CHAPTER 7

105 2 0
                                    

"Keila?"

Hindi namin pinansin ang boses at tuloy pa rin sa paghalik si Seian.

"HINDI BA KAYO TITIGIL?" Agad kong natulak si Seian.

"James, bro. Privacy naman."

"Anong privacy puta? Tangina. Naghanap kami sa inyo tapos makikita ko kayong naghahalikan?!"

"James calm down! Ano ba ang problema mo? Naguguluhan ako!"

"Tangina, Keila! Mahal kita! Simula nung pinakilala ka ni Mama sa akin, minahal na kita! Iniwan ko girlfriend ko para sayo. Naghintay ako! Akala ko talaga magiging tayo ngayon sa bakasyon pero nagkamali ako. Nagkamali ako sayo! Sa inyo ni Seian!" Umalis siya. Oh shit. Anong gagawin ko?

"Seian.. Anong gagawin ko?"

"Teka, baka nakakalimutan mo na may gusto din ako sayo?"

"Gabi na pala, mauna ka na sa kainan. Susundan ko lang si James."

"Pero--"

"Seian please. Pagkakaibigan namin ang nakasalalay dito."

"Sige."

Umalis na ako at hinanap si James. Nakita ko siya sa isang kubo. Umiinom ng alak.

"James..."

"Bukas na tayo mag-usap. Kumain ka na lang. Baka ma istorbo ko pa kayo ni Seian."

"James.. Sorry."

"Para saan? Di naman ikaw yung nasaktan."

"Nasasaktan ako dahil hindi ko kayang ibalik iyang pagmamahal mo sa akin. Hanggang kaibigan ka na lang talaga. Salamat sa lahat. Pero sana huwag mo kalimutan ang mga espesyal na mga alaala natin. Iiwan na kita. Bibigyan kita ng space."

Umalis ako at nagtungo sa kainan.

"Daniel, ayan na." Di ko alam kung sino nagsabi nun pero dumiretso ako kay Seian.

"Seian.." yinakap ko agad siya at yinakap naman niya ako pabalik. Alam kong nagulat ang mga kasama namin pero wala sila magagawa. Umamin na si Seian. At siya na lang ang mapagkakatiwalaan ko.

"May nagseselos!" si Seline na iyan. Sigurado ako.

"Sino kaya?" si Gab.

"Kuya Daniel, saan ka pupunta?" si Dianne.

"Papahangin muna. Geh." Nagtawanan ang mga naiwan maliban sa amin ni Seian.

"Ano? Kayo na ba?"

"Hindi pa ano!" ako.

"Hindi PA!" nagtawanan ang lahat. Maliban ulit sa amin.

"Kumain na nga kayo." sabay tawa ni Seian tapos tumingin siya sa akin. "Kumain ka na din, malamang napagod ka."

"Napagod saan, tol?" si Leo.

"Sa mga nangyayari, Leo. Ano ba iniisip niyo? Ang dudumi niyo!" Nakitawa na din ako sa kanila.

Natapos na ang lahat kumain at napagusapan namin na mag camping sa may shore at may nagbebenta naman ng kahoy at papel para sa bonfire, at sakto din na may dala sila na mga tent, maliban sa aming mga babae.

"Di ko naman ineexpect na mag-cacamping tayo!" si Angel. Sumang-ayon ang lahat ng babae sa kanya.

"Ganito na lang, iyong dalawang lalaki, ipahiram niyo sa amin ang tent niyo at makihati na lang kayo sa ibang lalaki." sabi ko.

"Ayoko nga!" Lahat ng lalaki.

"Alangan naman na babae at lalaki magkasama?" si Riella.

"Eh meron naman dito magkakapatid na babae't lalaki, sila nalang ang magsama." si Seian.

"Edi magkatabi tayo, kuya?" si Seline.

"Ayaw mo? Parang bata."

"Ayoko nga! Kayo na lang ni Keila!"

"H-huy!" angal ko. "'Wag ka naman ganyan.." Andyan si James eh.

"Parang ayaw mo pa? Kanina may yakap yakap pa kayong nalalaman!"

"Matutulog na ako, kung sino man tatabi sa akin, pumasok ka na lang." si James, hays!

"Ano nangyari doon? Kanina pa iyon ah?"

Sakto kasing tapos na kami kumain, dumating sila, si James halatang wala sa sarili, si Daniel naman sobrang pula.

"Ano? Sino na magkakatabi?"

"Ako kay kuya Gab na." si Riella.

"Ako kay kuya Daniel." si Dianne.

"Ako kay Leo na." si Angel.

"Uhm... feeling ko may problema si James.. kay kuya Seian na muna ako. Kausapin mo, Keila." si Seline.

"Sige.." Nagtinginan kami ni Seian. "Hayaan mo na" sinabi ko nang walang tinig.

Pumasok na ako sa tent ni James. Mukhang tulog na siya.

"James, I am sorry kung 'di ko masuklian ang pagmamahal mo, alam mo namang si Rivan pa rin hanggang ngayon. Pero nung nakasama ko si Seian, iba ang naramdaman ko. Huwag na lang ako, James, iba na lang please. Ayoko din masira friendship niyo ni Seian dahil sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kapag sinaktan ako ni Seian, sa'yo ako lalapit, katulad nung nangyari nung naghiwalay kami ni Rivan, sayo ako lumapit. Mahal kita, James, pero bilang kaibigan ko lang." Pinunasan ko ang luha ko. "Alam kong 'di mo na ito maririnig dahil tulog ka na pero, may gusto ako sa'yo bago ko pa nakilala si Rivan, kaso.. akala ko lang na girlfriend mo pa si Olivia noon kaya ayaw kong sirain ang relasyon niyo. Nakalimutan ko na lahat ng naramdaman ko para sa'yo dahil kay Rivan. Ang malas ko naman sa pag-ibig."

Nahiga na ako at 'di ko mapigilan ang mga luha ko nang tuluyan.

Ms. Bitter meets Mr. ForeverWhere stories live. Discover now