Chapter 11: The Secret Date

552 25 12
                                    

YSABELLE'S POV

Noong mga nakaraang lingo ay palagi kaming binibisita ng mga grade 11 at grade 12. Mukhang busy ang mga ito sa ginagawa nilang research. Katulad ngayon.

"Ysabelle! Nandito si Deion oh!" Pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko kaya naman hindi ko mapigilang mamula nang makita ito sa may pintuan.

Nakasimangot lamang ito habang nakatingin sa dala niyang papel.

"Sino rito ang mahilig sa K-Pop?" Tanong nito sa amin kaya naman napatingin ang lahat sa akin.

Bakit ba ako lang ang mahilig sa K-Pop dito?

"Uy, Mandy. Hindi ba't mahilig ka rin sa K-Pop?" Tanong ko kay Mandy na kasalukuyang kumakain ng nabili niyang merienda.

"Hindi-" Agad itong nanahimik nang bigyan ko ito ng masamang tingin. Tumango na lamang ito kaya napangiti ako.

Tatayo na sana ako upang kunin ang survey mula kay Deion nang iabot niya ito sa kaklase kong nasa harapan.

"Pakisagutan lang ito. Babalikan ko lang mamaya." Malamig na sabi nito bago umalis ng classroom namin. Bakit ba ang sungit palagi ng isang iyon? 

"Lagi yatang meron yung crush mo eh." Bulong ni Mandy sa akin kaya naman napatingin ako rito.

"Hindi naman! Sadyang hindi lang talaga iyon pala-ngiti." Depensa ko rito bago lumapit kay Sheila upang kumuha ng survey.

"Grabe naman iyong crush mo kanina. Ang sama ng tingin sa akin." Sabi ni Mark sa akin nang madaanan ko ito. Natawa na lamang ako rito bago bumalik sa kinauupuan ko.

Bakit naman magagalit si Deion kay Mark? Nagseselos pa rin ba ito dahil sa nangyari noong isang linggo?

Napangiti na lang ako bago umupo.

"Nagmumukha ka na namang baliw dyan, Ysabelle." Sabi ni Mandy sa akin. Agad ko naman itong hinampas sa balikat kaya naman ito napasigaw.

"Ano na naman ba ang problema mo?!" Sigaw nito.

"Nagseselos si Deion kay Mark! Akalain mo iyon?" Masayang kwento ko sa kanya habang pinaghahampas ito sa balikat.

"Chill ka lang! Gusto mo na ba akong mamatay?" Sabi naman ni Mandy kaya naman napatigil ako sa panghahampas.

"Sorry. Nakakakilig kasi si Deion eh." Sabi ko rito. Balak ko pa sana itong hampasin ulit sa balikat nang bigla nitong ginamit ang kanyang libro upang protektahan ang kanyang sarili.

"Ang daya mo naman!" Sabi ko rito. Hindi ko mapigilang mapalabi kaya naman natawa na lamang ito at saka inilapag ang libro sa mesa niya.

"Hay nako, Ysabelle. Alam ba ni Kuya Lucas ang tungkol sa pagiging in love mo kay Deion?" Tanong ni Mandy sa akin kaya naman nagulat ako.

"Ako? In love? Excuse me! Crush ko lang naman si Deion eh." Sabi ko rito at napailing na lamang ito.

"Doon din naman papunta iyon, Ysabelle. Kaya mag-ingat ka na bago ka pa main-love doon." Payo ni Mandy sa akin kaya naman natahimik ako.

Posible kayang in love na ako kay Deion?

LUCAS'S POV

"Sigurado ka na ba na magc-cutting na naman tayo? May quiz kaya tayo sa History." Tanong ni Stan sa akin habang naglalakad kami papuntang garden.

"Sorry at dinamay pa kita dito. Gusto mo na bang bumalik sa classroom? Okay lang naman sa akin." Sabi ko rito at agad naman itong napailing.

"Okay lang naman din sa akin. Ano pala iyang dala-dala mo?" Tanong nito sa akin sabay turo sa bitbit kong basket.

"Ito? Magd-date kasi kami ni Joselle." Sagot ko at tumango lamang ito.

"Bakit naman ngayon kayo magd-date? Hindi ba pwedeng sa weekend?" Tanong ni Stan sa akin.

"Hindi naman kasi iyon pinapayagang lumabas kapag weekend." Sagot ko.

"Sige, matutulog na lang ako sa library." Pagpapaalam ni Stan sa akin nang makita na namin si Joselle sa may garden.

Nakaupo lamang ito sa may bench habang pinaglalaruan ang kanyang mga paa.

Napangiti na lamang ako bago ito nilapitan samantalang si Stan naman ay umalis na.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko rito at agad naman itong nag-angat ng tingin.

"Nandito ka na pala." Nakangiting sabi nito sa akin.

"May dala akong pagkain." Sabi ko sabay upo sa tabi nito.

"Ikaw ang nagluto?" Tanong nito sa akin kaya naman tumango ako. Inilabas ko ang mga paborito niyang pagkain at nagsimula na kaming kumain. 

"Nasimulan niyo na ba ang survey niyo?" Tanong ko rito habang kumakain.

"Oo. Nagsimula nang mamigay ng survey si Deion kanina. Nagpunta pa nga iyon sa classroom ng kapatid mo." Kwento nito sa akin.

"Talaga? Paniguradong masaya na naman iyong kapatid ko." Sabi ko.

"Hindi ba't crush ni Ysabelle si Deion?" Tanong nito sa akin at tumango ako.

"Okay lang ba para sayo si Deion?" Tanong niyang muli.

"As long as hindi niya sasaktan si Ysabelle, okay lang sa akin. Mabait naman si Deion eh." Sabi ko kaya naman nagulat ito.

"Mabait si Deion? Parang hindi naman halata. Palagi kasing nakasimangot." Sabi niya sa akin kaya naman natawa ako.

"Ganun lang talaga iyon kapag hindi pa kayo close, akala mo masungit. Pero sobrang kulit niya kapag magkaibigan na kayo." Sabi ko.

Naubos na namin ang dala kong pagkain kaya naman naglipit muna kami bago nagkwentuhan ulit. Nang bumalik ako sa kinauupuan namin ay naabutan ko itong nagpupunas ng luha.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito kaya naman agad itong napayuko.

"Sorry, Lucas. Sorry dahil hindi natin pwedeng sabihin sa iba ang tungkol sa atin. Natatakot lang talaga ako kela mama." Sabi nito habang umiiyak kaya naman agad ko siyang niyakap.

"Sorry Lucas. Sorry kung hindi natin masabi sa iba ang tungkol sa atin. Natatakot lang talaga ako." Sabi niya at agad ko siyang niyakap.

Bigla namang tumunog ang bell ng eskwelahan hudyat na uwian na. 

"Kailangan ko nang umuwi. Paniguradong nasa gate na si papa." Sabi ni Joselle kaya naman wala akong nagawa kundi ihatid ito sa may entrance ng building. Hindi kasi kami pwedeng makita ng papa niya at baka pagalitan lang nito si Joselle.

Nang makaalis na ito ay hindi ko mapigilang mapasimangot. 

Isang taon na lang, Lucas. Malapit namang grumaduate si Joselle at maipapakilala ka na niya sa pamilya niya.

Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon