Maraming gamit ang shark oil, kaso mas ginagamit ko ito para sa Pimples ko.
Ang Shark Oil ay mabibili sa mga botika, cost of Php110. Price varies kung saan ka bibili.
Ang amoy rin nito ay masakit sa mata sa una, pero kung sanay ka na hindi na masakit. (Pero bakit ganon? Maraming beses na akong nasaktan. Imbes na masanay ako tila dumodoble ang sakit)
PROCEDURE
Maglagay nito sa buong mukha hanggang sa leeg o sa ilalim ng leeg tuwing gabi. Maghilamos pagka-umaga.I-apply lamang ito every other day. After one week, apply ito every two days hanggang sa maging once in a month na.
EPEKTO
Dahil hindi ito natural, asahan mo nang may epekto ito. Parang sa relasyon niyo, hindi natural sa kanya ang maging stick-to-one kaya asahan mo nang marami kayo sa iisang stick.Ang EPEKTO nito ay katulad lamang sa Katialis. Ang kaibahan lamang ay madaling makuha ang pamamalat nito. Pagtanggal nito ay parang may sunburn ka, dead skin kasi yung matatanggal at mapapalitan ng bagong balat. Pero bakit ganon? Umalis siya sa buhay ko, pero walang bagong dumating.
ANOTHER INFO 'BOUT SHARK OIL
Ginagamit ko rin ito kapag nangitim ako dahil sa panliligo sa dagat. (Kapag WALA kang sunburn, pwede mo 'tong gamitin) Rason? Para mas mabilis ang pamamalat. Mas mabilis manumbalik ang totoo mong kutis. Kaya wag kang maghanap ng iba habang mahal mo pa siya kasi masasaktan mo si panakip butas at hindi ka pa magiging masaya.