Chapter 6: The Kwago's Love Story

680 32 16
                                    

DEION'S POV

"Kain naman tayo sa labas!" Yaya ni Tyler sa amin habang tumatambay kami sa gym.

"Hindi ako makakasama. May kailangan pa akong asikasuhin." Agad na sagot ni Kyle bago tumayo at lumabas ng gym.

"Nagpapatulong sa akin si Tina sa assignment niya. Kailangan ko nang umalis." Sabi naman ni Chase kaya naman ito ang sunod na umalis ng gym.

Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nang bumalik si Gabrielle, ang ex-girlfriend ni Kyle.

"Ang abnormal naman ng dalawa na iyon. Hindi ba dapat ay silang dalawa ang nauuna sa restaurant na pupuntahan natin?" Sabi ni Stan at sumang-ayon naman kaming lahat.

"Nag-away ba ang dalawang iyon?" Tanong ni Kristoff at napakibit-balikat lamang si Blaze.

"Who knows? Lagi namang umaalis si Kyle nang walang paalam eh pero si Chase ang aalis nang bigla-bigla? Bago iyon ah." Sabi ni Blaze.

"Kristoff!" Napatakip kami ng tenga nang dumating ang girlfriend ni Kristoff. Kung inaakala niyong si Abi ang may pinakamalakas na boses, nagkakamali kayo.

"Akala ko ba susunduin kita sa classroom ninyo?" Tanong ni Kristoff dito sabay halik sa noo nito.

"Nagpa-early dismissal si Sir kanina. Gala tayo?" Paglalambing ni Hyuri rito. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang tingnan silang dalawa.

"Nag-text si mama. Kailangan ko nang umuwi sa amin." Paalam ni Blaze sabay kuha sa bag niya.

Ano ba ang meron ngayon at ayaw nilang gumala ngayon? Dati naman ay kung saan-saan kami pumupunta pagkatapos ng klase.

"Kayo na lang para naman makapag-date kayo kahit papaano." Pagtanggi ni Tyler kaya naman natawa kaming lahat.

"Eh wrong timing lang naman talaga tuwing nagp-plano kami ng date eh!" Depensa ni Kristoff kaya naman napailing na lang ako. Tuwing nagp-plano kasi ang dalawa ay nagiging drawing ang lahat ng ito.

"Hay nako. Lumayas nga lang kayo!" Sabi ni Stan sa kanilang dalawa.

"Binubully niyo na naman si Kristoff ko!" Sabi ni Haley sabay yakap kay Kristoff. Agad namang sinubsob ni Kristoff ang mukha sa leeg nito. 

"Oo na! Kayo na! Doon nga kayo!" Sabi ni Simon sabay tulak sa kanilang dalawa palayo sa amin. Nang makaalis na ang dalawa ay naging tahimik ang gym.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Liam sa amin.

Magsasalita na sana ako nang dumating ang pinakamakulit na babae sa mundo.

"Kuya Lucas!" Bati nito sa Kuya niya.

"Oh Ysabelle? Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Lucas sa kapatid nito.

"Si Kuya Chad kasi! Pinagkalat na crus--" Bigla itong napatigil sa pagsasalita nang makita ako.

"Hi, Deion!" Bati nito sa akin at napasimangot na lamang ako.

"Hindi na naman niya ako pinapansin. Kuya Lucas, oh!" Pagsusumbong nito sa Kuya niya.

"Bakit ba palaging Deion ang tawag mo sa kanya? Magkasing-edad lang kaya kami. Dapat tinatawag mo siyang Kuya." Panenermon ni Lucas sa kanya.

"Sus! Ayaw pang aminin na crush si Deion! Eh binigyan mo nga siya ng cookies nung isang araw." Pang-aasar ni Chad kay Ysabelle.  

"Crush mo si Deion?" Nang-aasar na tanong ni Lucas sa kapatid niya na agad namang namula.

Halatang-halata naman sa mukha nito kung anong sagot niya.

"Kuya naman eh!" Sabi ni Ysabelle at nagtawanan silang lahat.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.

"Uuwi nga lang ako. " Sabi ko at nagsimula na akong maglakad papunta sa exit ng gym.

Hindi ko naman napansin na sinabayan pala ako ni Ysabelle palabas ng eskwelahan.

"Hatid na kita!" Paga-alok ni Ysabelle sa akin kaya naman tiningnan ko lang siya nang seryoso.

"At bakit mo naman ako ihahatid? Dapat sumabay ka na lamang doon sa Kuya mo." Sabi ko sa kanya. Imbes na mainis ay mas lalo itong napangiti.

"Yay! Iyan ang pinakamahabang nasabi mo sa akin!" Masayang sabi nito habang pumapalakpak.

Tingnan niyo, parang baliw lang.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

"Hi, Ysabelle!" Bati sa kanya ng isa sa mga kabatchmate niya.

"Hi! Bakit nandito ka pa?" Tanong nito sa kanya.

"Pwede ko bang hingiin ang number mo? Para mas madali kitang ma-contact para sa project natin." Bago pa maibigay ni Ysabelle ang number niya ay agad ko itong hinila papalayo rito.

"Ano bang problema mo?" Tanong nito sa akin.

"Akala ko ba ihahatid mo ko?!" Inis na sabi ko rito. Napanganga ito ng ilang minuto bago ngumiti.

"Sus! Selos ka lang eh!" Pang-aasar nito sa akin.

"At tsaka, hindi ko naman yun boyfriend. Wag kang seloso! Ikaw lang naman eh!" Pagpapaliwanag nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit at biglang uminit ang pakiramdam ko.

"Ewan ko sa iyo. Hindi mo ba ako ihahatid?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Alangan! On the way lang naman iyong bahay niyo eh!" Sabi nito bago kumapit sa braso ko at sumabay sa paglalakad ko.

I just hope na hindi maging magulo ang lakad ko pauwi.

Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon