Chapter 4: The Return

735 31 14
                                    

CHRISTINA'S POV

"Uy! Try outs na mamaya sa dance club!"

"Sasali ka? Balita ko EXO ang magha-handle ng auditions!"

Kaya pala hindi ako hinatid ni Kuya Chase ngayon?

"Hay nako! EXO na naman." Mahinang sabi ni Giana habang inaayos ang salamin niya.

"Ano ba ang problema mo sa kanila? Porket-" Hindi na natuloy ni Maja ang sinasabi niya dahil binigyan ito ng masamang tingin ni Giana.

Pagkarating ko ng school ay inabangan na nila ako sa gate. Ang ingay tuloy ng paglalakad ko papuntang classroom.

"Alam niyo ba ang balita?" Tanong ng kaklase naming si Carlo pagkarating namin ng classroom.

"Anong balita? Hindi ko naman alam na chismoso ka pala, Carlo." Sabi ni Maja rito.

"Bumalik na si-" Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Carlo nang biglang may pumasok na babaeng maganda sa classroom namin.

Gulat na gulat sila Maja at Giana nang makita ang babaeng dumating. Pati na rin ang ibang classmates namin ay naghiyawan.

"Chill guys! Ako lang ito, oh!" Sabi ng babae kaya naman natawa silang lahat.

"Sino siya?" Tanong ko kay Maja ngunit hindi pa rin ito kumikibo.

Pinilit naman ng babae na umalis sa mga kaklase naming dumumog sa kanya at sumigaw nang makita sila Maja.

"I'm back!" Sigaw ng babae sabay yakap kela Maja.

"Gabrielle..." Mahinang sabi ni Giana.

"Hindi ba kayo natutuwa? Buo na ulit ang trio natin!" Masayang sabi sa kanila ni Gabrielle kaya naman napatingin sa akin si Maja.

"Uhm... Gabrielle? Meet Tina. Tina, si Gabrielle." Pakilala ni Maja sa amin.

"Hi! Bago ka lang dito?" Tanong ni Gabrielle sabay ngiti sa akin.

Grabe. Sobrang ganda niya. Kahit siguro babae, maiinlove sa kanya.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tinawag ng kaklase namin at pinaupo ito sa tabi nila.

She seems popular.

"Upo na tayo?" Tanong ni Giana sa amin ni Maja kaya naman umupo na kami.

Mabilis na natapos ang class hours kaya naman napagplanuhan namin nila Maja na pumunta sa isang coffee shop. Nasa may hallway na kami nang biglang tumunog ang speaker.

"Paging Christina Gutierrez, please proceed to the D304." Sabi ng announcer kaya napakunot-noo ako.

"Hindi ba't doon ang venue ng auditions para sa dance club? Sasali ka?" Tanong ni Maja sa akin kaya agad naman akong umiling.

"Huh? Eh hindi naman ako marunong sumayaw. Bakit ako sasali doon?" Sabi ko sa kanila.

Wala na akong nagawa nang binigyan ako ni Maja ng pambihis at dinala nila ako sa venue ng auditions.

"Hi, Ma'am Sydney!" Bati ni Maja sa coach ng dance club kaya naman nagulat ako nang makita ang adviser namin?

"Great! Nandito na si Christina!" Masayang sabi ni Ma'am Sydney. Agad naman akong iniwan ni Maja kaya naman lumapit na lang ako kela Kuya Chase na kasalukuyang nagw-warm up.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko itong binatukan.

"Aray! Bakit bigla-bigla kang namamatok?!" Inis na sabi ni Kuya Chase habang hinahaplos ang batok nito.

"Ikaw ba ang naglagay ng pangalan ko sa listahan?!" Panga-akusa ko rito. 

"Bakit naman hindi? Magaling ka naman sumayaw at saka ito rin iyong bayad mo sa nasira kong cellphone!" Pangg-guilt trip nito sa akin. Babatukan ko sana ulit ito kung hindi lang dumating si Kuya Blaze.

"Uy! Kalma lang! Kaya mo 'yan, Tina!" Pagsuporta ni Kuya Blaze sa akin sabay akbay sa akin ngunit agad din itong tinanggal ni Kuya Chase.

"Bakit may kasamang akbay? Close ba kayo?" Inis na sabi ni Kuya Chase kaya naman natawa na lamang si Kuya Blaze.

"Chill!" Sabi ni Kuya Blaze dito bago bumalik sa kinaroroonan nila Kuya Kristoff.

Nakisali na lang ako sa pagw-warm up ni Kuya Chase habang naghihintay na magsimula ang auditions.

"Sino pa ba ang hinihintay natin?" Tanong ni Ma'am Sydney pagkatapos ng ilang minuto.

"Si Gabrielle po!" Sabi ni Kuya Chad at napansin kong biglang napatigil si Kuya Chase sa pagwarm up.

What's with Gabrielle?

"Oh? Bumalik na pala ang girl lead dancer natin?" Masayang sabi ni Ma'am Sydney.

Sakto at dumating na si Gabrielle na tumatakbo habang tinatali ang kanyang buhok.

"Hi, Ma'am! Sorry po at nalate ako." Paumanhin nito pero nginitian lamang ito ng coach

"At last! May kapartner na naman si Kyle! Kyle, tabi kayo ni Gabrielle sa harapan." Sabi ni Ma'am Sydney at nagkatinginan muna ang dalawa bago magtabi.

"Hanggang anong oras ba tayo dito?" Inis na tanong ni Kuya Chase kay Kuya Kristoff.

"Hindi ko rin alam. Basta ako, gusto ko nang umalis ngayon. May date pa kasi kami ni Haley." Sabi ni Kuya Kristoff dito.

"Mas lalo na ako! Hinihintay pa ako ni Abi!" Sabat naman ni Xander.

"Bakit ba atat na atat ka na ring umalis? May date ka rin ba?" Tanong ni Kuya Lucas dito.

Hindi na umimik si Kuya Chase at sa halip ay nag-practice na lamang ng dance routine.

"Paano ba sayawin iyong piece, Kuya?" Tanong ko rito ngunit tila naagaw ang kanyang atensyon ng dalawang tao na sumasayaw sa harapan.

Sila Kyle at Gabrielle.

-------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Sino nga ba si Gabrielle? Abangan ang susunod na kabanata! :D Midnight update laturrrr!!! :D

Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon