CHAPTER 10

94 2 0
                                    

Gumising ako pero nagulat ako nang nakita na natutulog pa ang lahat. Ano meron?

"Masyado sila napagod... Kei."

"Ah... okay" si Seian pala.

"Sorry sa inact ko kahapon."

"Okay..."

"Uhm... gusto mo mag breakfast?"

"I'll just wait for Siomai--i mean Daniel."

"Parang ilang araw pa lang galit ka sa kanya pero ngayon... close na ulit kayo."

"Well... even though na nagalit ako sa kanya... hindi niya ako iniwan at linaban niya ako sa mga taong walang alam kundi manira."

"Uh... si-sige... una na ako hah?" Tumango na lang ako.

Alam ko na dapat siya yung galit pero kasi nakakahiya yung ginawa niya! Hindi naman kasi kami... diba?

"Wow... galing mo talaga Siomai!"

"Hay nako! Buti gumising ka na. Tara na breakfast na tayooooo!"

Umakbay siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Nasapak ko tuloy siya nang wala sa oras.

"Aray naman Mai!"

"Aish. Guluhin mo na lahat. Huwag lang ang buhok!"

"Oo na." Kiniliti niya ako bigla. Buti nakalabas na kami sa kwarto.

"DANIEEL MONTEVEROOOOOOOOOOOOOOS!!!!" Hinabol ko siya nang bigla ako mabangga sa kung saan. Humanyin kasi eh. Natabunan ng buhok ko yung mukha ko.

"Sorry miss!" Yung boses...

"Rivan?"

"Ay... ikaw nanaman pala... Keila..." kasama niya si Pria.

"Hello, Bai. Tingin sa dinadaanan mo huh? Nadumihan mo tuloy si Dada ko." Tumingin siya kay Rivan. "Dada... were you hurt?"

"Pria." Mapagbanta na sabi ni Rivan.

"Da, gusto ko lang ipamukha sa kanya na akin ka na. Kahit tinapon ka niya at least I was there to pick you up."

"Exactly, Pria. Tinapon ko na siya. Ang mga tinatapon ay mga basura at ang mga pumupulot ay mga basurero. Tinapon ko na nga. Pinulot mo pa. How PATHETIC. PRIA." Sasampalin nanaman sana niya ako pero pinigilan siya ni Rivan.

"Hayaan mo na siya Ma."

May umakbay sa akin bigla.

"Yow dude. May problema ba dito?" Si Siomai lang pala.

"Wala Mai. Let's go. I am starving. Ang dami ko kasing naluwa eh." Umalis na nga kami doon. Narinig ko pang sumigaw si Pria.

"BITCH! MAY ARAW KA DIN SA AKIN."

Bumulong ako na ikinatawa namin ni Neil. "I'd love to see that day come."

"Iba ka na talaga, Siomai."

"Bakit? Maganda pa din naman ako ah!"

"Hmm. Slight lang kaya."

"Nakakatamad kang habulin. Saka na pag nakakain na ako."

"Buti. Tara na. Sa dagat tayo kakain."

"Talaga? Habang lumalangoy?"

"Baliw! Sa baybay lang."

"Andun ba sila?"

"Wala noh! Ano ka ba. Nag order ako para sa ating dalawa."

"Sabihin mo na kasi, Neil, kapag may gusto ka sa akin. Papaligaw naman ako eh!"

"ASA! Iba gusto ko. Gusto ko yung maganda, sexy, sweet, hindi namamalo, at higit sa lahat... MATALINO!"

"Maganda naman ako at matalino ah!"

"Oh? Bakit apektado ka sa ideal girl ko? Tsk. Ikaw ata may gusto sa ak--"

"AYSHHH SHUT UP MONTEVEROS."

Ms. Bitter meets Mr. ForeverWhere stories live. Discover now