Abot langit ang saya ko ng inilahad ni Prince ang kanyang kamay sa aking harapan.
"Maaari ba kitang maisayaw aking Prinsesa?" Nakangiting tanong ni Prince sa akin with matching dimple pa. Totoo ba to?! As in real na real?! Shocks I can't believe this ..
"Ahh ehh.... " Wow ha pina-iisipan pa talaga. Pakipot ang peg ng Prinsesa niyo.hehe. Syempre nohh, pa HARD-TO-GET muna ako para naman di halatang atat. Hehe
"HINDI MO BA TALAGA TATANGGAPIN ANG KAMAY KO??!!" ai nagalit??
"PAK"
Ouch!! My cheek!! Ahuhuhu. Sinampal ba naman ako.
"Huwaaaaaa Mommmmyyyyy" mangiyak ngiyak na sigaw ko.
"Pak" Pak" huhuhu ang sakit na ng cheeks ko. Nakatatlo ba naman akong sampalin. Kababae kong tao. Ang ungentleman naman niya. Huhuhuhu
"HUYY EYY GUMISING KANA NGA" sigaw ng lalaki sa tenga ko. Gosh yung eardrum ko. Huhuhu..Teka boses ni kuya yun ahh. Ba't siya nandito sa dinner date namin ng prinsepe ko??!!
"PAG DI KAPA GUMISING DYAN BUBUGBUGIN NA TALAGA KITA " huwaaaa ayoko . Ayokong masira ang beautiful face ko.Masakit pa yung cheeks ko dahil sa sampal ng prinsepe ko..
Huh? Ba't may yumuyugyog sa akin. Huwaatt?? Panaginip lang ba yung moment namin ni Prince ko?
"ANO BA!! late kana !! First Day of school ngayon tapos hyysstt." Binuksan ko ang isa kong mata , at nakita ko ang naiinis na mukha ng kapatid ko. Shocks!!!!!
Ai oo nga pala ngayon yung first day ng klase. Kaya ayun dali dali akong bumangon at pumasok sa c.r para kumain. charot. Syempre para maligo.
"Ayan tapos na" sabi ko habang nakatingin sa salamin at nag aayos. Ewan ko ba kahit sampung oras akong mag ayos PANGET parin ako. Hyy bahala na nga.
Ai wait!! Di nyo pa pala ako kilala . Hehe
Ako nga pala si Key-Ey Seoul Medley, 17 years old "Eyy" for short at 4th year high School sa Woughstein University at ngayon ang first day ko as 4th year student. Na naniniwala sa kabisahang "Kung panget man ako sa inyong paningin, wag kayong mag alala, panget din ako sa aking paningin. I thankyou..
"Eyy lika na sa baba, Breakfast is ready " oii si mommy yan.
"Opo mama." Dali dali na akong bumaba papuntang kusina.
"Ba't ba ang tagal mong bata ka? Baka malate kayo sa klase niyo." Reklamo ni mama.
"Nakatulog po kasi ako ng mahimbing , tsaka nag ayos pa po ako, hehehhe.." sabi ko naman
"Oh nag ayos kana niyan? Kami ba pinag loloko mo?" Sabat naman ng aking magaling na kapatid na walang ginawa kundi inisin ako.
" Mama ohhh si kuya" sumbong ko kay mama sabay pout.
"Ano ka ba El wag mo ng saktan ang damdamin ng kapatid mo" Sabi naman ni mama. Isa pa tong si mama.
"Mama naman ehh" huhuhu iiyak na talaga ako. Chars hehe
"Joke lang naman anak. Ang ganda ganda mo nga ehh" sabay kiss ni mama sa cheek ko . Di talaga marunong magsinungaling itong si mama. Hehhe
"Tsk. Bilisan mo na nga jan at baka pati ako ma late pa dahil sayo." sabat naman ni kuya. Hyy naku .
Same school kasi kami ni kuya at same year level. Bakit? Ehh kasi itong si kuya ehh may pagka badboy, palaging nakikipag rambulan. Hyyst kaya ayun di matapos tapos sa high School. Pero mabuting anak yang si kuya at napaka protective na kapatid. Siya na kasi ang tumayong KUYA at AMA sa aming pamilya.
Nasan asawa ni mama na siyang papa namin?? Ayun patay na dahil sa.. hyyy ewan as in EWAN. Di kasi namin alam kung ano ikinamatay ni papa dahil ayaw naman sabihin ni mama kasi di niya daw kaya mag kwento.Nirerespeto naman namin ang feelings ni mama kasi alam mo na bata palang kami nung namatay daw si papa. 3 years old pa ako nun at 5 years old naman daw si kuya. Si mama na ang nag tatrabaho para samin.
BINABASA MO ANG
Playful Destiny Of Love (On Going)
Ficção AdolescentePaano kung ma-inlove ka sa taong di mo alam ang tunay na pagkatao?? Mamahalin mo pa rin ba hanggang sa dulo? Kahit na hindi na TAMA, ipaglalaban niyo pa rin ba ang pag-iibigang nabuo?? Paano kaya magtatapos ng HAPPY ENDING ang LOVE STORY KO??