WHITE HEADS: EGG WHITE MASK

203 1 0
                                    

Dito naman tayo sa face mask. Para matakpan ang lungkot ng ating labi dahil sa kanya.

Madali lang naman ito gawin, 'wag ka lang maging tamad. Para rin naman ito sayo para hindi ka niya iwan. Kung iiwan ka man niya kahit maganda ka, tingin mo, sino may kasalanan? Edi yung nanlandi sa kanya.

INGREDIENTS

1 EGG

TISSUES

PROCEDURE

1.  Biyakin ang itlog at kuhanin ang white. Ikaw na bahala kung paanong gagawin mo para mapahiwalay 'yan. Yung babae nga at siya hindi ko napaghiwalay. Ayoko na!

2. I-stir ang white egg hanggang sa magbubbles. Rason? 'Di ko alam. Hindi ko nga rin alam kung bakit mahal ko pa rin siya kahit na alam kong binobola niya lang ako.

3. Balatan ang tissue. Oo, balatan mo dalawa kasi layer niyan. Kapag hindi mo balatan masisira kapag ilalagay mo na sa mukha. Pero kahit balatan ko pagmumukha niya, makapal pa rin ang mukha para lokohin ako.

4. Maglagay ng egg white sa mukha tapos tissue pagkatapos harap muna sa electric fan para maging 'medyo' tuyo para na rin matuyo ang luha dahil sa kakagawan niya.

5. Kapag 'medyo' tuyo na, pahid ka ulit ng egg white tapos tissue ulit tapos patuyo tapos pahid egg white tapos tapos na. Pagkatapos ka niya paibigin, hahanap ulit siya ng bagong lalandiin.

6. Hanggang 2 layers lang ng tissue ang dapat gamitin, bawal 3 layers kasi matagal matuyo, mga 1 to 2 hours pa. 2 layers = 20-30 minutes na hintayan lang. Pero 'di ko talaga kayang hintayin na magtitino siya para sa'kin, 'di lang pera ko ang nauubos pati pagmamahal ko.

EPEKTO

Pagkatapos mo tanggalin 'yung mask makikita mo na 'yung mga white heads na dumikit sa tissue at magiging fresh na fresh na rin ang mukha mo. Kaya tanggalin mo na rin ang pagiging martir mo para makita mong tama na ang mga panlolokong ginawa niya sayo.

BEAUTY TIPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon