room. Nagtago at pinakinggan ang pina uusapan nila . Hindi naman sa tsismosa ako pero mayroon talagang nag uudyok sa akin na pakinggan sila.

" Bro satingin ko ay mas lalo ka lang masasaktan niyan" sabi ng isang lalaki na si Ray-Den yata.
"Bro mas makakabuti kung kaimutan mo na siya." Pagpapatuloy pa nito .

Ano kayang ibug nitong sabihin..

"Bro hindi ko kayang kalimutan siya dahil hanggang ngayon ay MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SIYA at siya lang ang tanging babaeng mamahalin ko."sabi ni Zian na siyang nagpakirot sa puso ko.

Hindi ko na pinatapos pa sila at dali ng tumakbo palayo.

Ouch lang ehh!!

Parang tinutusok tusok ang puso ko sa sakit dahil sa mga binitawang salita ni Zian .

Hindi ko alam kung bakit ko ba nararamdaman ang sakit nato ngayong wala naman kaming relasyon ni Zian.

Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng school kung saan walang tao dahil class hours . Hindi nadin ako papasok dahil last subject din naman ito at mamaya ay uwian na.

Umupo lang ako at sumandig sa puno. Hindi ko namalayang basa na pala ang pisngi ko.

Dali dali ko itong pinunasan .

Uggghhh bakit ba ako umiiyak?? At bakit ako nasasaktan ng ganito.??

...

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Shocks!!! May dinner pala kami ni Ash. Luhhh muntik ko ng makalimutan buti nalang talaga at naalala ko ito .

At first ay hindi talaga ako pumyag kaso pinilit niya talaga ako sabay puppy eyes . Eh? Paano ko pa matatanggihan yon. Tss

.....

.
.
.
.
.
.
.
Ash POV.

Nandito na kami ngayon ni Key-Ey sa restaurant. Walang costumer dito dahil sinadya talaga ito para sa pagko confess ko ngayon kay Key-Ey.

Yes.. Ngayon ko na balak mag confess ng feelings ko towards her.

..

Humahanap lang talaga ako ng tamang tyempo bago ko sabihin sa kanya..

Kinakabahan ako sobra!! First time kong mag confess sa babae kaya kinakabahan talaga ako.Takte!! Ganito pala mag confess masyadong nakakabading.

.
.
.
.
.
Naglalakad na kami ngayon ni Key-Ey papunta sa kotse ko at gago hindi ko pa nasasabi sa kanya.

Pumiki muna ako ng ubo sabay bilang ng

1
2
3

.
.
.
.
.
.
"Ahm *ehem* Key-Ey m-may sasabihin pala ako sayo." Takte!! Nakakabading talaga ..

Lumingon naman siya sa gawi ko.

"Ano yun Ash??!"- inosenteng tanong niya.

Huhuhu parang umurong yata bigla ang dila ko .. waaaa! Paano ko ba sisimulan?

"Ano kasi ahmmm...

"Ano bayun Ash??..."- tanong niya ulit.

Ito na talaga.!! Hooo.. *hingang malalim*

.
.
.
.
.
.

"N-nais ko sanang magtapat ng nararamdaman ko sayo"

.
.
.
.
.
.
.
.
.

O o O - siya

SHOCKS!!!

Playful Destiny Of Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon