Chapter 7: The Groupings

683 29 20
                                    

CHRISTINA'S POV

These past few days ay parang naging iba ang Kuya Chase ko.

It was like, hindi ko kilala ang taong kasama ko sa bahay.

Laging seryoso, wala nang kinakausap, at palaging nagkukulong sa kwarto.

"Nasaan na si Gabrielle?" Tanong ni Maja sa amin habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"May kailangan pa raw siyang daanan sa library." Sagot ni Abi. Magmula nung birthday ni Ysabelle ay palagi na itong sumasama sa amin nila Maja.

"Baka magkasama na naman sila ni Kyle." Sabi ni Giana.

"Bakit naman sila magsasama ni Kyle?" Tanong ni Abi at tiningnan siya nila Maja.

"Hindi mo alam?" Gulat na sabi ni Maja rito.

"Malamang. Magtatanong ba ako kung alam ko?" Mataray na sabi ni Abi rito kaya naman napailing na lang si Giana.

"Ikaw Tina, ayaw mo na bang magka-lovelife ulit?" Tanong ni Maja sa akin pagkatapos naming umupo.

"Oh bakit naman ako nadamay sa usapan?" Tanong ko kaya natawa silang lahat.

"You know, maganda ka naman kasi. Pagkatapos ng baozi ko, ayaw mo na bang maghanap ng jowa?" Tanong ni Abi kaya naman napailing ako.

"Nakakapagod magkajowa. No offense." Sagot ko.

"Paano ba naging kayo ng baozi ko? Hindi ba't homeschooled ka dati?" Tanong ni Abi sa akin. Pati rin sila Maja at Giana ay naging interesado.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago nagsimulang magkwento.

"Ganito kasi iyan..." Panimula ko.

"Kuya Chase! Punta tayo doon sa may park!" Yaya ko kay Kuya habang naglalaro sila ni Andrew ng PSP.

Summer kasi ngayon kaya naman pinayagan kami nila mama na dito magstay sa bahay ng pinsan namin sa buong bakasyon.

"Nandyan naman si Kate, ah? Bakit hindi kayo ang magsama papunta sa park?" Sabi ni Kuya Chase. Napatingin naman ako kay Kate na abala sa paglalaro ng mga Barbie dolls niya na parang voodoo doll na. Hindi ko rin alam kung bakit ang tanda-tanda na niya ay naglalaro pa rin ito ng Barbie doll.

"Eh gusto kitang kasama, Kuya! Tara na." Pangungulit ko sa aking Kuya. Tumalikod lamang ito sa akin kaya naman napasimangot na lamang ako bago lumapit kay Kate.

"Gusto mo bang pumunta doon sa park?" Tanong ko rito. Napatigil naman ito sa paglalaro at saka tumingin sa akin.

"Sige! Gamitin na lang natin iyong bike namin para pumunta doon." Sabi nito. Bigla naman akong napatigil dahil naalala kong hindi pala ako marunong mag-bike.

Nang makarating kami sa labas ay agad namang kinuha ni Kate ang bike nila ni Andrew. Nilagay nito ang kanyang mga voodoo doll sa basket ng bike niya bago nagsimulang mag-bike.

Medyo nakalayu-layo na siya kaya naman sinubukan kong sumakay ng bike. Madali lang naman ito kung titingnan mo sa mga palabas. 

Naka-ilang subok ako ngunit hindi ko nagagawa nang maayos ang pagb-bike. 

"Hindi mo kasi binabalanse iyong sarili mo kapag nagb-bike." Agad akong namula sa kahihiyan nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Nakatambay ito sa balkonahe ng bahay nila na isang bahay lang ang pagitan kela Andrew.

Agad akong umalis sa bike at tumingin dito.

"Excuse me! Marunong akong mag-bike!" Depensa ko sa aking sarili kahit na sa totoo lang ay tama ito.

Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon