Andito kami ngayon sa mall nila Keine, Daniel, at kuya Keian. Mommy said na siya na lang ang magbabantay kay kuya since nakapagusap naman na kami secretly about sa surprise.
"Ate, may magandang kainan dito, mamaya puntahan natin, ah?"
"Sure, basta take out lang. Para makasabay natin sila kuya at Mommy kumain." tumango siya.
"You didn't change, Kei. Same old Kei ka pa rin." Napatawa na lang ako. Hindi ko na gets kung bakit ganun ang statement niya. Si kuya talaga.
"Tara na nga, mamaya wala na tayo mabili for the surprise."
Dumiretso na kami sa mga pabilihan ng balloons, cakes, at iba pa. Ewan ko pero may nasesense akong may mangyayari bukas na baka hindi namin magustuhan...
Maybe I'm just overreacting.
"Danny? Babe?" Biglang lapit ng isang petite na babae.
"Uhm... What?" Tanong ni Daniel kasi nakatitig sa kanya si petite.
"Daniel Monteveros, right? I didn't know na mabilis ka makalimot."
"Nasaan?" Nagtaka naman kami sa sagot--or more likely tanong ni Sioms sa babae.
"What do you mean? Anong nasaan? I'm just in States after you broke--"
"Nasaan ang paki ko sa'yo?" Sabay higit niya sa akin sa may baywang ko.
In fairness, that was a savage comeback.
Halatang gulat pa si petite.
"So, siya yung ngayon mo?" Tumingin siya sa akin. "Tss, lolokohin ka lang din niyan."
"Okay?" Unsure kong sabi... fc lang?
"Ah! Naalala ko na! Ikaw yung babaeng nasa fb page na Danielovers! Ikaw yung haliparot na sinungkit yung 3 hotties." Sinampal siya ni Keine. "Carbon copy mo? Talagang nagspread ka pa ng dirty genes mo?"
"Talaga? I heard may asawa na yung binoyfriend mo ah?" si Keine. Galing talaga nito!
"H-how did you know that?"
"Guilty ka naman? That was just a guess."
"Babaeng unano, aalis na kami ha? Baka magsumbong ka sa tatay mo. Sabihin mong bastos kami." si Kuya. Tsk. Galing ng mga kapatid ko.
"U-urgh! Dapat di nalang ako lumapit!"
"Buti naisip mo, ay! Sorry, ikaw nga pala yung bida sa Plants versus Zombies. Ikaw yung zombie. Ciao!" sabi ko at umalis na ako. Tss.
"Maaaai! Na impress mo na naman ako!" Hala! Parang baliw ang loko!
"Tama na iyan, kailangan na bumili."
**
Short update for now. Wala maisip pero promise na sa next update/s mahaba na siya yiee!
Love you all mah bebe Panders!
YOU ARE READING
Ms. Bitter meets Mr. Forever
RomancePeople nowadays does not believe anymore in forever. Sa dami ba namang manloloko sa paligid, hindi ka ba matatakot mahulog sa mga patibong nila? Lalo na kung nakaranas ka na nito noon pa? Paano kung... nahulog ka nanaman sa taong di mo ninanais?