Chapter 5: The Love and War

724 33 17
                                    

CHASE'S POV

Inis. Iyan ang nararamdaman ko ngayon.

Kakatapos lang ng auditions kaya naman agad akong lumabas ng room.

"Baozi ko!"

"Kristoff!" 

"Hindi pa ba tayo uuwi, Kuya?" Tanong ni Tina sa akin nang makalabas ito.

As much as I want to get her home, I need to stay here for a while.

May kailangan pa akong tapusin. 

"Hindi eh. May gagawin pa kami ni Lucas. Diba?" Sabi ko sabay akbay kay Lucas na mukhang walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Anong gagaw-" Hindi na niya natuloy ang tanong niya dahil sinenyasan ko siya na huwag magsalita.

"Ay! Oo nga pala! Gusto mo bang magpahatid na lang kay Stan?" Pag-aalok nito kay Tina.

"Anong si Stan ang maghahatid? Sila Giana na lang! Nakauwi na ba sila?" Tanong ko kay Tina.

"Hindi ko rin alam. May number ka ba niya? Tatawagan ko na lang siya." Sagot ni Tina.

"Hindi na. Ako na lang ang tatawag sa kanya." Sabi ko sabay dial ng number ni Giana.

Buti na lang at nasave ang number ni Giana noong binalak ni Kristoff na pormahan ito noon.

Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot naman nito ang tawag.

"Ano naman ang kailangan mo sa akin, kapre?" Masungit na tanong nito sa akin.

Kapre. Ayan na naman ang kapre niya. Palibhasa dwende kasi siya.

"Sabay na lang kayo ni Tina umuwi. Nasaan ka ba?" Tanong ko rito.

"Library." Sabi niya at agad na binaba ang tawag.

"Nasa library daw si Giana. Sumabay ka na lang sa kanya pauwi." Sabi ko kay Tina.

"Sige. Salamat, Kuya!" Paalam ni Tina bago kinuha ang bag at umalis.

"Ano ba ang gagawin natin ngayon?" Tanong sa akin ni Lucas nang makalayu-layo na si Tina.

"Wala. Akala ko ba susunduin mo si Josel-" Agad naman nitong tinakpan ang aking bibig.

"Wag ka ngang maingay! Bahala ka nga dyan!" Inis na sabi nito sa akin bago ako iwan.

"Hi, Kuya Chase!" Bati naman ni Ysabelle na bagong dating lang.

"Oh, bakit nandito ka pa? Kakaalis lang ng Kuya mo ah?" Tanong ko na naging dahilan ng pagkamula niya.

"Gusto ko sanang ibigay kay Deion iyong ginawa kong cookies." Nahihiyang sabi nito.

"Nandoon yata siya sa may locker, kasama si Tyler." Sagot ko rito at agad naman itong umalis.

Hay nako. Lahat sila puro pag-ibig ang inaatupag. Wala naman naidudulot na maganda.

"Chase!" Napalingon ako sa may pintuan ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Gabrielle.

Medyo marami-rami pa naman ang tao ngayon sa eskwelahan dahil maraming nagt-training para sa mga upcoming competitions. Lumapit ako sa kanya at agad siyang hinila papasok ng room.

"Wala ka na ba talagang hiya pagkatapos ng lahat ng nangyari? Bakit nandito ka na naman?" Inis na tanong ko rito.

"Hindi ba pwedeng mag-hi sa isang kaibigan? Wala na ba sa'yo ang lahat ng pinagsamahan natin?" Sabi nito sa akin kaya natawa ako.

"Kaibigan? Nawala na ang kaibigan mo na iyon magmula nang ginawa mo iyon." Seryosong sabi ko rito.

Nagsimula nang magtubig ang kanyang mata at agad akong niyakap.

"I miss you, Chase." Naiiyak na sabi nito habang nakayakap sa akin. 

Bago pa ako makasalita ay agad akong sinugod ni Kyle na kakapasok lang ng room.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Galit na tanong ni Kai sa akin.

"Bakit hindi mo tanungin iyang girlfriend mo, Kyle? Mukhang marami siyang kailangang ipaliwanag sa'yo." Sagot ko rito.

"Anong sabihin ni Chase? Ano ang kailangan kong malaman?" Tanong ni Kyle kay Gabrielle ngunit nanahimik lamang ito.

"I'm sorry, Kyle." Paulit-ulit na sambit ni Gabrielle habang umiiyak. Naguguluhan naman na tumingin si Kyle sa akin.

"Ano nga ang kailangan kong malaman?! Sabihin mo sa akin, Chase!" Kinwelyuhan na ako ni Kyle ngunit hindi rin ako nagsalita. It's not my story to tell.

"Mas maganda kung sa kanya manggaling ang katotohanan, Kyle." Seryosong sabi ko bago inalis ang kanyang mga kamay at saka nagsimulang maglakad papalabas ng room. Bago pa ako nakalabas ng room ay biglang nagsalita si Gabrielle.

"I cheated on you that's why I broke up with you." Mahinang sabi ni Gabrielle. Napalingon tuloy ako sa kanilang dalawa ngunit mabilis rin akong tumalikod at sinarado ang pintuan. 

It's their problem that they should fix. After all, I'm just her best friend.

Moonlight (EXO FF) // UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon