CHAPTER 8

107 1 0
                                    

Pag gising ko, wala na ako katabi, asan na ba iyon?

"Tignan niyo nga si Keila, baka mamaya 'di na iyan humihinga!" si Angel.

"Angel, magdahan-dahan ka sa pananalita mo." Seian.

"Humihinga pa naman ako, Angel." Tuluyan na ako lumabas.

"Ay jusko!"

Lumapit si Seian sa akin at yumakap. "Ano? Nag-usap na kayo?" Bulong niya. Umiling lang ako.

"Aga aga, kayo agad nakita ng paningin ko!" si Daniel.

"Sus, selos ka lang, Daniel. Aminin!" si Gab.

"Utot mo, Gab! Parang 'di ka lumabas sa tent mo para puntahan yung chix sa may dagat!"

"Hoy! Anong chix chix, kuya?"

"Wala yun, Riella, ayaw lang aminin ni Daniel na sa kanya yung chix na yun."

"Ano?! Gago!"

"Tama na iyan, baka kung saan mapunta. Mabuti pa kumain na tayo. Nagpahanda na kami."

"Sakto gutom na ako!" si Leo.

"Lagi ka naman gutom!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Daniel.

Naka-akbay sa akin si Seian, hinayaan ko na lang.

"Ang bango ng buhok mo, Kei," bulong niya.

"Uhhh, miss? Nahulog niyo po yung-- Keila?"

Lumingon ako at nakita ko si Rivan.

"R-Rivan! Uhm.. hello!"

Lumingon din si Seian. 

"Nahulog mo yung bracelet mo."

"Ah, thank you. Sino pala kasama mo?"

"Si Sab.. at yung mga kaibigan niya."

"Ah... 'di niyo kasama si Pria?" Sinasaktan ko lang sarili ko eh.

"H-hindi. Sige mauna na ako, baka magalit boyfriend mo."

Lumingon ako kay Seian at kita ko ang galit sa mata niya. 

"Keila?! Ano iyon!? Sa harap ko talaga?!"

"Bakit?"

"Kei, alam mo na may gusto ako sa'yo! Pero pinahaba mo ang usapan niyo! 'Di ka ba nakakaramdam?!"

"Hay naku, Seian. Simpleng bagay ba pagaawayan nating dalawa? 'Di naman tayo kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng mga bagay na dapat kong gawin at hindi." Mukha siyang nasaktan. Napatakip ako ng bibig. Na-nasabi ko talaga iyon?

"H-hindi lang yun simple, Keila, malaking bagay na iyon sa akin dahil may gusto ako sa'yo. Hindi porket hindi mo ako gusto magiging makasarili ka na! Sana maisip mo din ang mga taong nagmamahal sa'yo." Umalis siya 'di ko na lang siya sinundan.

Sumunod na ako sa kainan. Halatang nagalit na sa akin iyon. Keila ano ba!

"Taray mo naman, Bai. Three boys? Ang harot mo pa din." Bai? Isang tao lang ang tumatawag sa akin niyan... si Pria. EX-BFF ko.

"Uy, PRIA! Andyan ka pala. Bakit sabi ni Rivan na--"

"Tsk! Malamang hindi niya kaya sabihin pangalan ko sa harap mo kasi... alam mo na. Mahal niya ako at kinakaawaan ka niya!"

"Shut up. Hindi mo alam ang sinasabi mo!"

"Wow! Kelan ka pa natutong lumaban, Keila? Hmm, sabagay. Same with your mom. Malalandi!" Nasampal ko tuloy siya. "HOW DARE YOU!"

"Hindi malandi ang nanay ko! Laitin mo na ako pero hindi mo pwede sabihin iyan sa harap ko!"

"Edi tumalikod ka!"

"Don't be pathetic, Pria. Nasa iyo na nga si Rivan at si Sab. What else?"

"I want your life! I want everything from you! Lalo na yung time na ipinagkait mo ako kay Tito Paul!"

"Bakit naman nadamay ang Daddy ko?"

"Hindi pa pala nasasabi ng maharot mong ina!"

"Mag dahan dahan ka sa pananalita mo."

"Bakit?! Nauna naman ako sa iyo ah? Dahil sa nanay mo, namatay si Mommy! Akala mo aksidente? Well hindi! Ipinapatay ng nanay mo ang nanay ko dahil nalaman niya na may relasyon sila ni Tito Paul!"

"H-hindi ko alam ang tungkol diyan..." Sinampal niya ako.

"Malamang hindi mo alam ang tungkol diyan kasi wala kang paki! Tinuring kitang kaibigan noon! Sabi ko sa iyo na layuan mo si Rivan dahil may gusto ako sa kaniya pero hindi ka nakinig! Sarili mo lang iniisip mo, Keila. Akin si Rivan! Simula pa lang akin na siya! Pero lahat kinuha mo! Kaya ngayon, babawiin ko na ang dapat nasa sa akin!" Sasampalin na sana niya ako pero biglang may humawak sa kamay niya.

"Don't try laying a finger on her, miss. Kung ayaw mong matikman ang totoong impyerno." D-Daniel?

"And sino ka naman? Isa sa mga 'admirers' ni Keila? Tss!" Umalis na siya, napaiiyak na lang ako.

"Uy... tahan na..."

"Bakit ka pa dumating? Diba wala ka namang pakialam sa akin?"

"Keila..."

"Pano mo nalaman na nandoon ako?"

"Dumating kasi si Seian na umiiyak at galit. Kaya naisip kong nagkasagutan kayo o binasted mo na siya," napatawa siya sa idea na iyon... "Pero iyon pala... si Pria lang."

"How did you know about her?"

"Oh please. Parang di ko kaibigan si James? Makwento iyon tungkol sa iyo eh."

"Talaga? Hmm. Ang swerte ko naman sa kanya... nag-iisang totoong kaibigan ko."

"Hay... tara na nga. Ang pangit mo na eh!" Tumawa siya tapos tumakbo. Kaya naman hinabol ko siya. Salamat, Daniel... napagaan mo kahit papaano ang loob ko.

Ms. Bitter meets Mr. ForeverWhere stories live. Discover now