Hindi ito nabibili, makikita mo lang ito panigurado sa lugar niyo.
Sa bisaya, ang tawag sa Kamias ay 'IBA'.. Maasim ito na prutas. Pero ngayon, ang kailangan natin ay ang mga dahon lamang nito. At ang pagmamahal na kahit kailan hindi niya maibibigay sa'kin.
INGREDIENT AND MATERIALS
DALAWANG TANGKAY NG DAHON NG KAMIAS
MORTAR AND PESTLE (KUNG WALA, MARTILYO NA LANG)
TUBIG SA TABO (O BOWL)
MALIIT NA LALAGYANAN
PROCEDURE
1. Ibabad o ilubog lahat ng dahon ng Kamias sa isang tabong tubig. (Mas maganda kung puro malalaking dahon para maraming katas)2. Durugin gamit ang mortar and pestel o martilyo. (Dapat talaga basa ang dahon para makatas, kapag kasi tuyo hindi masyadong makatas. PS, wag kang green.)
3. Pigain gamit ang kamay para makuha ang mga katas at ilagay ito sa isang lalagyan.
PAGGAMIT
Ilagay sa mga pimples na nasa iyong mukha. Pagkatapos mo maglagay, maghintay ng dalawang minuto bago maghilamos. Gawin ito once in a day. Makikita ang resulta after one week. Ginawa ko rin naman ang lahat at ang resulta iniwan pa rin niya ako.RECOMMENDATION.
Ginamit ko ito nung marami akong mga boils sa mukha at napaka-efective talaga nito. Ang boils ay yung mga pimples sa mukha na 'pag hinawakan mo matigas at saka matagal mawala. Katulad niya matigas ang puso niya pero ang pagmamahal ko para sa kanya matagal mawala.