Chapter 1: The Christina 'Tina' Gutierrez

1.4K 43 25
                                    

CHRISTINA'S POV

"Hala! Si Chase oh!" 

"Sino kaya iyong kasama niya?" 

Rinig kong sabi ng mga nasa hallway kaya napayuko na lang ako.

"Okay lang iyan." Sabi ni Kuya Chase sabay akbay sa akin.

Agad ko namang tinanggal ang akbay niya dahil sa mga masasamang tingin ng mga tao.

"Bakit ba kasi kailangan ko pang pumasok sa school kuya? Okay naman na ako sa homeschool, eh." Sabi ko. Sa labing-dalawang taon ko ba namang pagh-homeschool sinong hindi masasanay sa bahay?

Kung hindi mga nerd sa kaliwang bahagi ng hallway ang makikita mo ay puro mga jocks at mga pasikat sa kanan ang nakatambay. Hindi ko naman aakalaing totoo pala ang mga nahanap ko sa internet tungkol sa mga uri ng tao na nasa senior high school.

"Christina Gutierrez, sa loob ng labing-dalawang taon, hindi mo ba naisip na itry ang pag-aaral dito sa school ko? Buti nga pinayagan ako nila mama dahil grade eleven ka na." Sabi ni Kuya Chase at wala akong nagawa nang tangayin niya ako papunta sa magiging classroom ko.

"Welcome to Section 11-B!" Masayang sabi ni Kuya Chase sabay bukas ng pintuan ng sinasabing classroom ko raw.

Naunang pumasok si Kuya Chase sa classroom ko kaya naman agad akong napatakip ng tenga dahil sa mga tilian nila.

"Ang pogi talaga ni Chase!"

"Tayo na lang, Chase!"

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng lalaki?" Masungit na sabi ng isang babae na nakasalamin pero hindi pa rin natahimik ang lahat. Natawa na lang ang kuya ko dahil sa reaksyon nilang lahat. 

"Bakit parang sikat ka naman yata masyado dito, Kuya?" Bulong ko kay kuya habang naglalakad papunta sa pangalawang row para maghanap ng bakanteng upuan.

Tumawa lang siya sabay ngiti sa dalawang babaeng nagbubulungan.

Parang magic na umalis ang dalawang babae sa upuan nila at lumipat sa likod.

"Wag mo silang pansinin. Hintayin na lang natin ang teacher mo." Sabi ni Kuya at tumango na lang ako.

Hindi pa nagli-limang minuto ay dumating na ang adviser namin.

"Mr. Gutierrez? Bakit nandito ka?" Tanong ng isang babaeng sa tingin ko'y nasa edad 30 pataas.

"Sit in lang po muna ako Ma'am Sydney. Babantayan ko lang po yung kapatid ko." Sabi ni Kuya at nagsimulang magbulungan ang mga tao.

Ito ang pinakaayaw ko sa mga eskwelahan, ang pinag-uusapan ka.

Paiyak na sana ako nang tawagin ako ni Ma'am Sydney.

"Please introduce yourself, Miss." Sabi nito kaya naman tumayo ako at naglakad papunta sa harapan habang inaadjust ang salamin ko.

"Good morning, everyone. My name's Christina Gutierrez. I'm seventeen and Kuya Chase's my brother." Sabi ko at bago pa sila mag-react ay bumalik na ako sa kinauupuan ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kuya Chase sa akin at tumango lang ako.

Nagsimula nang magdiscuss si Ma'am Sydney tungkol sa subject namin habang si Kuya Chase ay busy sa pakikipag-usap sa babaeng katabi niya.

Kinalabit ko naman siya sa takot na mahuli siya ni Ma'am Sydney. Ganun naman sa mga eskwelahan diba? Bawal mag-usap kapag nagd-discuss ang teacher?

"May kailangan ka ba Tina?" Tanong ni Kuya sa akin.

