SMOOTH & SOFT SKIN: Cetaphil Facial & Body Cleanser

181 2 0
                                    

Ang Cetaphil Facial & Body Cleanser, ang gamit nito ay halata naman sa pangalan. Kaya kapag alam mong magsisinungaling lang siya sayo 'wag ka na lang magtanong para hindi masakit.

Mabibili ang Cetaphil Facial & Body Cleanser sa mga botika. Ang 99ml ay Php109 yata. Ang 250ml naman ay nasa Php300+. Please correct me sa exact price nito. Itatama ko rin pala ang maling gawain ng puso ko, mahal pa rin kasi niya 'yung taong nanloko sa kanya.

Ang cleanser na ito ay may 2ng klase, for NORMAL & OILY SKIN. Mas mahal ang OILY SKIN kaysa sa normal skin. Kaya kapag nadudulas siya sa mga sinasabi niya, ibig sabihin mas mahal mo siya kaysa sa sarili mo.

Para sa'kin amoy coconut siya, pero kung mahilig ka kumain mas amoy Macapuno siya.

EPEKTO
Maganda ang epekto nito, magiging smooth and soft ang skin mo in just one month when you use it every day & night. Kaya para maging maganda ang isang relasyon at mas tumagal, kailangan mo ipakita't iparamdam ang nararamdaman mo sa kanya kahit na ikaw na lang ang gustong ipagpatuloy ang relasyong merong 'KAYO'.

BEAUTY TIPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon