[Yes po, Ma'am. Unfortunately nagpull out po ng shares si Mr. De Luis at Ms. Fallarde dahil sa pagkawala ng 1.5 million last week. Nagaalangan po sila sa shares nila...] Kausap ko ngayon ang secretary ni Daddy na secretary ko ngayon.
"Last week pa pala nalulugi ang kompanya yet you haven't given me any idea about it!"
[Sorry Ma'am. Napagsabihan po ako ng Finance Officer na huwag daw po ibalita sa inyo ito dahil on leave daw po kayo at siya na lang po ang gagawa ng paraan. Tumakas lang po ako sa kanya nga--]
[Ms. Craige. Sino iyang kausap mo?] I heard Mrs. Rosario, the finance officer.
[A client po, Mrs. Rosario.]
[Paki end na ang call at sasama ka sa akin sa board meeting. Ikaw na lang ang magsabi sa boss mong walang ka kwenta kwenta.] WTH?
[Yes, Ma'am] Tinignan ko kung nakapatay pero on going pa rin amg call... hmm. Mukhang may alam itong si Kayla sa posibleng mangyari. Nakinig na lang ako.
By the way, kasama ko si Siomai sa isang cottage. Well, kami na ang madalas na magkasama kaya sanay na ako... I pressed the mute button para di ako marinig at pinress ko ang loud speaker para maka impake na ako since linipat ko ang gamit ko dito dahil I don't like the atmosphere there.
"2 days pa ah?" Si Siomai.
"Yeah. May problem kasi sa office." Tumingin siya sa phone ko. "Ah. Meeting. Pinaparinig sa akin ni Kayla. My secretary for now." Tumango siya at nagbrowse lang sa laptop ko. Yes, KO.
[So, currently wala pa ang pabaya nating standing boss kaya ako muna ang hahandle sa problemang ito.]
[I agree. Hindi dapat ito nangyayari kung puro alis ang nagagawa ni Keila.]
siyang maiisip na paraan kaya ako na ang susulosyun sa mas madaling oras.]I ended the call. What the heck are they doing? I'll make sure they'll get fired when I get home.
"Mukhang malaki ang galit sa iyo, Mai."
"Hayaan mo na. I will surprise them at baliw ba siya?"
"I called my house at sinabihan ko na magpadala ng private jet sa nearest airport. We will get home later night."
"Anong 'we'?"
"Sasama ako. I want to work?"
"Edi sana nag business ad ka."
"Ikaw din. Dapat nag BA ka na din."
"I think mag switch ako ng course. I'm fine with it naman. I am not confident sa culinary eh."
"Hmm. You're choice Mai."
"Sioms mag impake ka na kaya?"
"I did. Nasa sasakyan ko na. Pinadala ko kahapon para sana pumunta tayo sa bayan."
"Hmm okay. I'll bring this na lang doon."
"Diretso na din tayo sa kanila. Paalam na tayo."
Tumango ako at lumabas. Pinatunog niya ang kotse na hudyat na bukas na ito kaya binuksan ko ang likod para mailagay ang gamit ko.
"Shall we?" Pagkasara ko ngiti agad ni Sioms ang nakita ko. Pakshet ang gwaping!
"Yeah..."
Umakbay siya sa akin at naglakad na kami papuntang beach. Natanaw kasi namin sila na nageenjoy.
"Yo!" Sigaw ni Sioms.
"Join us, dude! Masyado ka nang nakadikit dyan kay Kei!"
Sakto naman na naka beach shorts sya kaya naghubad siya ng shirt. Omg abs.
"Mai, andito ang mukha sa taas." Hinawakan pa niya ang chin ko.
"Tsk! Di ko naman tinignan abs mo eh!"
"Hmm? Wala akong sinasabi, bebe loves."
"Siomaiiii!" Tumawa lang siya.
"Are you gonna go for a dip?"
"Yea... kaso alangan maghubad ako dito."
May towel pala siyang dala. Di ko pansin. Hinarang niya iyon sa kung saan kaya naghubad ako ng top at shorts. Naka two piece ako na flowers ang design hihi.
"Thanks." Pagtingin ko nakatingin siya sa suot ko. "Andito ang mukha ko, Sioms." Hinawakan ko din chin niya at nagtinginan kami.
"Syet na malagkit parang tumamis ang dagat!" Sigaw ni Gab.
"Shit!" Mura ni Sioms sa tabi ko.
"Halika na, Sioms. Matutuyo na ang dagat."
Umiling siya at ngumiti. Bagay sa kanya. Ang gwapo niy-- erasee!
Nung makalapit na ako biglang may humablot sa may bewang ko galing sa ilalim.
"AHH!" Napasigaw tuloy ako.
Biglang lumabas si Siomai na tawang tawa.
"SIOMAAAAI! ANG BAD MO." Yumakap siya sa akin at bumulong.
"Andyan si Rivanio Dale." Napatingin ako sa ibang kasama ko. Nakatingin pala sila sa amin.
"Ang landi talaga." Bulong ni Pria.
"Calling yourself?" Bulong ko na nagpatawa kay Siomai.
"May tawagan pa kayong Siomai ahhhh!" Si Leo.
"Tss. That was nothing."
"Uhm.. papaalam sana kami. Aalis na kami mamaya. May business problem."
"Eh bakit kasama si Daniel?" Galit na saad ni Seian.
"I insisted, bro."
"Tss"
"We are just enjoying our last hours sa resort."
"Guys aahon na ako. Bye" si James.
Oh well. I did my part.
YOU ARE READING
Ms. Bitter meets Mr. Forever
RomancePeople nowadays does not believe anymore in forever. Sa dami ba namang manloloko sa paligid, hindi ka ba matatakot mahulog sa mga patibong nila? Lalo na kung nakaranas ka na nito noon pa? Paano kung... nahulog ka nanaman sa taong di mo ninanais?