MANDY'S POV
"Hi, Ate Joselle!" Bati ni Ysabelle kay Ate Joselle nang makita namin ito.
"Uy! Wala si Deion dito kung siya ang pakay ninyo." Sabi ni Ate Joselle kaya naman agad na namula si Ysabelle.
"Hinahanap po namin si Ate Haley. Hindi po kasi namin natapos iyong survey niya kanina." Paliwanag ko kaya naman agad nitong tinawag si Ate Haley.
"Ysabelle? Mandy? Bakit nandito kayo?" Tanong ni Ate Haley nang makita kami.
Magsasalita na sana ako nang bigla kong marinig ang boses niya.
"Mandy!" Tawag nito sa akin kaya naman agad kong ibinigay ang papel kay Ate Haley at saka tumakbo.
Mukhang may lahi yata ito ng kabayo dahil naabutan ako nito.
"Bakit hindi mo sinabing number ng Ate mo ang ibinigay mo?" Tanong nito sa akin.
"Ang gulo mo naman! Sabi mo magbigay ako ng number." Sagot ko bago ito iwan.
CHAD'S POV
"Nakausap mo na?" Tanong ni Liam sa akin pagkarating ko ng classroom.
"Oo. Ang gulo ngang kausap eh." Sagot ko bago umupo sa tabi ni Kristoff.
Ang babaeng iyon talaga. Kung hindi pa kabisado ni Chase ang bagong number ni Gabrielle ay paniguradong tinetext ko pa rin si Gabrielle hanggang ngayon.
"Ganyan naman talaga ang mga babae, masyadong hard to get. Kung ako sa'yo, maghahanap na lang ako ng iba." Payo ni Kristoff sa akin.
"Baka naman natakot lang sa'yo kasi ginulo mo na agad nung first day pa lang niya? Dapat kasi dahan-dahan lang sa pag-porma." Sabi naman ni Liam bago dumating si Ma'am Sydney.
"Class, hahayaan ko muna kayong gumawa ng research niyo sa ngayon. By next meeting, dapat may maipasa na kayong draft ng chapters one to three." Sabi nito at saka umalis. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil wala na namang klase.
"Punta tayo kela Abi? Paniguradong wala rin silang klase." Yaya ni Xiumin sa akin kaya naman napasimangot na lang ako.
Kung bakit ba naman kasi sila ang naging kagrupo ko?
Habang naglalakad papunta sa classroom nila Abi ay nadaanan ko ang classroom nila Mandy. Hindi ko ito tiningnan at sa halip ay dumiretso na lang sa paglalakad.
"Baozi!" Sigaw ni Abi nang makita kami. Hay nako. Ayan na.
"Baozi ko, natapos mo na ba ang chapter three?" Tanong ni Xiumin dito. Agad namang tumango si Abi at saka ngumiti.
"Yuck. Akala mo naman ang cute." Mahinang sabi ko kaya naman binatukan na naman ako nito.
"Wag ka ngang panira! Porket mali lang iyong binigay na number sa iyo eh." Sabi ni Abi at nagulat ako.
"Sinabi mo?!" Gulat na tanong ko kay Xiumin na ngayon ay napakamot na lang ng batok. Napailing na lang ako bago umupo sa bakanteng upuan.
HALEY'S POV
"Hay nako! Bakit ba kasi kailangan pa nating gumawa ng research?" Tanong ko habang tinitingnan ang mga nakatype sa laptop.
"Next week pa naman ang deadline. Kaya pa iyan." Sagot naman ni Tyler na kasalukuyang kumakain ng kwek-kwek. Napailing na lamang ako at saka tumingin kay Kristoff.
"Tayo na lang yata ang hindi pa nakakapagsimula sa research natin." Sabi ni Kristoff kaya naman nagulat si Tyler.
"Nagsimula na sila Kai? Weh?" Di makapaniwalang sabi ni Tyler kaya naman binigyan ko na lamang ito ng masamang tingin.
"Bakit ka ba kain ng kain dyan? Kung tumulong ka kaya dito?" Inis na sabi ko rito.
"Oo na. Tutulong na po." Sabi ni Tyler sabay agaw ng laptop sa akin.
"Final na ba ang topic natin? Paano kung gumawa na lang tayo ng research tungkol sa money spent on food ng mga estudyante?" Tanong ni Tyler sa amin. Bigla namang dumating si Lucas na dala-dala ang iPad niya.
"Kami ang nauna sa topic na iyan! Diba, Stan?" Kasama rin pala nito si Stan.
"Hindi pa ba kayo tapos?" Tanong naman ni Stan habang sinisilip ang laptop na gamit namin. Agad naman itong sinara ni Tyler at tinaboy ang dalawa.
"Doon nga kayo kay Maja! Porket tapos na kayo, eh." Sabi ni Tyler kaya naman umalis na ang mga ito na nagtatawanan.
Bumalik ulit si Tyler sa kanyang kinauupuan at saka nagsimulang gumawa ng research namin.
"Ano naman ang gagawin ko?" Tanong ni Kristoff sa amin.
"Maghanap ka na lang ng pwedeng methodology natin para makapaghanda na tayo." Sabi ko rito. Ngumiti ito sa akin bago ginulo ang buhok ko.
"Bahala nga kayo diyan! Is-send ko na lang iyong part ko." Sabi ni Tyler bago ito tumayo at lumabas ng classroom.
Nanahimik tuloy kami ni Kristoff pagkaalis ni Tyler kaya naman tinanong ko ito.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ko rito. Nagulat naman ako nang bigla niyang ilabas ang Math book niya.
"Mag-aaral tayo." Sabi niya kaya napanganga ako.
"Kailan ka pa natutong mag-aral? Ikaw pa ba iyan, Kristoff?" Gulat na sabi ko rito habang tinatapik ang mukha niya.
"May quiz kasi mamaya. Bumagsak ako doon sa isa kaya kailangan kong bumawi." Sabi ni Kristoff kaya naman tumango na lamang ako bago ito tinulungan sa pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISION
Фанфик"I want to be in love with you the same way I am in love with the moon, with the light shining out of its soul." - Sanober Khan