BIGLAANG UPDATE # 1 (Dahil may naghihintay, naawa ako, hehehe)
*
"Are you sure about that, ma?"
"Yes, anak."
"Hay... bakit ba kasi ito nangyari kay kuya?"
"No one wanted this, Keila."
"Alam ko ma. Pero kasi... malungkot pag wala si kuya. He may be strict pero he is the clown of the family. He is a big loss to the company too."
"Alam ko anak. Your kuya Keian naman... uuwi na diyan. He said, he needs to learn the business." Umiyak bigla si Mom. "He said, wala na daw pag-asa ang kuya mo. Kaya pag-aaralan na niya ang kompanya para 'di na siya mahirapan pa."
"Pero ma... parang sinasabi na ni kuya na wala na talagang pag-asa si kuya Keith!"
"Alam ko... kamusta na nga pala di---"
"MA! SI KUYA!" Narinig ko si Keine. Binabaan ako ni Mom.
Nandito pa rin ako sa Beresea. 2nd day na namin. After ng bangayan namin kahapon? Nasira ang araw ko. "Keila, 'di sa tsismoso ako pero... narinig ko kasi yung pag-uusap niyo ni tita... okay ka lang ba?" Si Seian.
"Hi, Seian. Oo naman. Medyo masakit pero... kaya." He hugged me.
"Andito lang ako, makikinig ako."
"Kuya Keith has an ex, si Ate Calfory. She is a model from Canada. Alam mo, they were already 5 years when they broke up, si ate, died sa Lung Cancer, she smokes after her projects and shoots kasi. Then, nainfluenve niya si kuya Keith. I hated her dahil nagkaroon ng lung cancer si kuya after taking cigarettes for months. Ate had her stage 4 and kuya had his stage 1. Di namin pinaalam kay kuya. After he recovered, hinanap niya si ate. Mom said, nagabroad for her career pero ate's dead already! Then, after ilang months, he learned to like surfing and all that kaya nawala ang attention niya kay ate. Then, nagpainbestiga siya tungkol kay ate... that's when he learned na wala na si ate for 3 months. Nagalit siya sa amin, lumayas siya. Then bumalik ng 6 months after. Maraming nagbago sa kaniya, he became bad ass. Naging playboy at nagkaroon siya ng tattoo. Reason kung bakit nagalit sa Papa sa kaniya. I don't know. Then, out of nowhere he wants to learn the business... like what the hell? After niyang bastusin sila Papa biglang ganun. Although maganda naman pero, ang kapal ng mukha! But Mom saw the bright side of it kaya pumayag na rin si Papa. Pinadala siya sa ibang bansa. Then ayun, bumalik na girlfriend na si Emma. At feeling ko si Emma may kasalanan niyan eh. She is a smoker."
"I'm sorry," he hugged me tight. I cried louder.
"No, I'm fine."
"Alam mo, I am going to confess something. I liked you since the day James introduced you. Alam mo, na love at first sight ako. Kaso I had a girlfriend, Cadnisse. Nasa ibang bansa siya nung time na iyon para sa kapatid niya. Has cancer daw. Nung day na nakilala kita, halos nakalimutan ko na may girlfriend ako. Then sa gabi, tumawag si Cad. Nakipagbreak siya sa akin kasi may nakilala siyang Canadian. Hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya o malungkot pero mas nangibabaw yung saya dahil sa wakas pwede kitang ligawan. Kaso bigla ulit siyang nagsalita, huwag daw akong mag girlfriend nang walang konsulta sa kaniya kasi best friend ko pa rin siya. Di ko sinasagot mga tawag niya, bumalik siya 8 months after. Ang ganda niya. Naka beach wave na buhok niya, naka dress siya na sobrang ikli tapos di ko na siya kilala. Akala ng parents ko kami pa rin kaya we had to act. Until na fall na naman ako. Naniwala na naman ako. Pero siya sabi niya na joke lang lahat ng sinabi niya na mahal niya ako kasi sila pa rin nung Canadian na yun. Si Jefferson. Sikat pala yung gago kaya niya na gustuhan. Model! Puta. Alam mo? Sinabi niya na nakilala niya sa shooting ng ate niya. Puta. Gusto ko mamatay. Saktong birthday mo sa susunod na araw kaya kailangan pumunta. Edi natuwa ako pero nalungkot. Kasi ayoko magpakita ng ganun mukha ko. Kaya di ako tumuloy. Tapos nagkaroon ng reunion yung barkada sa Christmas, andun siya. Tangina. Kasama si Jefferson. Ang kapal ba naman. Tapos akala ko nandoon ka kaya ako pumunta kaso wala ka. May trip daw kaya papuntang Seoul. Nalungkot ako. Akala ni Cadnisse dahil sa kaniya kaya kinausap niya ako nang kinausap pero di ko siya pinansin dahil baka mafall na naman ako. Tapos dumating ang summer. Babalik kami sa bahay mo! Sobrang saya ko! Tapos nakilala mo pala sa trip niyo si Rivan. Tapos biglang sinabi mo na 1 month ka lang sa Pinas kasi babalik ka ng America para ipagpatuloy ang pag aaral mo. Tapos nalaman ko after a year na break na kayo kaso biglang sinabi na sobrang depressed ka na tipong gusto mo na mamatay. Doon pumasok si James. Kung kailan chance ko na saka naman sisingit ang lalaking iyon. Tapos umabot ng isang taon bago ako umamin. Ito yun."
Hinawakan niya yung mukha ko. At hinalikan ako. At feeling ko ako ang pinakaswerteng babae sa sanlibutan. Nagpahalik lang ako na para bang walang mali dito.
***
Hi, Panders! So may nanghingi ng update so eto! Page 365/365 naman na sa 2018 book eh! Pagbigyan na! Okay, bye! I love you all!!
YOU ARE READING
Ms. Bitter meets Mr. Forever
RomancePeople nowadays does not believe anymore in forever. Sa dami ba namang manloloko sa paligid, hindi ka ba matatakot mahulog sa mga patibong nila? Lalo na kung nakaranas ka na nito noon pa? Paano kung... nahulog ka nanaman sa taong di mo ninanais?