YSABELLE'S POV
"Saan ba ang library dito?" Tanong sa akin ni Mandy.
"Samahan na lang kita." Sabi ko sa kanya. Bago kasi siya dito at bilang pinsan niya, it is my duty and responsibility to tour her around.
Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Kuya Lucas. Ano na kaya ang nangyari doon?
Habang naglalakad ay naksalubong namin si Kuya Stan at Kuya Chad.
"Kuya Stan!" Tawag ko sa kanila at agad naman silang lumingon sa amin.
"Oh, Ysabelle? Nasaan iyong kuya mo?" Tanong sa akin ni Kuya Stan at napakibit-balikat ako.
"Hindi ko nga po alam eh. Hindi po ba siya pumapasok?" Tanong ko.
Tiningnan ko naman si Kuya Chad na grabe kung makatitig sa pinsan ko.
"Kuya Chad!" Paga-agaw ko ng atensyon nito.
"Sino siya?" Tanong ni Kuya Chad sa akin sabay turo kay Mandy.
"Siya? Pinsan namin, si Mandy. Mandy, si Kuya Stan at Kuya Chad." Pagpapakilala ko.
"Hindi ko naman alam na may kapatid pala si Gabrielle." Gulat na sabi ni Kuya Chad.
"Bakit? Hindi ba kami magkamukha ni Ate Gabrielle?!" Inis na sabi ni Mandy sa kanya. Natawa na lamang si Kuya Stan.
"Sorry naman! Ngayon ka lang kasi namin nakita. Saan ka ba galing?" Tanong ni Kuya Chad.
"Sa America ako nag-aral dati. Now if you'll excuse us, kailangan pa naming pumunta sa library." Sabi ni Mandy rito pero bago pa kami makaalis ay hinarang kami ni Kuya Chad.
"Ako na lang ang sasama sa'yo." Alok ni Kuya Chad sa kanya. Natawa na lang ako nang irapan ito ni Mandy.
Nagsimula na itong maglakad at agad naman itong sinundan ni Kuya Chad.
"Mukhang love at first sight si Chad, ah?" Tanong ni Kuya Stan sa akin kaya natawa ako.
"Oo nga eh. Ikaw, Kuya? Kailan ba magiging kayo ni Ate Maja?" Tanong ko rito at nagulat ito.
"Si Maja? Never!" Madiing pagtanggi nito kaya natawa akong muli.
"In denial ka lang, eh!" Sabi ko rito at saka tinalikuran ito.
Mahanap nga iyong kwago ko!
MANDY'S POV
"Pwede bang hingiin ang number mo?" Pangungulit ni Chad sa akin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayoko? Ayoko." May diin na sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa library at sinundan na naman ako nito.
"Bakit mo ba ako sinusundan?!" Inis na sabi ko sa kanya ngunit agad naman ako nitong sinenyasan na manahimik.
"Wag ka ngang maingay. Mapapalabas tayo niyan dahil sayo eh." Sabi niya sa akin.
Ano ba ang problema ng alien na ito?
"Bakit hindi ka nak-kwento ng Ate mo sa amin?" Tanong sa akin ni Chad habang naghahanap ng libro.
"Ewan ko doon. Nasaan na ba iyong libro na iyon?!" Inis na sabi ko.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Nakangiting tanong niya sa akin sabay pakita ng libro.
"Yes! Maraming salamat-" Napatigil ako nang itaas niya ang libro.
Asar. Bakit ba mas matangkad siya sa akin?
"Ibigay mo muna ang number mo bago ko ito ibigay sa iyo." Nakangising sabi niya sa akin kaya napairap na lamang ako.
Kung hindi lang talaga dahil sa libro ko.
"Akin na ang cellphone ko." Seryosong sabi ko sa kanya at nagulat naman ito.
"Ibibigay mo talaga number mo?" Masayang tanong niya.
"Oo nga. Kaya akin na ang cellphone mo." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko at agad naman niyang binigay ang cellphone niya.
Too bad. I don't have a phone.
Imbes na number ko ang ilagay sa cellphone niya ay binigay ko na lang ang bagong number ni Ate Gabrielle.
"Oh, tapos na. Akin na iyong libro." Sabi ko sabay abot sa kanya ng cellphone niya. Ibinigay naman nito ang libro na kailangan ko.
Agad akong lumabas ng library habang siya naman ay nakatulala sa cellphone niya.
Bahala silang mag-text ni Ate!
CHAD'S POV
"Baozi ko! May naisip ka na ba na pwede nating i-topic?" Tanong ni Abi kay Xander.
"Matagal pa yun. Date muna tayo?" Tanong naman ng isa.
Bakit ba ako nandito?
Buti na lang at may number na ako ni Mandy my labs. Oo, my labs na tawag ko sa kanya. Advanced ako eh.
Tinext ko na lang ito habang naghaharutan ang dalawang nasa harapan ko. Ano ba ang pumasok sa isip ni Xander at niligawan niya ang kambal ko?
To: Mandy My Labs <3
Hi! Kumain ka na?
"Ano na naman yang ginagawa mo at nakangiti ka dyan?" Mataray na tanong ni Abi sa akin.
"Bakit mo ba pinapansin lahat ng ginagawa ko? Ano bang ginawa kong masama sayo?" Asar na tanong ko kay Abi. Bago pa ito magsalitang muli ay sumabat na ang jowa nito.
"Wag mo ngang awayin si Chad, Abi." Sabi ni Xander dito kaya naman agad na napayakap si Abi dito.
Akala mo naman sinong cute!
Nabatukan na naman ako ni Abi pagkatapos kong sumimangot.
"Wag ka nga! Akala mo naman cute ka! Acute nga iyang mukha mo eh!" Sabi ni Abi sa akin.
"Talagang hindi ako cute! Gwapo ako! Gwapo!" Sabi ko at natawa na lang si Xander.
"Ba't ka naman tumatawa dyan?" Mataray na tanong ni Abi kay Xander na tumatawa pa rin.
"Kayo kasi. Dinaig niyo pa ang pag-aaway namin ni Abi." Sabi ni Xander at tumawa siya ulit.
"So anong gusto mo? Mag-away din tayo?" Inis na sabi ni Abi kay Xander kaya naman tumigil agad ito sa pagtawa.
"Ayoko. Hindi ko kakayanin kapag ganyan tayo." Sabi ni Xander at agad siyang niyakap ni Abi.
"Aww! Ang sweet mo naman!" Sabi ni Abi sabay kiss sa cheeks ni Xander.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman agad ko itong binuksan.
From: Mandy My Labs
Sino ka?
BINABASA MO ANG
Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISION
Fanfiction"I want to be in love with you the same way I am in love with the moon, with the light shining out of its soul." - Sanober Khan