"Hindi ka ba papagalitan ni Ma'am Sydney, Kuya?" Bulong ko sa kanya.

"Hindi yan. Mabait si Ma'am Sydney. Tsaka hindi naman to yung classroom ko." Sabi ni Kuya sabay bigay ng notebook.

"Kopyahin mo lahat ng lectures nila para hindi ka mahuli sa lesson." Sabi ni Kuya Chase at nagpaalam na siya kay Ma'am at umalis.

Paano na 'to?

Dumaan ang anim na subjects at dumating na rin ang recess.

Nagtaka ako kung bakit ang saya-saya ng mga kaklase ko dahil recess na.

Hindi ba sila nakakakain?

"Tara na, Tina?" Tanong ni Giana sa akin at tumayo na ako sabay kuha ng baon ko.

Sa kakaunting oras ay may naging kaibigan na ako dito. Mukhang mabait naman sila Giana at Maja na officers sa classroom namin. 

Sumabay naman ako sa kanila ni Maja papunta sa cafeteria.

Habang naglalakad ay kinukulit ako ni Maja.

"Anong feeling na may sikat na kapatid?" Pangungulit ni Maja sa akin kaya nagulat ako.

"Sikat si Kuya dito?" Tanong ko at tumango siya.

"Rapper kasi ng sikat na grupo dito ang Kuya mo, iyong EXO." Sabi ni Giana sabay bukas ng pinto ng cafeteria.

"At hindi lang iyon! Isa rin siya sa most friendly at most chosen date nung ball last school year!" Masayang saad ni Maja.

Pumasok na kami ng cafeteria at ito na naman ang nararamdaman kong hiya dahil pinagtitinginan nila ako.

"Wag kang mahiya. Hindi naman ikaw ang pinagtitinginan nila, ako." Sabi ni Maja sabay tawa at binatukan naman siya ni Giana.

"Alam mo, ang feeler mo talaga!" Sabi ni Giana kay Maja.

"At least hindi ako seryoso lagi!" Sabi ni Maja sabay belat sa kanya.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Paano sila naging magkaibigan? Ang lakas masyado ng trip ni Maja samantalang si Giana naman ay sobrang seryoso.

"Kung nandito lang sana si Gabrielle, paniguradong susuportahan ako nun!" Sabi ni Maja at nagtaka ako.

"Sino si-- " Bago pa ako matapos sa tanong ko ay nagtilian na naman ang mga babae sa paligid. Dahil doon ay agad akong hinila nila Maja papunta sa gilid.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila at sinenyasan lang nila ako na manahimik.

Tiningnan ko kung sino ang dumating sa canteen ay si Kuya Chase lang pala.

Magtatago na sana ako kay Kuya Chase nang mahagilap niya ako.

"Tina!" Tawag niya sa akin sabay kaway at nakita kong tumawa si Maja.

Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan namin at kinausap ako.

"Lunch break niyo na rin?" Tanong ni Kuya sa amin.

"Tingin mo? Pupunta ba kami ng cafeteria kung hindi?" Mataray na sabi ni Giana kay Kuya.

"Bakit? Ikaw ba kinakausap ko?" Sabi ni Kuya kay Giana.

"Boom panes!" Sabi naman ni Maja sabay tawa.

Baliw talaga to.

"Oo, Kuya. Kayo rin ba?" Tanong ko kay Kuya.

"Oo. Tara, pakilala kita sa grupo ko!" Sabi ni Kuya sabay tangay sa akin papunta sa table ng 'grupo' niya.

"Hindi na, Kuya! Kasama ko sila Giana!" Sabi ko sa kanya sabay tingin kela Maja.

"Okay lang, Kuya Chase! Sasama na lang kami!" Sabi ni Maja kaya naman agad ko itong sinamaan ng tingin.

Nang makarating kami sa table nila Kuya Chase ay nagulat ako sa nakita ko.

Bakit nandito rin siya?

Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon